Chapter VI - THE HECK?!
~ Krista's P.O.V ~
Ni hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip kung totoo nga ba talaga yung mga pangyayari? Gosh. Nakakakaba. Pero hindi naman siguro nila alam na iisang school kami.
Tuesday ngayon, naalala ko si Emmy. Akala ko ba kahapon siya magpapa-enroll? Pero ni' hindi niya ko kinontak. Tss. Nakakasad naman. Matext ko nga..
To: Emmy
Hoy! Di ka man lang nagtitext. Sad naman. Akala ko magpapaenroll ka kahapon?
Tinago ko na agad ang phone ko ng papasok na'ko sa gate ng school. Dumiretso muna ako sa locker ko. Hmm. Parang may kulang ha? May bitbit ba akong envelop kahapon pag-uwi ko? Hala! Meron nga. Saan na yun? Wth?! Andun ang report card ko ngayong first grading. Jusko!
Parang naiiyak na ako kung nasaan na yun. Dumiretso na muna ako sa classroom at baka malate ako.
"Andyan na silaaaaaa." Sigaw ni Kiara.
"Pake ko naman? Bwesit yang' Zach na yan." Sasagutin ko sana eh.
Dumaan na naman ng sabay-sabay ang Ramirez Brothers. Naalala ko tuloy kagabe. "Akala niyo mga nakakatakot, di naman." Hehehezxs, chos lang. Shut up na muna ako.
Dumating na ang teacher namin. *lecture.. lecture.. lecture* Around 9:25am, nagbell na at ibig sabihin nun ay recess na. Hokeh! Pumunta ako sa canteen at as usual dapat may 'moo' talaga akong iinumin. Hahaha. Eh solve na ako dun eh.
Pabalik na ako sa room at nagresume na ang class. Habang sa kalagitnaan na kami ng klase namin sa English, may kumatok. Binuksan ni Ma'am Sison at nagulat ako ng bumungad ang mukha ng kambal na si Zander at Zachary. Wth?! Anong ginagawa nila dito?! Binuksan ko kunware ang libro ko at tinago ang mukha ko.
"Miss Rodriguez?" Patay! -.-
"Miss Rodriguez?" Again? Huhuhu.
Medyo sumiplat ako at...
"Ay ma'am! Ayon siya!" Sigaw ni Zachary. Ano ba kailangan nila?!
"Ma'am, hiramin po muna siya namin ha?" Sabi ni Zander with pacute pa. Eh kinilig naman si Miss Sison kaya tumango ito. What the?!
"Go na, Miss Rodriguez." Tumayo ako at nakita kong pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko. Naka-death glare sakin ang grupo nina Kiara.
At nakita kong tinaas ni Zachary ang isang envelop. Akin yan ha?! Aysh. Baka isasauli nila. At ayon lumabas na ako sa room at nag-usap kaming tatlo dito sa labas.
"Ano pong kailangan nila?" Tanong ko.
"Ikaw kaya may kailangan. Heto oh?" Winagayway niya ang envelop ko.
"Kanina ko pa to' hinahanap, salamat talaga. Importante to." Sagot ko at iniabot niya sa akin.
"Akalain mo yun? Iisa pala tayo school?" Sabat ni Zander.
Paano kaya nila nalaman na dito din ako nag-aaral? Hays. Nakita siguro nila ang card ko na may pangalan mismo ng school na to'. Whoaaaaa!
"Ang taas ng grades mo, Ate." Hala?! Pinakealaman nga naman talaga ang envelop ko. Tss. At tinawag akong ate.
"Ate? Hahaha." Sagot ko.
"Grade 10 kami, Grade 11 ka." Awwwe. May respeto. Mr. Nice guys.
"Wow ha? Haha. Oh sige. Salamat talaga, Zander, Zachary."
"Wait, ate. Ang taas ng grades mo." May pinahihiwatig yata si Zander.
"Pa-tutor kami, Ate. Kahit major subjects lang." Dagdag ni Zachary.
"Please... Bagsak kasi kami ngayong first grading at kailangan makabawi kami kase baka hindi kami mag-Grade 11."
Huh? What the?
"Ha? Iba na lang. Wag ako." Sagot ko. Madami nga naman talagang iba dyan.
"Grabe. Binalik namin yan sayo tapos tinulungan ka pa namin kagabe." Wow ha? Naguiguilty naman ako. Ano ba yan? So, pinapalabas nilang may utang na loob ako sa kanila? Ganern?
Tumalikod na sila ng nakayuko at mukhang nagpapa-awa. "Oy kambal! Sige na! Oo na!" Hays.
Humarap ulet sila at nagsiliwanag ang kanilang mga mata. Awwwee. "Sabi mo yan ha?" Sabay pa sila. Ang cute.
"Yeah."
"Promise na yan. Walang bawian."
Medyo tumango ako at nagsmile. Wala na akong magawa. Pakonsensya pa sila eh.
"Okay, sabi mo yan eh. Sa bahay everyday, after class. Bye, Ate!"
What?! Sa bahay nila?! Everyday?! Akala ko pa naman dito lang. Bakit sa bahay nila?! Magkita kami ng Zach na yun.
"Wait!" Pero nawala na sila sa hallway.
//
Dumating ako sa bahay na nakakunot ang mga noo. Ano ba yan?! Dumiretso na ako sa kwarto ko at binuksan ang phone ko. May reply pala si Emmy.
From: Emmy
Hindi ako nakapag-enroll. Hahahaha. Sorry naman. Namiss kase ako ni Tita, nagmall kaming dalawa kahapon.
Ah. So, yun naman pala.
To: Emmy
So yun naman pala eh. Hahaha. Bwiset. Kelan ka magpapaenroll?
--
From: Emmy
Bukas. Promise. Kitakits tayo dun. After class mo siguro then pupunta tayo ng mall. ;)
--
To: Emmy
Sige sige. Kitakits tommo. Mahal po kita. Hihi ;)
--
From: Emmy
Ang corny. hahahaha. K, loveyoutoo bebe.
Nagstart na muna akong mag-study sa notes ko.
*study.. study.. study*
Pero wala talagang pumapasok sa utak ko. Bwiset naman oh. Distracted ako sa tutor thingy na yan. Ay! Bahala na! Baka joke lang ng kambal yun.
// (Kinabukasan)
Gising- Ligo- Bihis- Punta school- Diretso locker- Punta classroom- Dadaan ang Ramirez brothers- Lecture
Nadagdag na talaga sa daily happenings ng buhay ko ang pagdaan ng Ramirez Brothers. Hahahaha. Eh ganyan na eh. Kinagawian na eh.
Tumunog na ang bell. Recess time! Pumunta na ako sa canteen, alone always. Bumili na ako ng chocolate drink kong 'moo'. For the first time, umupo na muna sa isang bench sa canteen. Wala namang umuupo dito. Ayaw ko pang pumunta sa room.
Nasa pinakalikod na part ng canteen ang upuan ko (feeling classroom lang eh haha). Nilabas ko ang binabasa kong libro, romance to'. Hihi. Kenekeleg eke. Hanggang libro na lang ako. Bwiset.
Feel na feel ko na ang story habang sinisipsip ang straw ng 'moo' ng biglang tumahimik ang canteen. Akala ko walang tao eh pero andami super. Pero mas nakakagulat nakatingin sila sa akin?! Parang tumigil ang mundo at ako lang yata ang gumagalaw. Huh? Hala. Ambisyosa ko naman? Bakit naman lahat sila titingin sa akin diba? Medyo tinago ko ang mukha ko sa libro at diretso pa rin ang basa.
"Hoy!"
Hmm. Familiar ang boses. Ako ba ang tinatawag? Eh baka hindi naman. Snob lang pero lahat talaga sila parang mga tanga, nakaluwa pa ang mga mata nila habang tumitingin dito. Hahahaha. Tumingin ulit ako sa libro at nagbasa.
"Moontangs!"
THE HECK?!
◈◈◈
Author's Note: Mapapa-The heck ka na lang talaga. Hahaha. Kamusta guys? Sorry sa prev. chaps, may mga typo errors. Inedit ko na po. Hope you enjoy. Gracias.
~ DarkerPen ♕ xx
BINABASA MO ANG
A Girl Turned Into A Gang's Princess
De TodoTitle: A Girl Turned Into A Gang's Princess Lahat ng mata'y nakatitig sa kanila. Mga balahibo ay tumitindig sa tuwing naririnig ang yabag ng kanilang mga paa. Unti-unting napapaatras at napapayuko ang mga taong kanilang dadaanan. Kilala sila bilang...