Prologue

59 3 2
                                    

SheStory: You're My Wonderwall

by: misterree

This is a product of my imagination. Say what you must, don't leave it there. But no one can ever tell me that I copied this story. Why? Because of reasons. :)

October 20, 2013

All Rights Reserved

Sabi ng kaibigan ko, ang buhay ay parang Quiapo. Kung hindi ka lalaban, mananakaw ang lahat ng sa'yo.

Sabi ko naman, hindi ka mananakawan kung mag-iingat ka.

Sabi niya, wala nang magagawa ang pag-iingat dahil nanakawan at nanakawan ka ng mga nagmamay-ari ng matang nakamasid sa'yo na naghahangad ng kung anong meron ka.

Napaisip tuloy ako...

Hindi ko naman pala kailangang matakot sa buhay na ihinalintulad sa Quiapo kung ganoon.

Bakit?

Dahil umpisa palang wala nang mananakaw sa akin dahil umpisa palang, hindi na siya naging akin.

Summer, 2013

Nakaupo ako ngayon sa bench sa park, nag-iisip. Oha! May isip ako! haha May nagtanong kasi sa'kin, bakit daw wala pa akong boyfriend.

Ang sinagot ko? "E, wala e. Kailangan ba nun?"

Trademark ko na 'yang sagot na yan. Ewan ko ba... hindi ko naman maramdaman 'yang sinasabi nilang love sa opposite sex. Crush meron, like wala... e pano pa ang love diba?

Para sakin, hindi naman importante yun...sa ngayon. Para saan pa? E masaya naman ako sa pamilya at mga kaibigan ko. They're enough for me. Saka isa pa, may pangako akong tinutupad. Sikreto ko na kung ano yun.

Hindi ko alam kung bakit trip na trip ng iba magkaroon ng karelasyon. Ano bang pinagkaiba nun sa may kaibigan kang mula sa opposite sex? E diba parang ganun lang din yun?

Boyfriend- lalaking kaibigan. Girlfriend- babaeng kaibigan. O diba? Kahit sa korean e ganyan lang din e. Namja chingu tsaka yeoja chingu ata yun? Ang alam ko namja ay lalaki, yeoja ay babae tapos yung chingu ba yun? Alam ko friend yun e. O diba? Anong pinagkaiba?

Haaaaaay. Naguguluhan ako! Teka, bakit ko ba pinoproblema 'yan? E hindi naman mahalaga sakin 'yan.

Kasalanan 'to nung nagtanong sakin kung bakit wala akong boyfriend e! Sino nga bang lapastangang 'yon?

Ang dami kong satsat, ano? Sana hindi ko kainin ang mga sinabi ko. hahahaha.

Makauwi na nga, padilim na e. Baka hinahanap na ako sa bahay.

SheStory: You're my WonderwallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon