Ang Mga Babae

2 0 0
                                    

1. Ang babae, mahina ang loob niyan. Mabilis masaktan kahit sa maliit na bagay na ginawa mo, pag di niya gusto ito, masasaktan yan. Kaya dapat, maging maingat ka, wag na wag mong sasadyaing saktan yan.

2. Moody, parang ipinaglihi sa sama ng loob. Masaya yan na nakikipag usap sayo, tawa ng tawa, pero pagkaraan ng tatlong segundo, magagalit na yan o malulungkot ng di mo alam ang dahilan. Ganyan ka moody ang babae. kaya kung mahal mo siya, dapat ihanda mo ang sarili mo. Kailangan mo ng mahabang pasensya. Sa isang babaeng parang may diperensya.

3. Mabunganga, parang mga nanay natin. Sesermonan ka, magagalit sayo, pagsasabihan ka, pero yang nga yan, kaya sila ganun, kasi mahal ka niyan at may pakielam yan sayo. Matakot ka pag hindi na siya umiimik at di ka na inaaway, dahil ibig sabihin lang nun, wala na yang pakielam sayo.

4. Selosa, halos lahat naman ng babae ay selosa. Wag kang magagalit kung palagi siyang nagseselos, dahil una, hindi naman yan mag seselos kung walang pagseselosan, pangalawa, mahal na mahal ka niyan at ayaw niya kasing mawala ka sa kanya. May mga babae talagang OA kung mag selos, yung kahit aso niyo, pagseselosan niya, KASI NGA MAHAL NA MAHAL KA.

5. Mas malupit pa kay detective conan kung mag imbestiga ng nangyayari sayo. Kaya pag tinanong ka niya about something, SABIHIN MO NA AGAD ANG TOTOO. Dahil ALAM NA NIYA AGAD ANG SAGOT. Kaya wag ka ng magtangakang magsinungaling, dahil maniwala ka, hindi mo magugustuhan ang gagawin nila once na mag sinungaling ka.

6. BALIW! Parang nakashabu. Pag ti-tripan ka, aawayin ka ng walang dahilan, kakagatin ka kung saan saan, bigla bigla ka nalang kukurutin. Gayun pa man, kahit parang takas sila sa mental, mas nakakabaliw parin kapag nawala sila.

7. Sobra mag mahal, shempre kahit na moody yan sila, mahal na mahal ka niyan. Yung tipong, gugustuhin mo ng pakasalan siya, dahil gusto mong madama habang buhay ang pagmamahal niya sayo. Lahat ng pagmamahal niya, ibibigay niya sayo. Kaya kung lolokohin o iiwan mo lang siya, mag isip isip ka.

Lalaki ka, mas malakas ka kesa sa babae. Mas umintindi, mas magpasensya, mas magmahal, mas pahalagan, mas ingatan mo siya. Love, Loyalty, Trust and Time ang kailangan niya. At once na ibinigay mo yun sa kanya, hinding hindi ka magsisisi dahil sobrang WORTH IT bawat segundo.

Abnormal man yang mga yan, at paminsan minsan nakakainis na, pero aminin mo na, hindi mo parin kayang mawala siya sayo.

Kung mamahalin mo siya ng tama, mamahalin ka din niyan ng tama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon