Getting to know
Girl: Hindi mo pa ako masyadong kilala. Hindi ko maibibigay yung pagmamahal na hinihingi mo.
Boy: Paano kita makikilala, umiiwas ka sa akin?
Girl: Ayaw kasi kitang masaktan. Ayaw kong makasakit ng tao.
Boy: Pero nasasaktan ako sa ginagawa mo. Sabihin mo lang kung ayaw mo na akong makausap.
Girl: Andito lang naman ako palagi.
Boy: Pero ayaw mong magpakita. Anong dapat kong gawin?
Girl: Maghintay...
-----
Huwag Gayahin!
Sabi nila, para daw makalimutan mo ang masama at masakit, kailangan mong mag-isip ng mabuti at masaya.
Paano kung sa pag-isip mo ng mabuti at masaya, lalo mo lang naaalala ang masama at masakit?"Siguro kailangan ko nang mag move-on..."
Nasa isip niya habang bumubula ang bibig.
Matamis pala ang lason, sa taong magulo na ang isipan.
-----
Wala na
"Hindi ka na niya babalikan"
Natawa lang ako.
"Mayroon na siyang iba!"
Ngumiti lang ako.
"Matagal ka na nyang niloloko!"
Napabungisngis lang ako.
Ano pa bang magagawa ko?
Pagtawa na lang...
.
.
.
.
.
Habang nakatali ang aking kamay,
at nakayupyop sa gilid ng selda ko...-----
Ngiti
Lagi nyang sinasabi na mahal niya pa rin siya.
Ngunit iba na ang dahilan ng kanyang pag-ngiti.
Sino sa kanyang dalawa ang nagsisinungaling?-----
Sweet
Mahal na mahal kita...
Sobra.
Napakasaya ko nung maging akin ka.
Mahal na mahal kita...
Basta iyon lang ang masasabi ko ngayon.
Mahal na mahal kita..."Sir tabi na po, kelangan na po siyang dalhin sa punerarya."
Ahh sige.
At kumalas ako sa malamig na niyang katawan.
BINABASA MO ANG
Microstory
RomanceCollections of short love stories.. May or may not be derived from true stories.