Chapter 26

3 0 0
                                    

Louise Pov.


Nagmamadali si Louise lumabas ng building  ng Villa  Corporation.
Pag pasok nya ng kotse hindi na nya napigilang umiyak.

"Ang lakas ng loob nyang kamustahin ako? At tanungin kun baket ko siya iniwan? At baket nya ako hahanapin
Samantalang alam naman nya ang dahilan." sabi ni Louise sa sarili nya habang umiiyak sa sarili.

"Baket ko pa uli siya nakita, kung kelan nakalimutan ko na ang masasakit na dinulot nya sakin."

Pinaandar na ni Sophie ang sasakyan gusto na nyang makaalis sa lugar na yun.
Habang daan bigla nag balik ang ala ala nya sa nakalipas na limang taon.

~~Flash back~~

Pag katapos namin mag usap ni Monique ng gabing iyun, hindi naging madali para sa akin ang matulog.
Ang daming tanong sa aking isipan.
Ang pag bubuntis ni Monique  at si harry ang ama,
Paano  na relasyon namin,
At ang pakiusap ni Monique sa akin na ipaubaya ko na sa kanya si Harry.
Nakatulugan ko na hindi ko alam ang kasagutan.

Kinabukasan araw ng graduation namin sa halip na maging masaya ako dahil ga graduate ako bilang Valedictorian  ng klase namin hindi ko magawang maging masaya.

At nun umaga na yun bago ako pumunta ng graduation ko nakapag pasya na ako ipapaubaya ko na si Harry  kay Monique alang alang sa batang dinadala ni Monique  walang kasalanan ang bata para lumaki itong walang ama at ayokong ako ang maging dahilan kaya siya hindi mag kaka ama.

Pag dating nya sa school sinalubong na siya ka agad ni Harry  pero malamig ang pakitungo nya dito at sinabing mamaya na sila mag usap at may kailangan pa siyang asikasuhin...

Nag tuloy siya sa room nila kun saan nandon ang mga kaibigan nya na nag iintay na lang na magsimula na ang graduation.

"Sophie baket parang malungkot ka? "bati ni "cecille ng mapuna ang pananamlay nya.

"Hindi, kulang lang ako sa tulog sa sobrang excited " pagdadahilan ni Sophie at pilit na pinasigla ang sarili.

At habang makausap kami ng mga kaibigan ko sa room namin natanaw ko sa labas na kausap ni Harry  si Monique may inabot pa itong regalo kay Harry.
Mukang seryoso pinag uusapan nila, naisip ko sinasabi na siguro ni monique na buntis siya at nakita ko si Harry  na palinga linga kung di ako nagkakamali ako ang hinahanap nya at iniisip nito baka makita ko silang dalawa.
Nakita kong umiyak si Monique na nakahawak sa braso ni Harry, at bigla itong umalis na.

Naisip ko na nagalit siguro ito dahil ayaw siyang panagutan ni Harry.
Naawa ako kay Monique, kaya desedido na akong ipaubaya si Harry sa kanya.

Nang matapos ang graduation  namin lumapit si Harry sakin binati gusto ko siyang yakapin kahit sa huling sandali pero hindi ko magawa dahil sa baka pag niyakap ko siya mahirapan akong ipaubaya  siya kay Monique baka magbago ang isip ko dahil mahal na mahal ko si Harry. Minabuti ko umuwi na at sinabing masama pakiramdam ko nag offer ito ihatid kami ng magulang ko pero tumanggi ako. Iyun ang huli namin pagkikita ang araw ng graduation namin.

Pag dating sa bahay inabutan namin ang kapatid ng Mama ko si tita Andrea nakiusap ito na tumira kami sa bahay nila sa manila dahil napetisyon na siya ng asawa nito at duon na maninirahan sa ibang bansa at dahil sila lang ni mama ko ang magkapatid sa kanya ibinigay ang bahay.
At dahil nasa manila ang trabaho ni papa pumayag na din sila.
Nang marinig ko ang usapan nila sabi ko sa sarili ko eto na ang way para iwan ko na talaga si Harry.
Sa sandaling pag uusap at pilitan ng tita ko napa payag niya mga magulang ko  nun gabi na yun, sumama din kami sa kanya pabalik manila nun gabi na yun dahil kinabuksan na din ang flight ng tita ko...
Sa manila na ako nakapag aral ng kolehiyo, pag punta namin ng manila pinangako ko na kakalimutan ko na si Harry.
Nahirapan akong kalimutan siya dahil walang araw na hindi ko siya naisip nun nasa manila na ako,naalala ko yun masasayang araw na mag kasama kami yun mga suprise nya sakin twing weeksary namin. Pero nun magsimula na akong mag aral unti unti ko na siyang nakalimutan nag pokus ako sa pag aaral ko para kalimutan siya.
Maraming nanligaw sakin nun nag aaral na ako pero ni isa sa kanila wala akong inintertain dahil ang gusto ko lang nun time na yun makatapos at makamit ko ang pangarap kong maging isang sikat na designer.

Lumipas ang tatlong taon kinailangan namin umuwi ng bulacan dahil binyag ng anak ng ate ko, nakatira na ito sa asawa nya sa isang baryo sa bulacan na kalapit baryo lang sa dati naming bahay.

Yun ang unang pagkakataon na babalik ako sa lugar na kinalakihan ko. ang lugar na nakaranas ako ng saya at lunggkot.

Sa simbahan na kami tumuloy dahil sinabi ng ate tess ko na nandun na sila at malapit ng simulan ang binyag.
Pag dating namin ng simbahan papasok na sana ako sa loob ng may naka agaw sa akin ng pansin.

Nakita ko si Harry at Monique sa harap ng isang restaurant at may kasama itong bata na nasa edad na tatlong taon. Ito siguro ang kanilang anak.

"Nagkatuluyan din pala sila, at malaki na ang anak nila."sabi ko sa sarili ko at sumunod na ako sa mga magulang ko papasok sa loob ng simbahan.

Sa loob ng simbahan hindi ko alam kun baket pumatak ang luha ko, nasaktan ba ako na makita silang mag kasama. O dahil mahal ko pa din si Harry?

Tumuloy kami sa reception ng binyag at pag katapos nag paalam na kami dahil kailangan bumalik din kami manila dahil sa trabaho ng papa ko...

End of flashback

NAkarting ng bahay si Sophie ng hindi nya namalayan.

"Ate kain na po kayo nakaluto na ko. " sabi ni Amy pag pasok ko sa loob ng bahay.

"MAmya nan lang, Amy busog pa ko." sagot ko sa alok ni amy at dumeretso na ako sa kwarto ko.

Naalaa ko na naman ang nangyari kanina.
Baket si HArry pa ang ceo ng Villa Corporation, paano ako makikipag trabaho dito.
At lakas ng loob nyang sabihing hinanap nya ko.
Hindi ba naging maayos ang pagsasama nila ni monique?
Ang anak nito siguro malaki na.
Pero may isang bahagi sa puso nya ang lumukso ng makita nya uli si Harry.

Slum NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon