2025
"Naging crush mo si keiser diba fret?" nagulat ako sa sinabi ni roxanne
"Ahh hindi ah ano na naman sinasabi mo dyan roxanne"
"Crush mo kaya sya dati kaso nung nalaman mo na si jewel ang gusto ekis agad" waaaaah nakakahiya naalala ko na naman yung time na naging crush ko si keiser lakas ko pang pagnasaahan waaaaaah nakakahiyaaa
"Naging crush mo pala" nagulat kaming lahat ng mag-salita si cristoff
Katahimikan..
2015
Nasa gym kami ngayon may sasabihin daw kasi ang Student Council President. Si bidabida na naman tsktsk
"Good morning everyone. This week magkakaroon tayo ng event na, sana lahat kayo mag participate. Mag-iikot lahat ng Students Council Officers para sa iba pang information. President ng bawat room meeting tayo sa SCR"
Biglang may kamay na pumatong sa balikat ko kaya napatingin ako kung sino yun?
0_0
"Hi fret!" omgggg si crush
"Hello keiser ikaw pala yan!" sabi ko naman na di naman halatang excited hahaha
"Bagay ba sakin yung uniform?" bat niya pa ba tinatanong? syempre bagay na bagay jusko naman keiser bakit ganyan ka.
"Ahh-e oo naman bagay na bagay"
"Ah thanks" nakangiting sabi ni keiser. Wag ka ngumiti pls
"Hoy fret nandito ka lang pala kanina ka pa namin hinahanap. Te-teka keiser?" Roxanne.
"Roxanne?" sabi naman ni keiser
"Magkakilala kayo?" tanong ko
"Oo naman fret. Kababata ko siya at dati na siyang nag-aaral dito lumipat lang siya nung grade-5 or 6 ata kami, basta matagal na" sabi naman ni roxanne
"Hindi ko nga pala nasabi yun sayo fret na dati na akong nag-aaral dito" sabi ni keiser. Kilala na sya dito malamang, dami na siguro naghahabol kay crushyy erase ka na agad self.
"Eh teka, kayo bakit kayo magkakilala" tanong naman ni roxanne
"Friend ni mommy yung mama ni fret kaya magkakilala kami" sagot naman ni keiser
"Ahh kaya pala. Ayos ha" Roxanne.
"Hi jewel!" bati ni keiser kay jewel
Nginitian lang siya ni jewel. . .
"Hep hep hep mamaya na yang moment niyo na yan ha guys bumalik na tayo sa room" yaya samin ni roxanne
Papunta ko sa rest room ngayon niyayaya ko nga yung dalawa kaso mga tinatamad daw sila.
"Daniella!" may narinig akong tumawag sakin dahilan para lumingon ako sa likod. Nang nilingon ko nakita ko si cristoff kaya naman di ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Pagtinatawag ka humarap ka. Hoy ano ba to?"
"Close ba tayo para kausapin mo ko ha?" bigla ko syang hinarap
"Bakit ha? Kala mo ba pagtitiisan kita. Tatanungin ko lang kung ayos na paa mo? Pasalamat ka nga concern ako"
"Nakikita mo na diba maayos na? Magtatanong kapa. Tsaka hindi ko kailangan ng concern mo tskk"
"Hindi naman ako concern sayo eh sa paa mo ha paa mo hindi sayo!" nagpapatawa ba siya o ano? Paa ko to kaya meaning nun concern siya sakin ang gulo niya talaga.
BINABASA MO ANG
Fall (On-going)
Teen FictionMali ba yung pinasok ko? Mas maganda ba talagang nanahimik na lang ako? Pero kilala ko sarili ko ayoko ng nananahimik lang. Pero paano kung isang katulad ni Zeym Cristoffer Del mundo ang makabangga ko? Mas gugustuhin ko pa bang lumaban o manahimik n...