Summer Romance [ 10 ]
Chapter 10
A/n: i also happen to have two new oneshots, The First of January and Birthday Wish. Please check them out cause I like to hear your thoughts :)
Gab's POV
Nang makita ko si Kap, hinila ko kaagad ang maleta ko papunta sa kanya. Nakatingin lang siya sa cellphone niya at nags-scroll dito.
"Ehem." pakunwaring ubo ko.
Napatingala agad siya. "Gab." He put his arms around me and pulled me close.
"Woah, miss mo ko?" tanong ko habang natatawa-tawa ng kaunti. Pero hindi niya ako sinagot, mas hinigpitan niya pa ang yakap niya. "Uhm..."
"Bwisit ka." bulong niya at binitiwan ako. "Alam mo bang-"
"Alam mo bang?"
Umiling siya. "Wala wala."
Ok. "Lika na."
Pumunta na kami sa parking kung saan nakaparada ang kotse niya. Nilagay ko ang maleta ko sa trunk at umalis na kami.
Sumandal lang ako sa leather niyang shot gun seat at tinaas ulit ang paa ko sa dashboard. "Hayyy nakakamiss." And I mean it. Namiss ko ang mas mainit na pakiramdam ng Manila. Ang ingay na overpopulated talaga ang Manila. Pati ang scenery na busy lagi.
"Kwekwento mo na ba kung anong nangyari sayo?"
Umiling ako. "Not even to you."
Natawa siya "Bakit?"
"Sakin na lang siguro yon...uhm..." Napatingin ako sa labas. "Di naman importante."
Parang panaginip lang ang nangyari para sakin. Pumunta ako doon para sa wala. Wala naman akong naiuwi kasama ko pabalik. Souvenirs at pasalubong, yun lang.
Kumain kami sa labas ni Kap at ginatungan niya ako na libre ko daw. Maglalabas na sana ako ng pera ng tumawa siya at siya naman din ang nagbayad. Minsan talaga may sayad tong tao na to.
Papalapit na kami ng papalapit sa bahay ng nakita ko ang kotse ni Daddy na kakaparada lang sa garahe. Bumaba siya dito kasama si Phillip. Hatik na akong bumaba at yakapin silang pareho, hatik na. Pero aaminin ko, natatakot akong mapagalitan ni Daddy. First time to in the history of the rebel Gabriela. Ni minsan hindi ako natakot kay Daddy. Pero ngayon, takot na ako.
Hindi ko alam kung anong ginawa sakin ng Palawan.
Ang hindi ko lang pinagsisisihan ay yung may natunan akong isang bagay. Masyado man madramang pakinggan pero...sa buhay natin may makikilala tayong tao na puro flaws, puro mali, imperfect. And sometimes their lives mirror our own. Kasing flawed, kasing mali, kasing imperfect. And that was Tristan for me.
Nagdadalawang isip pa ako kung ok lang ito sakin o hindi.
Bumaba na ako ng kotse at napabuntong hininga na lang. Papasok na si Daddy sa bahay gabay-gabay si Phillip nang napalingon si Phillip sakin.
"Ate!" masayang tawag nito at tumakbo papunta sakin.
Lumuhod agad ako at sinalubong siya ng mahigpit na yakap. Without taking my eyes off my Father. The man who sacrificed his whole life for his family. For me and for my brother.
"Ate, bat ka umiiyak?" tanong ni Phillip.
Hindi ko napansin na oo nga, tuloy-tuloy ang pagtulo ng luha ko kahit pilit akong ngumi-ngiti. "Namiss lang kita." hikbi ko at niyakap siyang ulit.
Lumabas din si Kap sa kotse at kinuha si Phillip sa mga kamay ko at pinangko. He inclined his head to my father.
Nanginginig na hininga akong lumapit kay Daddy. Inilagay ko ang nanginginig kong mga kamay sa bulsa ko, hoping na baka sakaling hindi niya mapansin kung gano ako natatakot. Nakatingin lang ako sa lupa, hiyang hiya sa mga ginawa ko. For all the things I did to him.
"I'm sorry Daddy." I cried.
And when I look at him, he was biting his lip hard enough to know that he was hurting too. Hurting but happy. How could that be possible?
"Anak." and he pulled me into an embrace. The warmest embrace I've ever receive my whole life.
I cried to his chest. I crumpled his polo shirt to my fists. I don't care if I freaking look like a puffy potato. I cried at paulit ulit kong sinabi sa kanyang I'm sorry. Hanggang sa punto na napatawad ko din ang sarili ko. Hindi ko alam kung ilang minuto ka ing nakatayo doon na magkayakap lang. I didn't bother to care.
Pagpasok naming apat sa bahay, agad akong umupo sa sofa at niyakap ang throw pillow doon. I missed home. This is home. This is where I belong.
"Pasensya na Tito, hindi po talaga nagpaawat si Gab eh." paliwanag ni Kap nang tinanong siya ng Daddy ko. "Pero I always check on her po."
Daddy put a hand on Kap's shoulder kahit buhat-buhat pa ni Kap si Phillip. "Ijo, you've done enough for my daughter. You've been her true friend."
Napatingin sa direksyon ko si Kap. I almost read his thoughts in his face, True friend daw ako oh. I laugh, shaking my head. Kahit feeling ko mapupunit ang mukha ko dahil sa kakaiyak.
Binaba na ni Kap si Phillip at tumakbo ito sa mga laruan niyang nakasabog sa sala.
"Mauna na po ako." paalam ni Kap. He nods and leaves.
Naiwan kaming tatlo nila Phillip at Daddy, the house suddenly quiet.
Tumayo agad ako, "Dad...kakausapin ko lang si Kap." sabi ko. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at tumakbo agad ako palabas.
Kap is on his back, walking towards his car.
"Kap."
He turns.
I run and hugged him close. I put my arms around his neck and buried my face there, too.
Tumawa siya sa tainga ko. Hatik na akong lumayo dahil sa kiliti. "What is this for?" tanong niya.
Pero hindi ako agad-agad na sumagot, I just hug him for a minute longer and finally let go.
"Thank you...sa lahat." sabi ko. "Sa pagdamay sakin nung iniwan ako ni Jacob. Sa pagsuporta sa kalokohan ko. Sa paghatid sundo. But most of all...my Daddy is right, always. You've been a true friend. My best friend."
He smiles at my words. "Best friend." he echoes. Napatingin siya sa kotse na nasa likod niya. "Pano ba yan? Aalis muna ko."
Buntong-hininga nanaman, "Bye."
Ginulo niya ang buhok ko. "Wag ka nang umiyak. Di bagay sayo mukha kang patatas."
Natawa na lang ako. Parang kanina yun din ang nasa isip ko. "Oo na."
"Bye."
And he left.
BINABASA MO ANG
Summer Romance (JaDine FanFiction)
FanfictionOne unforgettable summer. Portrayed by: Nadine Lustre and James Reid Written by: girltryinghard | 2016 ©