Chapter Three: Trouble

11.1K 341 8
                                    

GRAY

I can't get out of my mind the commotion that happened in the cafeteria a moment ago, a girl poured juice on Aria that made her mad so bad. Malayo ako sa pwesto nila, pero tanaw na tanaw ko kung paano nakipag-away si Aria sa babaeng pinaiyak niya. Hindi ko alam kung ano ang pinagmulan ng engkwentro nila kanina ngunit wala na akong pakialam doon.


Ang paulit-ulit lamang sa isipan ko ay kung papaano inangasan ni Aria ang babae kanina— Hindi ko maitatanggi na humanga at nagulat ako sa ginawa niya. Sa kilos ni Aria ay halatang wala siyang kinatatakutan ni sino sa eskwelahan na ito. Maliban sa akin ay may iba pang guro ang nakakita sa gulong naganap dito sa cafeteria, pero katulad ko ay wala silang naging aksiyon.


Base pa sa naging usapan ng mga guro na nakaupo lang malapit sa table ko ay sanay na sanay na sila sa pag-iiskandalo ni Aria at pakikipag-away sa ibang estudyante. Gaya ng mga narinig ko mula sa mga kaklase niya kanina ay madalas na talaga itong tambay sa guidance gawa ng mga kaguluhang kinasasangkutan nito. Unang araw ko pa lang sa trabaho ay kuhang-kuha na ni Aria ang atensyon ko— Sh*t! I know I already promised myself to stay away and avoid attachment to my students, but damn it!


She's hot... She's really hot. She's gorgeous and at the same time, she's differently cool. Gayunpaman ay hindi ko maiwasang magamba para sa kanya, sa kinikilos niya rito sa unibersidad ay malaki ang posibilidad niyang ma-suspend o 'di kaya naman ma-kickout kung magpatuloy pa ang pagtambay niya sa guidance.


How long has she been doing this at Easton University? From the way she acted earlier, it was as if it was just normal to her.


"Aria is a hottie, Pare! Kung 'di lang nananapak ang chix na 'yon ay malamang niligawan ko na rin siya." As soon as I heard the name of the girl that had been hanging around in my mind for a while, my eyes immediately went to the group of boys in front of the table where I was sitting now.


"Ilang buwan ko nang pinopormahan si Aria, wala— mas maton pa siya sa tatay ko, e."


"Baka kasi totoong tibo talaga siya... Mukhang babae rin ang hanap."


Even though I don't want other men to talk about the woman who stirs up my life now, I keep listening to them. I just want to know more about her—she's really an interesting girl after all.


"I don't think she's really into girls— Ayaw niya nga sa mga babae, right? Kita mo ba ang nangyari kanina? Ang ganda rin ng babaeng inaway niya kanina pero pinaiyak niya pa rin sa takot." natuon ang tingin ko sa lalakeng nagsabi niyon, pamilyar siya sa akin dahil isa siya sa mga kaklase ni Aria sa Class 5-2.


"Sa palagay ko, sadyang wala lang nakikita si Aria sa EU na papasok sa standards niya. She's not just like the typical girls here... Aria is a type of girl who has high standards. Kapag naging kayo— Dude, ikaw na ang pinakamaangas na lalake na makikilala ko sa buhay ko." dagdag niya bang sabi.


Narinig ko pa na sumagot ang mga kaibigan niya sa kaniyang binanggit ngunit ang utak ko ay nanatili lamang sa mga sinabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit invested na invested ako kay Aria.


He's right. Having Aria as your girl is an honor and a flex. Kahit wala pang isang buong araw ko siyang nakilala ay masasabi kong sobrang taas niya kumpara sa ibang babae na narito sa Easton University.

My Possessive ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon