9 : Chicks Hunt

14 1 0
                                    



Napark na ni Mang Hector yung kotse ko sa baba sa garage nitong building ng condo ko.


Napagdesisyunan kong magdrive. I don't know where to go. I just drive and drive. Medyo dumidilim na din ang kalangitan. Ang gandang pagmasdan ng mga ilaw sa daan. Ilaw ng mga shops, stores at mga buildings. Buti di matraffic ngayon.


Maya maya nahinto ako. Andito ako sa harapan ng bahay ni Orion. And recently, pinagpipindot ko yung doorbell nila, non stop. I don't know why I'm doing this. And I don't know why I'm here. Bored lang siguro ako. Naiinis parin ako sa kanya. Sana naman magsorry man lang sya.

"What the hell are you roing here?!" He shouted as he opened the gate.


"Ahm..uhh..a-ano..matatae ako" wala talaga akong maisip na dahilan kyng bakit ako andito. Ayan tuloy, shock na shock ang expression nya. Aish. Bat ba yun agad yung pumasok sa isip ko? Gosh.


Tsaka. Napansin ko yung guy na katabi ni Orion. He seemed amused compare kay Orion na shock. Sya yung natamaan ko kanina ng lata. Yung pikon. Tss. Anong ginagawa nya dito? Friends sila?


"Wow. Anong akala mo sa bahay namin? Palikuran? What the hell?!" Orion said using his loud voice.

"E kung matatae na nga ako! Sige ka! Pag ako inabot dito." I snap back. Ang galing ko talaga umacting. Hahahaha.


"Aish. Hayo! Pasok sa loob! Tsk." He said habang napakamot na lang sya sa ulo ng dahil sa galit. Laki ng galit sakin nitong isang to. Jablig. Isang green na green na catus para sayo Orion! Psh. May pagbeso beso ka pang nalalaman, yun pala pupunta lang kay Blaire. Tss.


Habang naglalakad ako papasok ng bahay nila. Sa labas palang kitang kita mo na ang ganda ganda ng bahay nila. Bat di ko to napansin noon? Imbis na semento, glass yung ginamit nilang wall. Wow *o* RK nitong batang to. Pero di lahat ng wall nila glass, meron ding semento ofcourse. Yung glass wall lang talaga yung una kong napansin.


"Ano ba? Bilisan mo nga maglakad! Matatae kana diba?!" Orion said looking frustrate.


"Tss. Parang ikaw pa yung taeng tae eh." Sabi ko ng may pag-irap.

"Tss. Whatever. Bilisan mo na lang!" he snap back.


Pagkapasok namin tinuro nya sakin yung restroom nila. Pumasok ako dun. Wala akong ginagawa dito sa loob ng cr nila. Nakatunganga lang sa harap ng salamin. Eh kase di naman ako matatae eh! Aish. After a few minutes napagdesisyunan kong lumabas na ng banyo.



Naglalakad ako pa-living room ng may mapansin akong taong nakatitig sakin sa side. Uh-oh. May ghost ata dito. Dahan dahan akong tumingin dun at..at isang matandang babae papalapit na sya ng papalapit sakin. Ako naman ay paatras ng paatras. Oh god! Help me!



Hahawakan na nya ako...My heartbeat are running so fast! Papalapit na sya.



"Ahhhhh!" I screamed.


Nagulat naman sya ng sumigaw ako.


"What happened? Are you okay?" Tanong sakin ni...mr. pikon? Dali dali syang tumakbo papunta sa kinatatayuan namin nung matanda and he looked concerned.



"Aba'y ining bakit mo ba naman ako sinisigawan?" tanong nung matandang babae kaya nagulat ako ng magsalita sya at nagtago ako sa likod ni...ewan ko kung anong pangalan!



"Woah! Bat ka ba nagtatago? Hahaha" He laugh and then Orion came into the scene.


"Oh anong kaartehan na naman yan Demetry ha?" he said. Bakit palaging high blood ang isang to? Jablig.



" Akala yata ni ining ay ako'y multo dini. Hahaha. Sa ganda kong ito ay napapagkamalan pa akong multo? Wag kang matakot sa akin iha. Hahaha" sabi nung matandang babae. Kaya nahihiya ko syang hinarap.



"Ay. Sorry po lola. Kala ko po kase..." Pagpapaumanhin ko.



