He is my IMAGINARY boyfriend

403 35 70
                                    

I'm Krizzy Lopez. Isang college student. Mabait. Maganda naman. Ehem. Magalang. Mayaman rin kami. Pero hindi yata sapat yun para ako yung piliin nang lalakeng tinitignan ko ngayon.

Si Nikko Tan. First boyfriend ko. Tinitignan ko siya ngayon habang masaya siyang kumakain nang lunch kasama si Stella Morales. Girlfriend niya.

May 13 nga pala ngayon. Dapat sana tatlong taon na kami ngayon kung hindi siya nakipaghiwalay sakin last year. Matagal na ba? Matagal na ba akong umaasa na babalikan niya ko? Matagal na ba akong nakatingin sakanila sa malayo? Hindi ko napansin na isang taon na pala akong umiiyak nang dahil sa kanya. Antagal ko na palang nananalangin sa Diyos na sana ay maghiwalay sila at ibalik sakin si Nikko. Isang taon na rin pala akong bigo.

Pero dahil dakilang pretender ako. Hindi yun alam nang mga kaibigan ko. Ang alam nila? May boyfriend na ko. Pero yung totoo, wala naman talaga. Nagtataka ba kayo kung paano ko sila napaniwala?

Bumili ako nang isang sim, at yung sim na yun ay pinangalanan ko nang Ethan De Guzman. Araw araw tinetext ko nang sweet messages ang sarili ko. At ako? Rereplyan ko rin nang sweet message. At kapag nagkukuwento ako sa mga kaibigan ko ay ipapakita ko rin sakanila yung mga messages kuno namin.

Ngayon nga parang nadadala na ko sa imaginary boyfriend ko eh. Parang pakiramdam ko, totoong Ethan yung kausap ko. Pakiramdam ko totoo na kong nahulog sa taong gawa gawa ko lang naman.

Isang araw ay bigla kong nabalitaang nagbreak si Nikko at si Stella. Hindi ko alam kung bakit o anong nangyari. Pero naisip ko na baka mapansin na rin niya ko.

Masyado na kong naattached kay Ethan kaya naman may napagdesisyunan ako.

I texted myself again.

"Waaaaaaah! Patay na daw si Ethan!" kunwaring pagdadrama ko with matching iyak iyak pa para convincing naman sakanila.

Agad naman nila akong niyakap at pinatahan. Hinatid nalang rin nila ako pauwi sa bahay namin. Hindi na sila gaanong nagtanong pa tungkol sa mga pangyayare.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang lungkot. Lungkot na wala nang Ethan. Alam kong hindi siya totoo, pero parang nasasaktan ako. Nakakatawang isipin na na attached ako sa character na ako mismo yung gumawa.

Napagdesisyunan ko nalang na itulog lahat nang to.

"Mahal." Nagising ako dahil parang may bumubulong sakin. Minulat ko ang mata ko.

"Mahal." Ulit na naman nito. Kaya agad akong napabangon.

Mahal. Yan yung tawagan namin ni Ethan. Yan yung naisip kong endearment namin kunwari. Pinaglalaruan lang siguro ako nang utak ko.

"I love you, Mahal. " biglang parang may hangin na bumulong sakin. Naramdaman ko rin ang malamig na hangin sa likod ko. Pakiramdam ko ay parang may nakayakap sakin. Pero unti unti ring lumuwag yun.

"Paalam." Mahinang boses ang narinig ko at tuluyan nang nawala ang malamig na hangin. Naramdaman ko rin tumahimik na ang buong kwarto ko.

Kinikilabutan ako ngayon. Hindi sa natatakot ako, pero hindi ko rin alam. Agad agad kong kinuha yung laptop ko at nag log in sa facebook. Nag search ako nang nagsearch hanggang sa nakita ko yung hinahanap ko.

Ethan De Guzman. Taga Manila. May 13 siyang pinanganak. Yung araw nang anniversary namin ni Nikko.

Buti nalang at hindi naka private yung account niya kaya libre lang akong makagala at makastalk sakanya.

Puro condolences yung mga nababasa ko sa account niya. Hanggang sa napunta ako sa isang picture na may kasama pang mahabang mensahe.

Marian De Guzman > Ethan De Guzman

He is my Imaginary Boyfriend (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon