Bago ang lahat gusto ko munang ipakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Nishka Santos isang babae na sobrang paboritong kumain ng tinapay.
" Pagbili po. " sambit ko sa tindera ng tinapayan.
" Ano iyon iha? " pagsagot nya naman.
" Pabili po ng dalawang balot ng monay. " pagkasabi na pagkasabi ko ng bibilhin kong tinapay kumuha na sya at inilagay sa supot na papel.
Pagkabili ko ng tinapay ay umuwi na ako sa bahay upang makakain na kami ng umagahan. Opo tama po umaga palang ngayon. Tuwing umaga po tinapay lang ang kinakain namin. Hindi po kasi kami pala kain ng kanin at sadyang mas nasasarapan pa po kami sa tinapay. Lalo na yung may sawsawan na mait na kape. Hay dun palang solve na kami.
Pagkauwi ko ng bahay nakita ko sila ate na nakaupo na sa sala. Nanonood ng tv at tila bang hindi nila iniintay ang binili kong tinapay na dati naman ay nagiintay sila sa hapag kainan namin. Nagtataka ako kung bakit pero inilapag ko nalang ang binili kong monay sa lamesa.
" Mga Ate, Kuya halina po kayo kain na tayo. " pangaakit ko sa kanila.
" Busog na kami beh. Ayon kain ka na may Ensaymada dyan. " Ensaymada? Ano yun? Tinapay ba yun? Hindi ko talaga alam kung ano yun.
Nung pumunta ako sa kainan namin may nakita akong parang pabilog na itsura ng pagkain na nakapatong sa lamesa. May mantikilya at asukal ang ibabaw at parang tingin ko palang ay masarap.
Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang Ensaymada na binabanggit kanina ni Ate.Kumuha ako ng isa at tinikman. Itinabi ko muna yung binili kong monay sa cabinet para pwede pang makain mamaya.
" Ate ito po ba yung ensaymada? " tanong ko kay ate na nanonood ng tv.
"Oo beh. Ngayon ka lang ba nakatikim at nakakita ng ganyang tinapay? " tanong nya sa akin.
" Opo eh. Kanino po pala yan galing? "
" Eh may lalaki na pumunta dito kanina. Hinahanap ka nga eh kaso nabili ka naman ng tinapay kanina. Kaya sabi nya pakibigay nalang daw nito. Tapos tinignan namin kung anong laman nung supot nya tapos nakita namin yan. May nakalagay na special Ensaymada. Kaya ayun tinikaman namin. Masarap sya pero infareness ngayon lang kami nakatikim ng ganyang kasarap na tinapay. " pagkwekwento ng ate ko.
" Ah " yan lang ang naisagot ko sa kanya kahit sa isip isip ko yung lalaki parin na nagbigay ng Ensaymada ang gumugulo. Sino kaya sya at bakit nya ako hinahanap?
BINABASA MO ANG
Ensaymada [Complete]
RandomNaniniwala ka ba na kapag kumain ka ng tinapay mahahanap mo yung ka forever mo?