"Siyanga pala mga apo. Kanino bang syota itong magandang dalaga na ito?" Pagtatanong ni lola. Ba! Pati syota alam nya ang ibig sabihin. Astiiig! Hahahaha.



"Uhh..ay nako po lola. W-wala po akong boyfriend jan sa mga apo nyo" pagtatanggi ko.



"Granma, sa gwapo naming to ni kuya, halata naman pong di kami magkakagusto sa kagaya nya." So, kuya nya pala tong si mr.pikon. Orion just gave me a dirty look.Aish.



"Di ah. Maganda din kaya sya,diba granma?" Pagtatanggol sakin ni...kuya ni Orion.



"Aba maganda talaga ako. Diba po lola? (maganda pa nga ako sa girlfriend ni Orion e)" binulong ko lang yung nakaparenthesis.



"Correct ka jan iha. Napakaganda mo nga." sabi ni lola at nag-appear kami. Parang bagets si lola. Magkakasundo kami nito. Hahaha.



"Aish. Umalis ka na nga dito. Bumalik ka na lang sa inyo!" pagtataboy sakin ni Orion.



"Aba ikaw na bata ka! Bakit ba napakataray mo? Halika ining at sumabay ka na saamin mag dinner." pag-aaya nya



"Sige po!" Di naman sa walang hiya pero nakakahiya lang talagang tanggihan ang alok ni lola. Hahaha. Di pa din kase ako nagmemeryenda e.



"What?! Urgh!" bakit ba napakademanding ngayon ni Orion? Nagbago na sya! Pota. Pero ang gwapo nya parin talaga e. Ay ano ba naman yang pinag-iiisip ko? Aish.



"Tara?" Pag-aaya sakin ni...kuya ni Orion. Tumango lang ako at sinundan sya papunta sa kitchen.






Haaaaay! Busog much. Ang saya nilang kasalo sa pagkain. Sila lola, lolo, kuya ni Orion except kay Orion na mungot na mungot habang kumakain. Gago. Pero naalala ko bigla, wala na nga pala silang magulang. Nasa condo ko na ako ngayon. Safe akong nakauwi ng may kumatok sa pintuan at binuksan ko yon.



Pagkabukas ko....




"Kamusta naman Gleam Demetry Ramirez? Selos na selos ka na samin ni Orion no? Hahahaha" Blaire said with her evil laugh.


"Ako? Nagseselos your face! *hila sa buhok nya* alam mo, kung mang-iinsulto ka lang dito, umalis ka na." sabi ko sabay bitaw sa buhok nya.



"Ouch! I won't! I have to tell you that Orion is now my boyfriend. So..don't you ever come near him. Sabi ko naman kase sayo, Orion is only mine" she said smirking.


"Edi sayo na! Tangina! Isaksak mo pa sya sa baga mo! Wala akong pake! Alis na" Tinulak ko sya ng malakas sa may pintuan kaya napabagsak sya sa labas sa sahig. Tapos sinaraduhan ko na sya ng pintuan. Narinig ko pa nga syang sumigaw dahil sa galit e. Hahahahaha.



"Wooh! Kainis yang Blaire na yan. Kala mo naman ang ganda ganda nya. Ipinagmalaki pa sakin na bf nya na si Orion. Wala akong pake sa kanila! Wala talaga! Tss." Ano ba yan. Nagsasalita na akong mag-isa. Psh.



Woooh! Stress.



Nakakainis ka Orion. Sabi mo dito ka ulit matutulog. Tss. Oo na! Selos na ako! Puta. May iba ka na pala! gago ka. Tss.


Magsama kayo! Kainis. Maghahanap na lang ako ng mas gwapo at mas better sayo. Heler?! Di lang kaya ikaw ang nag-iisang lalaki sa mundo.



Mang ha-hunt ako ng mga gwapo sa school kala mo ka Orion. Tss. As if may pake sya. Aish. Basta! Manchichiks ako! Walang makakapigil sakin!


----------------

Sino sasama kay Demetry mang hunt ng gwapong fafa? Hahaha. Ako? Sasama ako e. Hahaha. Next chapter malalaman nyo na ang name ng kuya ni Orion. Yung pic. nga pala sa taas ay si Blaire 👆👆

The Most Powerful ThingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon