Buti pa ang baso may tubig, ang toothbrush may toothpaste, ang lamesa may upuan, ang papel may ballpen, tinidor may kutsara, ang flowers may vase, ang tenga may tutuli, si janet may pork, si shrek may phiona, si wally may yosh.....eh ako WALA. Lahat ng bagay nahahanapan mo ng kapareha pero ang sarili mo hindi. Base sa aking kalkulasyon, pagmumuni-muni at paghithit ng bearbrand, may dalawang kategorya ang mga taong iyong naging o magiging pag-ibig; si the one at the lesson. "The one" in tagalog siya na nga! Siya yung taong sagot sa pangarap mong makasama at maging kaagapay hanggang sa pagtanda. "The lesson" in tagalog tang-ina n'ya! Sila yung mga taong nagbigay sayo ng maganda at never-mind-move-on na karanasan sa pag-ibig pero sa huli hindi kayo ang para sa isa't-isa. Pero bakit nga ba wala parin? Bakit yung iba meron na? Sabi nila wait for the right time paden? Pano kung si the one waiting for the right time din? Eh di nga-nga. Hindi ba pwedeng si the lesson nalang muna, paexperience man lang. Kaso wala eh. Daig mo pa ang buntis sa pagkadelayed. Tapos darating yung mga eksenang haharap ka sa salamin at sasabihin mong. No.1 "Gwapo/Maganda naman ako pero bakit ganun?" No.2 "Ganun ba ako kapanget at kahit yung kapwa ko panget ayaw saken?" Dalawang tanong, ang daming pwedeng sagot pero magkaibang senaryo. At dahil nga sa beterano ako at parehas ko ng naitanong yan, may mga pormula na akong nagawa base sa fundamentals of accounting na assignment ko last year. Lumalabas sa aking evaluation sh*t na kung kabilang ka sa nagtatanong sa no.1 ay masasabi kong ang taas ng tingin mo sa sarili mo kaya mejo tagilid ka sa pagpili ng mamahalin. Dahil sa kadahilanang gwapo/maganda ka ay namimili ka ng mga tao base sa itsura nila. Isang solusyon lang ang maipapayo ko dito "Lower your standards dre". Kung gamit mo naman eh yung number two na tanong maaring kulang ka sa self confidence. Ganto lang yan e, "mahalin mo muna sarili mo, bago ka magmahal ng iba" As simple as that. Pero ito ang tatandaan mo, bago mo problemahin ang mga bakit na tanong ng isang hopeless romantic na single, itanong mo muna kung ilang taon ka na. If you're 18 below pa lang, abah eh problemahin mo muna yung pag-aaral mo noh bago mo asikasuhin ang pagiging single, you're too young to complain on being a single. And if you're 19 above, I'm giving you all the previlege to complain. At bago pa kayo maniwalang lahat sa mga pingsasabi ko dito eh matutulog nako. Goodnight :)