My Professor - My Secret Crush

451 1 2
                                    

Hey! This is my first story on wattpad. I am looking for someone who can translate the whole story in english.

The Student..

My name is Maria Kristina.

Sa pagkakatingin at pagdedescribe ko sa aking sarili, ako ay isang mataba, di ganon kaputi, di ma-appeal.. tanging mata ko lang ang pinaka gusto ko sa akin. Kung iniisip nyo na sobrang baba ng tingin ko sa sarili ko.. Tama kayo, dahil may inferiority complex ako.

Pero sa kabila nyan, napakarami kong kaibigan. Marahil dahil ito sa aking angking kagalingan sa pagpapatawa at pagpapasaya sa mga tao. Ang kwento na ito ay totoong nangyari at hindi ko gawa gawa lamang.

Ang simula ng kwento..

I. First day: Love At First Sight.

Nangyari itong story na ito noong Second year first sem ko sa college.

Second day ng first week ng pasukan ng block nmin.. Wednesday iyon..

Noong umaga na iyon. Di man lang ako nakadama ng kaunting katamaran pagkagising ko. Tila nasa kondisyon ang lahat para pumasok sa school. Lagi akong maaga pumasok, pero noong araw na iyon, mas maaga pa kaysa karaniwan.

Napagpasyahan ko na lumakad lang ng marahan simula sa babaan ng jeep hanggang sa aming silid at langhapin ang sarap ng hangin sa umaga.

Napakaganda ng panahon noong araw na iyon, hindi ganoon kainit hindi rin ganoon kalamig. Napapangiti ako sa lahat ng aking madadaanang tao.

Walang pa masyadong tao sa school, napaka aga ko nga non.Noong malapit na ako sa aming building, nakalimutan ko kung saang room ang aming unang subject, kaya't huminto muna ako at umupo sa shed upang tignan ang aking registration form. "7:00-8:30am.... humanities... GL405" Niligpit ko na ang reg form ko at muling nagpasyang umakyat na.

Sa may entrance ng GL building.. may nakita akong lalaki. Siya yung pinaka unang estudyante na nakita ko noong araw na iyon.

Naalala ko pa ang suot at itsura nya non, naka-gray siyang polo shirt, naka slacks na itim, maykalakihan ang dala niyang backpack. Napaka puti ng kanyang kutis na tila siya ay may lahing banyaga, medyo wavy o curly ang itim na itim nyang buhok, artistahin ang dating, may katangkaran, at nababalutan naman ng hindi kakapalang mustache at sideburns ang kanyang mukha na biglang nagpa-isip sa akin na "parang ang mature naman ng itsura nito". Kung titignan ang mukha nya sa kalahatan.. napaka inosente nito. Kung susumahin lahat lahat... ganoon ang itsura ng mga lalaking kadalasan kong nagugustuhan.

(love at first sight?!)

Medyo naramdaman ko na mas bumagal ang lakad ko kesa kanina.

Napatigil ako ng bahagya. "Feeling ko frosh lang to", pumasok sa isip ko, dahil parang hindi nya alam yung room kung saan dapat siya pupunta. Gusto ko sana siyang lapitan at tulungan, kaso parang nakakahiya, dahil una.. anong sasabihin ko? "good morning! welcome sa plm.. [ako si kristine (maya dela rosa lang ang peg?!) ] frosh ka ba.. gusto mo tulungan kitang hanapin yung room mo?".

Pangalawa.. di ako sanay lumapit sa mga taong mukhang hulog ng langit na ibinagsak sa lupa.

Kaya nagpatuloy nalamang ako sa paglalakad at nilampasan ko siya. Noong nasa hagdan na ako, lumingon ulit ako sa kanya at bigla akong napabulong "shet, ang gwapo" ewan ko bakit lumabas iyon sa bibig ko, at pumunta na ako sa room namin. Mga 6:20 palang ata noon, wala pa yung mga kaklase ko. Pero nung mga 6:30 na, isa isa na silang nagsi-datingan, malapit na mag 7 ngunit iilan palang kami sa room. Noong mga 6:40 na, may pumasok na lalaki, nabigla ako dahil nilagay niya yung bag niya sa table na para sa prof., ang mas kinagulat ko pa, siya yung gwapong lalaki kanina sa entrance ng GL. "Good morning! Ako nga pala ang magiging prof nyo sa ganon.. sa art, man, and society", ang bati nya sa amin na tila nahihiya pa.

Noong naconfirm ko na siya nga iyong lalaki knina.. hindi ako nagsabi ng kahit ano sa mga katabi ko. Grabe, hindi mo talagang aakalain na siya pala yung prof. nmin. Napaisip tuloy ako na tama lang na hindi ko siya kinausap kanina, kung hindi, sobrang kahihiyan iyon na aakalain kong frosh siya. "Ako nga pala si Christiane Jocson" sabi niya. Sinulat niya ang kanyang name sa board. Kakaiba yung sulat nya, parang sulat ng bata. Kinalabit ko Issa, "Issa, tignan mo yung sulat niya, parang pambata..". "Oo nga no.." sagot ni Issa. "Baka sinadya niya yan, kasi dba yung ituturo niya Art, Man, & Society ? alam mo na.." sabi ko kay Issa. "Baka nga" sagot ni Issa sabay tango.

Nagsasalita siya sa buong klase at kung nakunan ko lang ng picture yung itsura ng mga classmate ko habang nakatingin sa kanya, ay nako baka matawa kayo. Tititig, mag-bubulungan, tititig, magbubulungan, yun lang ginawa namin sa buong klase nya, ang pag-usapan siya.

Pag nagkaka-crush ako sinasabi ko kaagad sa mga kaibigan ko, pero nung panahong iyon parang wala akong balak sabihin, tsaka baka sabihin nila na "ano Tina? first day, first meeting pa lang, crush na?!". Hindi ko talaga sinabi kahit kanino hanggang natapos ang araw na may crush ako sa kanya. At siya ang pinakaunang professor/teacher na naging crush ko ever.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Professor - My Secret CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon