Wattpad Original
Mayroong 22 pang mga libreng parte

Chapter 4: Healing Potion

323K 10.5K 882
                                    

DUMATING ang araw ng Huwebes at iyon ang bakanteng araw para sa amin. Wala kaming klase sa araw na iyon at maglilibot-libot lamang kami sa buong school.

Nasa may malawak na soccer field kami ni Bea habang hinihintay si Red. "Napakatagal naman noong lalaking iyon. Dapat talaga hindi na natin siya sinama Bea eh." Napapakamot ako ng ulo dahil sa inip.

"Ano ka ba, siya na nga nagbigay sa atin ng mga listahan ng ingredients na gagamitin para sa synthesization na gagawin para makabuo ng healing potion eh," pagsusumbat sa akin ni Bea. Pilit naman niya akong kinokonsenya patungkol sa kabutihan daw ni Red. Blah. Blah. Blah. Kapag pogi, mabait sa paningin niya.

"Huwag na natin siyang hintayin, Bea, tutal lahat naman ng ingredients na kailangan natin, eh makikita lang natin sa loob ng Altheria Academy." Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa evil plan na aking naisip.

"Hindi man lang marunong tumanggap ng utang na loob. Masama pa ang takbo ng utak." Biglang may lalaking dumaan sa tapat namin at sinabi iyan. Nawala agad ang mga ngiti sa aking labi nang makita ko ang kanyang mukha. Si Red.

"Paimportante ka kasi." Napairap ako nang wala sa oras dahil sa inis na bigla kong naramdaman nang dumating siya.

"Importante naman talaga ako." Sumunod na kaming dalawa kay Red.

Nagtungo kami sa school garden at habang tumatagal kami sa academy na ito ay may isang bagay akong napapansin. "Bakit puro freshmen lang yata ang nakikita ko sa paligid? Akala ko ba, may mga senior year din na nag-aaral dito?"

"Stupid." Biglang nagsalita si Red at masamang titig na naman ang ipinukol ko sa kanya. Ewan ko ba kay Ma'am Melanie at pinilit akong makipaggrupo sa lalaking ito. Eh wala man lang kabait-bait sa katawan.

"Ah alam mo kasi, Jasmin, nahahati sa tatlong division itong Altheria Academy. Ang unang division ay ang Marsham o freshmen division. Nandito ang lahat ng first year students na nagte-training gumamit ng magi at inaalam pa lang ang specialty ng kanilang kapangyarihan. The second division is Wanester or junior division. Dito naman, tine-training ka na kung paano palalakasin ang special magic mo at itinuturo na ang pagkontrol sa magi. The last division is Exemena or senior division. Sila 'yong mga estudyanteng marunong nang gumamit ng magi nang maayos at pinadadala na sa kung saan-saang misyon," mahabang pagpapaliwanag sa akin ni Bea.

"Bakit naman kailangan pa nilang hatiin 'tong school sa tatlong division? Ba't hindi na lang pagsama-samahin lahat ng estudyante?"

"Hindi puwede. Kapag kasi natuto nang gumamit ng magi ang ibang estudyante... may tendency na bully-hin nila ang lower year and ang paggamit ng magi para sa walang katuturang bagay ay dangerous at maaaring maging sanhi ng gulo." Napatango-tango na lamang ako nang maintindihan ko na ang nais niyang iparating.

"We're here." Biglang nagsalita si Red nang marating namin ang school garden.

As expected, marami sa mga kaklase namin ang nandito upang kumuha ng mga kailangan. Hindi rin boring dahil marami akong nakakausap.

Kumuha ako ng tatlong pirasong blue petal ng rosas, at malinis na tubig na nanggagaling sa pond. 'Yong asin naman... may nabibili sa school cafeteria namin.

"Okay na ba 'tong spinach herb na kinuha ko?" pagtatanong sa akin ni Bea at ipinakita ang maraming yakap-yakap niyang spinach herb.

"Uy baliw ka! Ibalik mo yung iba! Napakarami niyan. Sobrang aksayado mo naman."

"Nakuha n'yo na?" pagtatanong sa amin ni Red at tumango naman kaming dalawa. "Halika na sa Synthesization Hall. Baka mawalan tayo ng gagamiting silid."

Mabilis kaming pumunta sa Synthesization Hall at humiram ng isang room sa babaeng nasa counter. Pumasok kami sa loob n'on at ito ang unang beses na nakapasok ako rito. I'm pretty sure, ganoon din sila.

Altheria: School of AlchemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon