PROLOGUE

228 79 93
                                    


Prologue

Isa akong probinsyana na lumuwas nang maynila para maghanap ng matinong trabaho.

Para makaipon ng pera na pambayad sa utang ng aming pamilya.

Dahil sa hirap ng buhay namin sa probisya. Kinakapos kami sa pang araw araw naming pangangailangan.

Pati ang bahay at lupa ay naisanla na namin sa isang taong ayaw ng lahat.

Dahil sa kakaibang ugali na ipinapakita nito sa mga taong mababa sa kanya.

Ang ugali ng taong ito ay matapobre/ saksakan ng yabang/pinaglihi sa sama ng loob/ gurangers/ byuda/ mataba at kung ano pa ang pwede mong malait sa kanya.

Masama ba? Hehe sensya na, nadala lang ako sa bugso ng kinailaliman ng aking damdamin.

Dahil saksi ako kung paano nya ibaon sina itay at inay sa utang.

Kung sa bumbay may 5'6 na may tubo ng 20%.

Dito naman sa mamantikang litchon nato, Na akala mo wala nang ipapakain sa mga anak nyang mga biik kung makatubo e tinalo pa ang tubo sa lugawan ni aleng tina. Halos kalahati ng inutang mo yung tubo. jusko!

Ayoko sanang lisanin ang probisyang kinalakihan ko at nakasanayan ko simula pa ng bata ako.

Ayoko man umalis ngunit kailangan.

Lalo na't nadagdagan na naman ang dapat naming bayaran. Dahil na hospital si inay dahil sa sakit nyang tamadaytis, mas lalo kaming natakot ng sabihin ng doktor na walang lunas ang sakit na ito.

Charot! ang seryoso mo naman. ang sakit na Tamadaytis ay sakit ng mga taong Tamad, ito ang madalas kong nararamdaman. yan ang sakit ko. hindi ko alam kung ano ang pwede kong gawin para mawala lang tong sakit ko. natatakot ako kung anong pwedeng mangyare sa akin pag lumala ito.

Kaya naiiyak nalang ako pag nakakaramdan ako ng katamaran. Hahaha!

Ang totoong sakit talaga ni inay ay TB(tuberculosis) pinabayan kasi ito inay, akala nya ay normal na ubo lang. Hanggang sa tumagal at may lumabas ng dugo sa bibig nito at hinimatay.

Laking pasasalamat ko dahil maagang hinimatay si inay dahil nalaman namin ang totoo nitong sakit.

Siguro kung hindi pa hinimatay si inay, hindi pa namin malalaman ang sakin nito. Sabi kasi ng doktor 'buti nalang nadala nyo agad sya sa hospital, dahil kung hindi maaring lumala ito at kailangan ma operahan sya sa lalong madaling panahon' buti nalang talaga, kung hindi dagdag gastusin na naman. Hayy!

Kaya mas lalong kailangan kong makahanap ng trabaho at mag ka pera. Para sa bills ni inay sa hospital at sa mga gamot nito.

Kaya heto ako ngayon inaayos ang mga gamit ko ng makaalis ng maaga sa pinaka mamahal kong bahay kubo dahil maaga daw mag aalis ang mga bus.

Mahirap ng maiwan ng bus ang mahal pa naman ng ticket.

Kaya sa pagpunta ko ng maynila. Kailangan kong makipag sapalaran sa bagong lugar na aking pupuntahan ng ako lang mag isa.

Nalaman ko na madali daw kumita ng pera sa maynila, mahirap nga lang mag hanap ng trabaho. At sa tingin ko ay mahihirapan talaga ako lalo nat highschool lang ang natapos ko.

Sa matsagang paghahanap ko. sa kabutihang palad. Ako ay napunta sa mababait na amo. Sa tulong ni aling mirna na nakapulot sakin sa basurahan. mabait naman si aling mirna. Buti nalang naghahanap talaga sila ng isa pang tagasilbi kaya ako nalang kinuha nya. no choys na ata sya.

Naging madali ang pagsilbihan ang mga alvarez dahil sa kabaitang ipinapakita nila sa akin at sa iba pang mga katulong dito.

Naging maganda ang pakikitungo sa amin ni mr. Rodelio at nang asawa nyang si ma'am rosita.

Sa tingin ko mapapadali lang ang trabaho ko dito.

Yung ang akala ko...

Pero Nag kamali ako..

Tama nga ang kasabihang 'maraming namamatay sa maling akala' pero hindi naman literal na mamamatay ako ah. Nag expect lang ako na akala ko mapapadali ang pagsilbihan ang mga alvarez.

Pero dun ako nag kamali.

Sabihin na natin mabait si mr. Rodelio na syang amo ko ngayon.

Pero hindi, hindi lang sila ang amo ko.

Hindi ko alam na may zoo pala dito. May alaga pala este May mga anak pala silang mala hayop ang ugali. hindi naman lahat pero karamihan sa kanila.

Yung akala mo ay parang nakawala sa kulungan at pinaglihi sa sama ng loob.
Hindi ko alam kung makakatagal pa ako sa bahay na ito dahil sa ugaling ipinapakita at pinag gagawa sa aking ng mga anak nila.

Alam kong high school lang ang natapos ko pero hindi ako bobo na pwede nilang paglaruan. May puso at kaluluwa rin ako at may nararamdaman na marunong masaktan.

Ang pinunta ko dito ay ang pagtatrabaho. hindi para paglaruan at gawing katuwaan.

Sabihin na nating matapang akong babae. Pero tao parin ako na marunong masaktan at umiyak.

Alam kong ayaw nila sa akin. Aba! Mas ayaw ko sa kanila.

Kung hindi lang namin kailangan ng pera. hindi ako luluwas ng maynila para magtrabaho at magsilbi ng mga hayop dito. Marami nyan sa probinsya. Buti pa ang mga hayop doon natuturuan at marunong makiramdam.

Tuwing naiisip ko ang kalagayan ng pamilya ko sa probinsya lalo na pag naiisip ko ang itsura ni itay na hirap na hirap na, naawa ako sa kanya. Kaya lalo akong nagpupursiging makaipon ng pera para hindi na sila mahirapan pa. kaya titiisin ko nalang ang lahat.

Kahit anong gawin nila, hindi nila ako mapapaalis ng mansyon nila hanggang hindi pa ako nakakabuo para mabayaran ang lupa at bahay na naisanla ni itay para mabawi na namin yung amin.

Lahat nang ginagawa at pinagsasabi nila tungkol sa akin kaya kung tiisin ang mga iyon. wag lang nila idadamay ang mga magulang ko, dahil iba na ang usapan na iyon.

Kung gusto nila ng laro. Edi go! pagbibigyan ko sila. Maglalaro kami! Ewan ko nalang kung hindi sila unang umayaw sa larong sinimulang nila.

The Promdi's Game #YourChoice2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon