Kerk POV
Pinagmamasdan ko ang anak ni Prince Anhiro na kasalukuyang nakikipaglaro sa kanyang lolo. Ganyan na din siguro kalaki ang anak namin ni Terra kung hindi siya nawala, alam niyo kung gaano ako nagsisisi at nanghihinayang sa pagkawala ng anak namin.
"Razec, pwedeng makihiram ng cellphone mo?" Tanong ko. Kinuha naman niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at ibinigay sa akin.
"Ibalik mo din agad kasi si Maysel nagrereklamo kapag ang tagal ko magreply." Sagot naman ni Razec at hindi ko na siya sinagot. Medyo lumayo ako sa kanya at dinial na ang telephone number ng bahay nila mama.
"Hello?" Napangiti ako dahil sa boses na aking narinig. Alam mo ba Terra kung gaano kita namimiss? 'Yung kahit milyong beses na sabihin ko sa'yong miss kita ay hindi 'yun sapat para matumbasan ang nararamdaman ko.
"Sino 'to?" Tanong niya
"Hello? Bakit hindi ka nagsasalita? Sino ka ba?"
"Sino 'yan?" Magsasalita na sana ako subalit umurong ang aking dila nang marinig ko ang boses ni Junn.
"Hello?" Wika ni Junn subalit..mas pinili kong ibaba nalang ang cellphone kesa sa makausap siya. Itinikom ko ang aking palad at sinuntok ang pader. Bakit nandoon si Junn? Kabilin-bilinan ko kay mama na huwag niyang papupuntahin doon ang lalaking 'yun, subalit bakit nandoon siya? Nagtatanong ako! Bakit nandoon siya?
Magpapaalam lang sana ako kay Terra, magpapaalam lang ako na baka hindi na ako makabalik pa o hindi ko na siya masilayan pa o baka hindi ko na siya makausap subalit..hindi ako pinalad na siya ang makausap ko dahil sa lalaki na 'yun. Pinunasan ko ang luhang namumuo sa aking mata. Ang dami kong sakripisyong ibinigay sa kanya..subalit..kahit isa-isahin ko yata sa kanya ang mga iyon ay hindi niya pahahalagahan.
"Kerk..anong..nangyari?" Tanong ni Razec pagkabalik ko ng kanyang cellphone at umupo na muli sa tabi niya. Napasabunot ako sa aking buhok at itinungkod ang braso sa aking hita.
"Gusto ko sanang makausap si Terra..kaso kasama niya pala ang ex niya." Sagot ko at napa tsk si Razec.
"Hayaan mo na muna si Terra kay Junn..marerealize niya rin na ikaw ang mahal niya."
"Kailan pa niya marerealize 'yun? Kahit paulit-ulitan mo pang banggitin sa kanya ang pangalan ko, hindi niya madedefine kung ano ako sa kanya. Wala akong puwang sa puso niya."
"Edi..suko ka na?"
"Kung pwede lang.."
"I highly saying na wag kang sumuko. Dahil..ang pagmamahal..not asking or waiting in return. Ang ibig kong sabihin, magmahal ka kahit hindi ka niya minamahal pabalik."
"Pano naman 'yung nararamdaman ko?" Tanong ko.
"Nararamdaman pa rin 'yun." Pilosopong sagot niya.
"HANDA NA BA ANG LAHAT?" Binasag ni Anthea ang pag-uusap namin ni Razec. Tiningnan ko ang aking relo. Mag-aalas otso na, malapit na kaming sumugod.
"Nasaan si Anhiro?" Tanong niya
"Nagpapaalam pa kay Meshiro. Gusto niya kasing sumama." Sagot ni Razec. Tumayo kami at lumapit sa pwesto ni Anthea at Denstah.
"Okay, habang hinihintay natin ang aking kapatid, ipapaalala ko lang sa inyo ang ating napagkasunduang plano. Ayokong may magkakamali, at ayokong may titiwalag sa plano." Sabi niya habang nagpapalakad-lakad sa harapan namin at nang mga tauhan.
"Kerk, pakitawag na ang kapatid ko. Aalis na tayo." Utos sa akin ni Anthea. Tinungo ko na ang daan papunta sa living room.
"Dito ka nalang kasi." Kagaya ng anak ay ayaw din ni Mesaiyah na pasamahin ang kanyang asawa.
"Tungkulin kong protektahan an gating angkan at tungkulin ko ding sumama sa bawat laban. Kaya hindi maaaring hindi ako sumama." Pagpapaliwanag ni Anhiro. Napatingin naman sa akin si Mesaiyah na kasalukuyang karga ang anak.
"Sige. Basta mag-iingat kayo lalo na ikaw." Sagot ni Mesaiyah at Bago umalis ay humalik muna si Anhiro sa kanyang mag-ina.
"I love you." Wika ni Anhiro
"I love you too.." sagot naman ni Mesaiyah. As as possible ay gusto ko ng hilahin si Anhiro palabas dahil naiinggit lang ako sa kanila. Lubos kong naiiisip na sana ganito kami ni Terra..
Pagkalabas namin sa bahay ay agad din kaming umalis. At mabilis din kaming nakarating sa hide out ng mga kalaban namin. Malaki ang ang bahay at alam ko na agad kung saan ako pupunta. Lumabas na kami sa kotse at isa-isang nagtungo sa kanya-kanya naming pwesto. Hinintay namin ang senyas ni Anthea hudyat na papasok na kami sa gate at nang malaman niyang handa na ang lahat ay..sumipol na siya.
Sinira namin ang gate at nang makapasok na kami ay nakipaglaban na kami sa statutory gang. Subalit ayon sa plano sa kanilang leader ako didiretso, kaya ang bawat humarang sa daan ko ay aking pinapatay. Walang ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi paghihiganti. Babawiin ko ang buhay na kinuha mo sa akin. Ang buhay ng mama ko at papa ko. Ang mga pinsalang idinulot mo sa akin ay ibabalik ko sa'yo.
Pumasok na ako sa kwartong itinuro sa akin ni Anthea subalit wala akong nakikitang James Daichiko, ni kaluluwa niya ay hindi ko makita. Agad akong lumabas at pinagbubuksan ang iba pang kwarto at sa ikatlong kwarto..bumunyag sa akin ang kanyang pagmumukha na nakatawa habang..ang katanang hawak niya ay nakatutok sa leeg ng aking kapatid na kasalukuyang..umiiyak. Kitang-kita ko ang pasa niya sa mukha..at walang alinlangang ang leader nila ang may gawa niyan sa kapatid ko.
Inalis niya ang tali sa bibig ng kapatid ko.
"Kuya.."
"Kuya..tulungan mo'ko.." Lumuluhang wika ng kapatid ko. Gusto ko mang lapitan siya at yakapin subalit..may nakaharang sa aking dalawa niyang tauhan.
"Magpaalam kana sa iyong Kuya. Huling salita mo para sa pinakamamahal mong kapatid." Wika niya at nagevil smile sa akin.
"Kuya.." wika ni Sesshi habang patuloy pa ring umiiyak. Hinugot ko ang kutsilyong nakasingit sa pantalon ko at sinaksak ang dalawa niyang tauhan na nakaharang sa akin. Napatingin ako kay sesshi sa bigla niyang pagsigaw. Sinugatan siya sa braso at tumutulo ang dugo. Lalapit na sana ako sa kanya ng muli niyang sugatan ang kapatid ko sa braso.
"One step at a time, one pain at a time." Nangingiti niyang wika sa akin.
"Tandaan mo Kerk..hindi lang ako ang gustong mapabagsak ka----" hindi na niya naituloy ang kanyang sinasabi dahil binaril siya ni Anthea at sapul sa noo. Napabagsak siya sa sahig. Agad akong lumapit sa kapatid ko at niyakap siya. Sinira ko ang aking damit at inilagay sa kanyang sugat.
"Salamat Kuya..dahil..hindi mo ako pinabayaan." Wika ni sesshi habang mahigpit na nakayakap sa akin. Binuhat ko na siya papalabas at bawat sulok ng bahay ay may makikita kang bahid ng dugo. Isinakay ko siya sa kotse at agad ding nagbalik sa bahay nila Prince anhiro.
Pagkarating namin ay ginamot ko na ang sugat na tinamo niya sa lalaking 'yun. At sila Anthea, Denstah, Razec, Mesaiyah at Anhiro naman ay nakabantay lang sa amin.
"Salamat sa inyo." Wika ni Sesshi sa aking mga kaibigan.
"Salamat dahil tinulungan niyo ang aking kapatid. Salamat sa pagligtas sa akin..tatanawin kong utang na loob ito." Dagdag niya
"Walang anuman, Sesshi. Ginawa lang namin ang nararapat." Sagot ni Anthea
"Ngunit..kahit na namatay na ang lalaking iyon. Hindi na niya maibabalik ang aking mga magulang." Galit na wika niya at napatingin ako kay Anthea.
Alam kong hindi agad mapapawi ang poot na nararamdaman niya, alam kong lahat ng pangyayari ay sariwa pa para sa kanya at para sa akin kaya't napakahirap na tanggapin. Oo, namatay na nga ang lalaking 'yun subalit..hindi pa rin niya mababalik ang buhay ng magulang namin.
At biglang pumasok sa aking isipan ang kanyang iwinika sa akin kanina. Hindi lang ako ang gustong mapabagsak ka.. Sino kaya ang tinutukoy niya? May iba pa ba siyang grupo? Hindi ko alam kung narinig ni Anthe ang kanyang sinabi bago pa man niya ito barilin pero narinig man niya o hindi, hindi ko muna 'yun sasabihin sa kanya.
--
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover