25 June 2002
1. Matalino
2. Masipag
3. Mapagmahal
4. Mahaba ang pasensya
5. Hindi manloloko
6. Masarap magluto
7. Hindi humihilik
8. Marunong sa gawaing bahay
9. Mahilig sa musika
10. Marunong rumespeto
Dear future husband,
Di ko talaga alam kung paano sisimulan to pero sabi kasi ni tatay gumawa ako ng sulat para sayo. Tinanong ko kasi si nanay kung kailan kita makikilala kaso nagalit. Baka daw di pa ako nakakapagtapos ng highschool mabuntis na agad ako kasi puro pag-ibig daw iniisip ko. Ang dami niya pa ngang sinabi, eh. Masama ba yun?
Pero sabi ni tatay wala naman daw mali sa tanong ko kaya hinayaan na lang daw ako. Sabi niya, hindi natin hawak ang kapalaran. At kahit ilang tanong pa ang ibato natin sa kanya, di natin malalaman ang sagot. Tamang panahon lang daw ang magsasabi.
Tingin mo? Paano natin malalaman kung yun na ang tamang panahon?
Pero sabi nga ni tatay, pwede naman ako maghintay at maghanda. Gaya nitong diary. Di ko nga alam kung para saan pa ito kung mapapangasawa na rin naman kita. Pero sabi niya, ito raw yung isa sa inakamagandang regalong mabibigay ko sayo. Kaya naman, gagawin ko na.
Una, ipapakilala ko muna ang sarili ko sayo. Ako si Hina. Ang iyong future wife.
Ngayon ay 12 years old na ako at nasa first year sa high school.
Mahilig ako sa barbie at tinkerbell. May tig-isang set nga ako ng sticker sa bag ko. Malapit lang kasi yung talipapa sa school kaya nakabili ako.
Mahilig akong kumain ng matatamis lalo na yung mikmik. Ikaw ba? Mahilig ka rin ba doon?
Mahilig din akong magbasa. Gumraduate ako ng elementary ng first honor sa klase namin. Di kasi ako nakapasok ng science class or star A kasi tansferee. Pero atleast may medal ako diba?
Ngayong high school naman, di ko pa alam kung makakapasok ako sa top ten. Madami kasing matatalino sa klase namin ngayon.
May kaibigan nga pala ako. Si Cianna. Mabait yun tsaka maganda. Lagi siyang nagre-recite tsaka matataas ang score sa mga quiz. Sigurado ako magiging top one siya klase.
Naging close kami nung unang araw ng pasukan at hanggang ngayon, siya pa rin friend ko.Si ma'am Jasmin naman yung adviser namin. Mabait din siya tapos lagi niya kaming pinapatawa sa klase. Teacher din namin siya sa science. Dahil nga sa kanya, di na ako naboboring pag nagkaklase kahit hapon at madalas akong antukin.
Gusto ko maging teacher tulad ni ma'am Jasmin. Kaya mag-aaral ako ng mabuti para matupad ko yun.
Ikaw kaya? Ano kaya ang pangarap mo sa buhay?
Gustong-gusto na kitang makilala pero tingin ko matagal na yung sinasabi ni tatay na tamang panahon kaya hihintayin na lang kita.
At habang hinhintay ko ang pagdating mo, mag-aaral muna ako at susubukang matutunan magluto para naman pag mag-asawa na tayo, di tayo maghirap.
Sana nag-aaral ka din ng mabuti ngayon.
Love,
Hina
YOU ARE READING
Dear Future Husband
RomanceSimple lang naman ang pangarap ni Hina. Ang matupad ang kanyang mga pangarap at balang araw ay makilala ang kanyang future husband. Sa paglipas ng panahon, at sa mga iba't-ibang pagsubok na kanyang haharapin, matutupad kaya niya ang kanyang ninanais...