"SAMPUNG BAGAY NA NATUTUNAN KO SA MGA UMIBIG"
Ni Juan Miguel SeveroUna, napakatamis ng mga simula...
Nang mga umaga na ang bungad sa'yo ay kanyang mukha.
Nag -aalmusal ka ng kilig at pagdating sa gabi ay baon mo siya hanggang sa paghimbing.
Dito, dito mo matututunan ang tunay na kapangyarihan ng isang ngiti.
Nang ibanag kamay na humahawi sa'yong buhok.
Nang mga mata na sumsisid sa iyong kaluluwa.Pangalawa, napakadaling maging kampante at masanay sa pagmamahal.
Ang malunod sa kapangyarihan ng kami, ng tayo, ng atin.
Pero paano naman ang kanya?
Paano naman ang ako?
Napakadaling malunod sa akalang ang iyo ay mnanatiling iyo.
Pangatlo, mapapagod ka!
Pero pang-apat, ang tunay na pag-ibig hindi dapat sinusukuan diba?!Pero panglima, ang tunay na pag-ibig hindi parating sapat!
Kapag ang pakpak na binigay nito sa'yo ay bumigat at naging kadenang ni ayaw kangpatayuin.
Kapag ang langit na ang dating nilipad mo ay naging kulungan na sa'yo naman ang susi at kandado pero ayaw mo pa ring lisanin.Pang-anim, ang pinakamabagsik mang apoy ay mamamatay,
Maghanda ka sa sakit
Pero wag kang mag-aalaga ng galit!
Ito ang pang pito!
Iiwan kang puno ng sugat at pilat at paltos nito! Iiwan ka nitong abo!Pangwalo!maghanda ka sa huli
Pangsiyam, alam ko parang hindi ka pa talaga handa sa wakas.
Eh wala naman kasi yatang nagiging handa sa wakas!Pero pang-sampu! Andyan na wakas at sa wakas mahalin mo pa siya.
Sa tingin.....
Sa tanaw....
Mula sa abo na iniwan ng dati ninyong apoy.
Mahalin mo pa siya
Pero kapag ang pakpak ng dati mong pag-ibig ay naging gapos na...kapag ang langit na minsan mong nilipad ay naging kulungan na...
Mahalin mo siya sa huling pagkakataon..
Pagkatapos ....... BITAW NA.
BINABASA MO ANG
"Habang Wala Pa Sila"
Подростковая литература10 compilation ng mga tula ni Juan Miguel Severo from his book!