"Uy tol, ano na balak naten sa assignment?" bungad saken ni 'TOL' pagkapasok niya ng classroom.
Inabot ko sa kanya ang notebook ko at kasabay nun ang pagpasok ng first teacher namen. Well mamaya pa namang pagtapos ng recess yugn assignment na kokopyahin niya saken.
Siya nga pala ang OH-SO-CALLED-TOL ko. TOL kunwari pero sarap niyang pukpukin ng sanTOL. Pa-fall yang si Tol eh. Well di ko naman din masisisi siya dahil ako pa din ang gumusto nito. Sorry na di ko kasi mapigilan.Pero syempre pinipigilan kong sabihin sa kanya.
Ako nga pala si Nadine Montez ang TOL ni Charles Santos. Simple at patagong umiibig sa kanya. Di naman siguro mapipigilan yun lalo na't opposite sex kame. So may chance na isa samen ang mafall sa isa. At ako na ata yun! Babae lang din ako mahina. Marupok. Nabubuwal at...
"Hui Tol! Ano na nangyare sayo? Hahaha! Nakatulala ka na naman iniisip mo na naman si Darwin? Wooh! Mahal ka nun! Sana lang. Hahaha! Araaaay!" sabe niya. Dahil nainis ako sa pang-aasar niya. bwisit eh! Hahaha kaya ayan napalo ko siya.
"Nako! Alam ko namang mahal ako ni Darwin. Syempre tol ko na pinsan niya eh." sagot ko.
Oo magpinsan si Darwin at Charles. Sino si Darwin? Siya yung ginagamit ko kunwari na 'crush' ko. Actually Crush ko naman talaga siya dati pa eh. Siya unang naging crush ko pagkapasok ko dito sa school na to. Transferee lang kasi ako. So ayun nga yang si Darwin. Tapos anging close kame ni Charles kasi seatmates kame. Kala niyo dahil kay Darwin noh?! Asa! Hahaha. 2ndyr na si Darwin samantalang kame eh 3rd year naman.
"Sus! So Tol mo lang ako dahil pinsan ko si Darwin? Tss. Manggagamit!" asar na sabe niya! Sana nagselos na lang siya. Natuwa pa ko! Hahaha
"Maka-manggagamit ka naman. Kapal mo ah! Kaw nga eh nakikikopya na lang saken. Sino ngayon ang ginagamit? Saka di na kita kailangan para mapalapit sa kanya PINSAN!" inis na sabe ko sa kanya. Galing ko talagang mag-act normal na parang walang something na nararamdaman para sa kanya. Pero at this moment medyo naiirita na ako sa kanya dahil gusto kong mag-selos naman siya.
"Sus. Makapinsan ka naman saken. Bakit kasal na ba kayo?" inis ulit na sabe niya! Homighaaash! Nagseselos na kaya siya?
"Selos ka PINSAN?" Madiin talaga yung pinsan para magselos na siya.
"Hindi! Ayoko lang maging kamag-anak ka kadiri kaya." Mapang-asar na sabe niya.
"Bwisit ka!" sabay hampas ko sa kanya! Bahala siya. Buti lumabas yung teacher namen kaya eto nakakapag-usap kame ng ganito kaingay. Pero maya maya ay pumasok na din ang teacher namin.
"So bukas eh X-mas party na so it means bakasyon na. Oy! Regalo ko sa inyo. Lalo ka na Charles! Kailangan may regalo ako sayo ha. Pag hindi mo nabigay lagot ka saken." bungad ni Sir Richard at kinuha yung gamit niya. Yes. Close sila ni Charles. Aba pano sabe ni Sir may sikreto daw sila ayaw naman ishare saken ni Tol. Ayoko na lang kulitin si Charles dun dahil baka mainis pa siya.
"Yes! Bakasyon na woooh!~" sigaw ni Charles tas nag tap siya sa taas ng pinto. ibig sabihin nun? Pinagmamalaki nyang matangkad siya.
"Uy! Maamheee! pano ba yan, tawag-tawagan na lang." Wika ni Ishee na anak-anakan ko sa room.
"Sure thing." sagot ko.
---------------------------------------------------------------------
Sa loob ng isang linggo na bakasyon? Eto isang linggo din kameng nagkakatextsan ni Charles. Wala nga eh. Puro pang-aasar lang siya saken, kaya sinasakyan ko lang trip niya. Pero may times na nagpapakita naman siya ng care. Bilang kaibigan lang. Ramdam ko naman na hanggan dun lang ang tingin niya saken eh.
BINABASA MO ANG
Ang GULO MO! [One-Shot]
Teen FictionNakakainis din talaga pag magulo yung kausap mo eh. 70% nito ay true-to-life. :D