Nagsisikap pa rin namang mag trabaho si Ervic para kahit papano mabuhay niya sina Nicko kahit pa pinalayas na siya ni Carlyn sa kanilang bahay. May obligasyon pa din siya sa kanyang Pamilya. Unti-unti na din niyang sinusuyo ulit ang asawa.
Months have passed.....
Nasa flower shop at nag aayos ng mga idedeliver niya si Ervic nang lumapit yung isa niyang ka trabaho sa kanya.
"Ervic, may naghahanap sa'yo."
"Sino?" Takang tanong ni Ervic. Paglingon niya nasa may malapit si Natalie. Nakangiting nakatingin sa kanya.
Ilang sandali pa at nagusap silang muli sa may bench malapit lang sa flower shop.
"Aalis na kami ni Dad papuntang America the day after tomorrow." Panimula ni Natalie.
"Ba-bakit biglaan?"
"Gusto ko kasing masiguro ang kondisyon ni Dad. Ayokong lalong lumala pa ang sakit niya. Kaya sa States na lang siya magpapatuloy ng pang gagamot niya."
"Pano ang shop mo? Ang kumpanya?"
"Maiiwan naman si Ate dito. Siya muna ang mamamahala sa lahat habang wala kami." Paliwanag ni Natalie.
"Hanggang kailan kayo sa America?"
"1 month, 1 year, 2 years. I don't know. Bahala na."
Napayuko tuloy si Ervic sa nalaman. Masakit din naman sa kanya ang pag alis ni Natalie pero alam niyang kailangang gawin 'yon ni Natalie para sa Dad nito.
"Gusto ko lang magpaalam sa'yo kaya kita pinuntahan dito."
"Ma-ma mi-miss kita." Biglang sabi ni Ervic.
"I'm gonna miss you, too." Ganting sabi naman ni Natalie. Tsaka nila niyakap ang isa't-isa. One last embrace.
"Mahal kita, Ervic, kahit sobrang sakit at hirap na hirap ako. Mahal kita kahit na pagmamay-ari ka na ng iba. Mahal kita kahit na alam ko sa bandang huli ako pa rin ang talo. Gusto ko maging masaya ka kahit hindi ako ang dahilan ng kasiyahan mo."
Hindi na napigilan ni Natalie ang kanyang mga luha. "Masaya ako dahil naging parte ka ng buhay ko, pero siguro hanggang dito na lang tayo."
"Natalie, kahit anong mangyari mananatili ka sa puso ko magpa kailanman. Pipilitin kong ayusin ang buhay ko. Pipilitin kong maging masaya ulit, at hinahangad ko din ang kaligayahan mo kahit wala na'ko sa piling mo. Masakit pero unti-unti kong tatanggapin 'yon."
Nangilid na rin pala ang mga luha sa mata ni Ervic. Knowing na ito na nag huling pagkikita nila ni Natalie.
Pagkatapos makipag usap ni Natalie kay Ervic ay nagtungo siya sa graveyard ni Martee. Nandon din pala si Carlyn at nag pang abot silang dalawa.
Batid ni Natalie na malaki ang kasalanan ni Carlyn kung bakit nalgalag ang kanyang baby. Pero naiintindihan naman niya kung bakit nagawa 'yun sa kanya ni Carlyn. Madami din naman siyang naging kasalanan dito. Naging kerida siya ng kanyang asawa at madaming masasakit na salita ang nabitawan niya dito na pinagsisisihan niya.
"Hi." Bati ni Carlyn kay Natalie.
Ngiti lang ang isinagot ni Natalie kay Carlyn.
"Gusto ko lang ulit magpa-"
"Kung babanggitin mo ulit ang nangyari sa baby namin, huwag na. Okay na. Unti-unti ko ng tinatanggap ang mga nangyari. Marahil hindi talaga para sa'min ni Ervic ang bata." Napayuko si Natalie.
Hindi naman nakapag salita ulit itong si Carlyn.
"Pumunta lang ako dito para-para magpaalam kay Martee."
"Magpaalam?" Takang tanong ni Carlyn.
"I'm leaving for the States the day after tomorrow. Gusto ko lang maging maayos ang buhay ko at gusto ko ding maayos ang mga buhay na nagulo at nasira ko bago ako umalis. Sana bigyan mo pa ulit ng isa pang pagkaka taon si Ervic."
"Hindi ko alam kung maibibigay ko sa kanya ang pagkakataong sinasabi mo."
"Everybody deserves a second chance. Huwag mo sanang hayaang lumaking walang Ama si Nicko. Pinag sisisihan na namin ni Ervic ang mga kasalanang nagawa namin. Sana mapatawad mo pa rin kami. Ang dami kong masasakit na sinabi sayo, I'm sorry. Alam kong hindi sapat ang paghingi namin ng tawad pero sana tanggapin mo pa rin."
"Hindi ko nga alam kung ano'ng nagawa kong kasalanan at pinaparusahan ako ng ganito."
Umiling si Natalie. "Ako, ako ang pinaparusahan. Nagmahal ako sa maling tao at yung ka isa-isang taong nagmahal sa'kin ng sobra ay nawala, tapos nawala din ang baby ko. Alam mo 'yun? Yung pakiramdam na ang sama-sama kong tao. Masama akong tao kaya pinparusahan ako. Naalala ko pa nga ang huling sinabi mo sa'kin nang magkita tayo dito, na sana ma karma ako. Well, wish granted. Na karma nga ako. Sobra-sobra pa." Pinunasan niya ang mga luhang pumatak sa kanyang pisngi. "Believe it or not, I still care for you, you're still my Ate Carlyn. Hindi man natin maibalik ang dati nating samahan, sana one of these days kung magka salubong man tayo, we will still greet each other with hi and hello." Pilit siyang ngumiti kahit nahihirapan ang kalooban niya.
Napaiyak na din si Carlyn sa paguusap nila ni Natalie. Sa totoo lang bigla ng nawala ang lahat ng sama niya ng loob kay Natalie, nabura lahat ng mga masasakit na sinabi nito, magmula ng malaman niyang nalaglag ang dinadala nitong bata. Hindi sa nakokonsensya siya. Nung mga panahong 'yon gustong gusto niya talagang yakapin si Natalie para i-comfort.
Tumingin si Natalie sa graveyard ni Martee. "Martee, pano ba 'yan? I need to go. But don't worry, you will always stay in my heart and in my mind. Dadalawin ulit kita sa oras na bumalik na kami ng Manila. Kung kailan? Hindi ko pa alam. I'm gonna miss you." Tumalikod na siya para sana umalis pero muli niyang binalingan si Carlyn. "Paalam----- Ate Carlyn, hanggang sa muli." Naglakad na ulit siya palayo.
"Natalie, sandali." Habol na pigil ni Carlyn.
Nilingon ni Natalie si Carlyn, lumapit na pala ito sa kanya at niyakap nang mahigpit. Sa mga oras na 'yon ay tila wala na ang samaan nila ng loob nung nakaraan.
Carlyn is still the WIFE and Natalie is not the MISTRESS anymore.
BINABASA MO ANG
The Wife And The Mistress
Storie d'amoreLove is one of the best thing that can happen to your life. But what if one day, it will only destroys your life? That the only man that you love has fallen to another woman. Are you still willing to fight for that love even if its slowly killing yo...