Chapter 4:One Team

198 4 0
                                    

Ay anak ng bopols ka naman oh! Nakalimutan kong selection of clubs nga pala ngayon. Naku naman. Ibig sabihin wala kaming klase ngayong hapon. Puro club lang ngayon. Eh di ibig sabihin hindi ko masosoli agad kay Drew ang sampung piso nya.

Kinuha ko muna ang gamit ko sa room tapos pumunta na rin ako sa Science Club.

Nagregister ako dun at tumambay muna ng konti.

"Good to see you again, Yara. Ready ka na bang maging president ng Science Club?" bati sa akin ni Senior Barry. 

[Baby Jhu: Familiar ba si Senior Barry? Dahil kung OO, at kung alam nyo kung saan kong palabas kinuha si Senior Barry, i-comment nyo lang sa baba. :))]

"P-president? Ay naku, hindi po. Ayoko po." sabi ko sa kanya sabay wave ng kamay ko sign na tumatanggi ako.

"Paano ba yan? EH ikaw ang napupusuan ng buong Science Club para maging President. Pagbigyan mo na ako Yara. Ikaw ang napupusuan kong maging tagapagmana ng aking trono." Taga-pagmana. Sabagay, College Freshman na kasi siya eh at nakikisingit lang ngayon sa Science Club.

"Eh? Wag na lang. Nakakatakot po ang responsibilty."

"But don't you think na imbis na ibully ka nila dito eh rerespituhin ka nila?"

"Ay naku.. kung rerespituhin nga nila ako eh baka naman umabuso ang mga yan." 

"Ako bahala sayo."

"Ay bahala na nga!" sabi ko tapos tumayo na. "Pupunta pa ako sa Math Club, bye!" 

Nagdiretso naman ako sa Math Club at nagregister dun. Buti walang President President dun. Pagkatapos ko magregister dun, tumambay muna ako sa labas ng building. HIndi din naman kami papalabasin agad hangga't hindi pa dismissal time.

Binabasa ko naman yung bagong book na hiniram ko ulit kanina sa Library nang...

"Ano?! Walang mag-audition para mascot? Hindi pwede yan!" narinig ko yung mga estudyanteng nag-pass by sa harapan ko.

"Eh wala talaga eh. Paano ba yan? Mapapagalitan tayo nyan!"

"Tss... bahala na. Ayun pala si Drew eh! Tara dun!"

Drew? Ay oo nga! Si Drew nga! Ay sus! Mabibigay ko na sa kanya yung limang piso na sukli nya dun sa inutang ko kanina.

Sinundan ko sila heading to the GYM. Ay  malamang, mga cheerdancer sila eh. Ang nailandi ng mga ito. Nakita lang si Drew, nagpuntahan na agad dun.

Napansin ko naman na nasa try-outs si Drew. Marunong pala syang magbasketball? OH EH DI SYA NA!

Heart > Mind (Heart Over Mind)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon