"KAPAG TAPOS NA ANG LAHAT"
ni Juan Miguel SeveroNoong unang beses na sabihin ko sa 'yong mahal kita, namatay ang lahat ng ilaw sa bahay, napakapit ka sa braso ko sa takot mo sa dilim, kaya't nagsindi ako ng mga kandila at sa gitna ng pagsayaw ng mga apoy, napanatag ka sa akin.
Mahal, ang pag-ibig ay hindi parating bukas na ilaw. Minsan ito ang aninong pilit tinatakasan, ang multong kinatatakutan. Hindi ito parati ang umagang inaasahan, bagkus ang gabing ayaw tayong patulugin.
Tinangay mo ang lahat ng bitwin sa langit noong umalis ka.
Napundi ang lahat ng ilaw sa kalsada. Ang mabuhay nang wala ka ay ang maglakad sa kalsada nang hidi nadadampian ng sibag ng araw, ang matulog sa kamang disyerto sa umaga at niyebe sa gabi, ang magkaroon ng aninong hindi ko na kilala. Mamayang gabi, kapag tapos na ang lahat, muli kong papatayin ang mga ilaw, sasanayin ang sarili sa patay-sinding pagtingin, sa pag-ibig nating parehong liwanag at dilim.Ito ang aking panalangin.
Kakampi natin ngayon ang oras pero hindi natin alam kung kailan nito tayo tatalikuran.
Gawin nating kalasag ang nakaraan.
Kalimutan ang mga agam-agam sa kasalukuyan.
Pakiusap ko sa'yo: sabay nating gamutin ang mga pinsala ng pag-ibig na ito.
Hayaan mong yakapin kita nang may pagsuyo sa iyong liwanag at multo.
Tulungan mo 'kong humimbing.
Gawing mas sulit paggising. Nakalaan pa rin sa'yo ang bahaging ito ng aking mundo.Kaya mahal, kapag tapos na ang lahat, tabihan mo ako......
BINABASA MO ANG
"Habang Wala Pa Sila"
Novela Juvenil10 compilation ng mga tula ni Juan Miguel Severo from his book!