Chapter 9

13.1K 219 10
                                    

ZEPHRINE'S POV

 Hinang-hina pa rin ang buong katawan ko nang magising ako. Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga at nakaramdam naman ako ng matinding pagkahilo kaya napahawak na lang ako sa ulo ko. Anong nanyari sa akin? Bakit ako nandito?

Narinig kong bumukas ang pinto at nakita ko ang doctor na papalapit sa akin.

“Finally, you’re awake.” Nakangiting bungad niya sa akin. 

"A-anong n-nangyari?"

“Nakita ka nina Mr. Mendez at Mr. De Guzman na nakahandusay sa sahig at duguan ang kamay mo. Mabuti na lang at nadala ka kaagad nila sa ospital kaya naagapan naming yang sugat mo.”

 Dumating pala sina Jethro at Spade dito? Buong akala ko si Lurch ang nagpunta dito. Nakita ko pa ang nag-aalalang mukha niya. Tinatawag tawag pa niya ang pangalan ko. Napailing na lang ako nang maalala kong may iba na nga pala siya, na wala na nga paa akong halaga sa kanya.

“N-nasaan sila?” 

“Nasa labas lang sila. Kasama pa ang iba nilang kaibigan. Sobra silang nag-alala nang makita nila ang kalagayan mo nung oras na yun. Magpahinga ka na muna para lumakas ka. Makakalabas ka na rin oras na tuluyan kang gumaling.” Nakangiting sabi niya sa akin at iniwan na ako mag-isa dito. Napangiti ako ng mapait nang maalala ko na naman si Lurch. Bakit nga ba siya mag-aaksaya ng oras para dalawin ako dito kung masaya na naman siya sa iba?

Bumalik na ako sa pagkakahiga. Ayoko na munang mag-isip. Ipinikit ang mga mata ko hanggang sa hilahin na ako ng antok.

*

Nakahiga lang ako habang nakapikit parin ang mga mata nang bumukas ang pinto at maramdaman kong may naupo sa gilid ko at hinawakan ang kamay ko kaya nagpanggap na lang muna akong natutulog.

Kilalang-kilala ko kung sino siya. Alam ko.

Naramdaman kong hinalikan niya ang kamay kong hawak-hawak niya at naramdaman ko na lang din na may pumatak na luha. Umiiyak ba siya? Bakit siya umiiyak? Hindi ba dapat masaya na siya?

“Zephrine…” Tawag niya sa pangalan ko. Naririnig ako ang bawat paghinga niya. Hawak-hawak niya lang ang kamay ko habang patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha niya.

“H-hindi ko talaga sinasadya ang lahat. S-sorry, Zephrine. A-alam mong mahal na mahal kita, di ba? N-naaalala mo pa ba yung sinabi ko sayong hinding-hindi kita sasaktan? S-sorry kung hindi ko natupad yun pero pinagsisisihan ko na lahat ng nagawa ko sayo noon. M-mahal na mahal kita, Zephrine. Alam mong nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan ka. S-sorry. M-mapatawad mo pa sana ako…”

Pinipigilan ko ang pagpatak ng mga luha ko. Parang naninikip ang dibdib ko sa bawat salitang sinasabi niya. Naramdaman kong hinalikan niya ako sa noo, sa tungki ang ilong ko, at sa labi ko. Tuluyan na akong napaiyak nang marinig kong bumukas ang pinto at sa sumara ulit. Wala na naman siya.

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now