Chapter 21

3.6K 96 15
                                    

Pumunta na kami sa dorm pagkatapos. Humiwalay na din samin ang BM dahil may pupuntahan pa daw sila.

"Kinilig ako sa sinabi ni JV." Sabi ni Hailey habang yakap yakap ang panda niya.

"Are we lucky?" Tanong ni Cata na ikinakibit balikat lang namin.

Hawak ko pa din ang sobre. Anong laman nito?

"Let's read it." Sabi ni Kate habang nakatingin sa sobre na hawak ko.

Tumingin din sila doon pagkatapos ay sakin bago tumango.

Binuksan ko ang sobre at inilabas ang sulat. Katulad ng nasa labas, sa loob ng sulat na 'to sa pinakataas ay malaking korona na gold.

"It's from the heirs." Sabi ko ng makita ang nakalagay na heirs.

"Anong nakasulat?" Tanong nila sakin.

"Hello there, newbies! We, the heirs, would like to say to you that you are now free to watch every battle. We'll see you on the next battle! :)" Basa ko sa nakasulat.

Sandaling katahimikan ang naganap bago magtatatalon si Key at Hailey.

"Oh yeah! Hindi na natin kailangang magtago!" Tuwang tuwa na sabi ni Key.

Nahawa din tuloy kami sa tuwa nilang dalawa kaya nagingay ang kwarto nila Cata.

"Shit!" Mura ko ng may naalala.

Napatigil naman sila at napatingin sakin.

"What?" Sabay sabay nilang tanong.

"Kung papadalhan ang mga transferees ng ganto, it means, papadalan din si Kuya." Problemado kong sabi at nakita kong bumagsak din ang balikat nila.

**

"Goodmorning, Kuya!" Bati namin ni Kate kay Kuya ng magsabay kaming lumabas ng kwarto.

Kinukusot niya pa ang mata niya at tinignan kami.

"Goodmorning. Good mood kayo ah?" Sabi niya at nagunat.

Nagtinginan kami ni Kate bago ngumiti sakaniya.

"Always naman kaming good mood. Tara Kuya? Kain na tayo." Aya namin kay Kuya.

Tumango si Kuya kaya humawak ako sa kabilang braso niya. Ganun din si Kate.

Pagbaba namin ay nandun na pala sila Chivas. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok.

"Goodmorning ate! Kuya!" Masiglang bati ni Ced samin.

"Goodmorning." Sabay sabay naming sabi.

Kumuha naman si Chivas ng kanin at nilagyan niya ang plato namin ni Kate. Tapos inabot niya kay Kuya yung lalagyanan ng kanin.

"Malaki kana Kuya. Ikaw na maglagay sa plato mo." Tumatawang sabi ni Chivas kay Kuya.

Nagtawanan din naman kami. Loko talaga 'tong si Chivas.

"Wala kang pasok Kuya?" Tanong ko kay Kuya at nagsimulang kumain.

Tumingin si Kuya sa orasan. "Meron. Pero 11-1pm lang." Sagot niya.

"Great!" Sabi ni Kate. "Punta tayong mall mamaya!" Aya niya.

"Omg yes!" Sangayon ko sakaniya.

"Sure. Before 1:30 dapat nakabihis na kayo. Deretso tayo sa mall." Sangayon din ni Kuya.

Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami nila Chivas sa sala. Habang si Kuya ay nagaayos na para makapasok.

Nanood kaming basketball. Mahilig din naman ako dun eh. Si Kate lang hindi. Ewan ko diyan kung ba't ayaw niya.

And they meet again ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon