"ANG NAG-IISA"
ni Juan Miguel SeveroNoong unang panahon, noong ang mga bituin ay alitaptap
Pa lang sa bukid, ang araw ay namumuhay sa pagitan ng
Mga bundok, at ang buwan ay dalagang lagalag sa gubat;
Minsang tumingala ang Nag-iisa sa langit, umawit ng isang
Hiling kay Bathala: Baguhin Ninyo ako. Tanggalin ang kadena
sa aking mga kamay, bato sa aking mga paa:
bigyan ninyo ako ng gabing hindi kasing dilim,
ng umagang hindi kasing ginaw.At sa sinagot siya ni Bathala: ibibigay ko sa'yo ang iyong hiling
Kung tatanggapin mo ang alok kong sugal. Kailangan mong
Languyin ang pinakamalalim na Ilog ng Lungkot, kalaban ang
Pinakamatinding Alon ng Pighati at hindi ka dapat lumubog.Kaya't ang Ng-iisa ay lumusong sa tubig. Sinanay ang sarili
Sa hirap ng paghinga. Lumalangoy patungo sa Dalampasigan
Ng Saya. At nang umahon siya mula sa kanyang sugal,
Kasama niyang umahon ang pag-ibig - ang pagmamahal.Sa unang pagkakataon, ang Nag-iisa ay nagging pagmamahal.
Magkasama nilang nilakbay ang bawat burol, parangg at kapatagan;
Maligay at may pangako ng walang hanggan.....Pero nagbago ang anyo ng Pag-ibig. nagging pagod, galit,
Sinungaling, at mapagkimkim. Muling bumigat ang kamay at
Paa ng nagmamahal. Kasabay nito ay ang pagdating ng isang
malaking unos na nilunod ang lupa sab aha. At sa
gitna ng malakas na ulan ay hindi na matukoy ang mga nasira
at nawala. Nang humupa na an g sigwa, kabilang na ang sigwa, kabilang
ang puso sa nasalanta, kasama ang Pag-ibig sa nawala.Ang nagmamahal ay muling Nag-iisa
Pero pagkatapos ng maraming gabing kay dilim at umagang
Kay ginaw, sa wakas, muling napangiti siya! Tinawag muli
Si Bathala, lulusong muli sa tubig, susugal at susugal pa!Dahil hindi ba't sapat na kabayaran ang sakit para sa
Pagmamahal? Hindi ba't mas tinataya natin ang lahat kapag
Hindi tayo sumugal?
BINABASA MO ANG
"Habang Wala Pa Sila"
Roman pour Adolescents10 compilation ng mga tula ni Juan Miguel Severo from his book!