HWPS 8

3.1K 7 0
                                    

"SA PARATING HULI"
ni Juan Miguel Severo

Pagkasabi mo sa aking mahuhuli ka na naman,
Napatawa na lang ako at napailing.
Hindi dahil sa nakakatawa pero siguro talagang nasanay na:
Nahuhuli at nahuhuli ka.

Alas -dyes ang pinili nting oras ng pelikula
Paraatiyak na makakahabol ka.
Kabisado ko na ang oras ng pagsikip ng kalsada,
Alam ko na kung saang banda ka matatagalan.
Alam ko na kung saang banda ka biglang tatakbo na lang.
Alam kong tatakbo ka na lang at darating nf pawisan.

At sa loob ng dibdib ko ay halos naririnig ko na ang paunang musika ng pelikula.
Kinukunan na na'ng siyudad mula sa alapaap,
Kitang -kita ang mga nagpupuyos nang mga sasakyan,
Naglalabasan na ang mga pangalan-
Lalabas na ang pamagat,
Lalabas na ang pangalan ng manunulat....

Darating siya. Alam ko, darating siya.

Noong minsang maligaw ako sa palengke
Noong bata pa ako, ibinilin sa akin ng isang tindera
Na huwag akong umalis sa 'king kinatatayuan;
Na ang mga naiwan ay hindi na para maglaboy;
Na dapat lang akong maghintay na balikan
Dahil parating binabaybay ng nagmamahal ana landas
na kanya nang tinahak hanggang sa matagpuan ang mga naiwan at mga nabitawan.
Parati tayong magbabalik.

Ilang segundo pa lang -'Yon!
Dumating na ang tiyahin ko!
Bitbit ang dalawang malakung supotng mga pinamili naming gamitsa eskwela, damit, at regalo.....

Hindi ako naliligaw pero ngayon,
Kapag hinihintay kita, naglalaboy muna ako.
Kinikilala ko ang mga espasyo sa sahig
Na hindi pa nakikilala ng mga paa mo.
Tumitingin sa paligid ng mga pwedeng ibibigay
Sa'yong gamit sa opisina, damit at regalo.
Sinisilaw ang mga mata sa mga ilaw
na hindi pa pinalalamlam ng iyong mga titig.
Gumagawa ako ng kanta gamit ang ingay
ng mga tao sa paligid na kasama na ang mga kasama nila
Habang ako ay mag-isa pa.
Hinihintay parin kita.

Hinintay kita.

At maghanda ka sa galit ko dahil sinisigurado
Ko sa'yong mainit nanaman ang ulo ko pagdating mo
Dahil nasa akin ka na nga at lahat
Pero pinaghihintay mo pa rin ako.
Pero magsisimula na kasi ang palabas!
Bibili pa tayo ng pagkain!
Ayokong makaistorbo ng ibang tao sa sinehan...
Kita mo na- nagsisimula na nga ang palabas!
Kasalanan mo 'to!
Ang layo-layo na nga ng pinanggalingan ko
Pagkatapos nauna pa ako sa'yo?
Ayan tuloy nagsimula na ang palabas !
(Mag-aaway tayo nang kaunti
Pagkatapos ay mamahalin kitang muli
Na para bang mauubusan ako ng oras.)

Mamahalin kita na para bang mauubusan tayo ng oras.
Hahawakan ko ang kamay mo kapag ubos na ang sitsirya;
Nanakawan kita ng halik kapag pangit ang eksena;
at kapag naiiyak na ako sa sobrang tindi ng drama,
Sisimple ako ng lingon para tingnan kung ikaw rin ay naiiyak na.
Hahanapin kita sa magagandang linya.
Hahanapin ko tayo sa mga artista.
At kapag nagsitaasan na ang mga pangalan
ng mga gumawa ng pelikula, ang mga ilaw,ay magbubukas .
Nagtapos na ang palabas. Magsisula tayo sa Wakas.
Sa wakas, nagsimula na tayo.

Sa wakas...

"Habang Wala Pa Sila"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon