Alam mo yung feeling na gusto mo mag concentrate pero ayaw talaga?
Kasi may bumabagabag sa isip mo."Mr. Lilirio, are you still with us?" Rinig kong sabi ng teacher namin.
Napabalikwas ako sa kinauupuan ko at naghagikhikan ang mga kaklase ko.
"A-ah yes,Ma'am."
"Please keep in mind that you are here to learn and not to daydream, Mr. Lilirio."
"Y-yes, Ma'am."Agad kong tinuon ang pansin ko sa notebook kong walang laman at pilit na binalewala ang mga pasimpleng tawa ng mga kaklase ko.
Maya maya, nagulat ako nang may maglagay ng punit na papel sa mesa ko.
"Anong problema Andres?"
Handwritting pa lang alam ko na kung kanino galing. Galing kay Just, tsaka siya lang naman talaga ang may pakielam saakin sa loob ng kwarto na to eh.
Alam naman niya siguro ang isasagot ko. Di naman siya tanga eh.
Agad kong binulsa yung papel. Baka mahuli pa kasi ako ng teacher namin.Natapos na yung klase at agad naman akong nilapitan ni Just
"Oh, ano na?"
"Anong ano na?"
"Anong sagot no sa tanong ko?"
"Alam mo na yun."
"Tungkol ba to sa plano?"Di ko siya kinibo at naglakad papunta sa canteen.
Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. Paano na lang kung hindi maganda yung kakalabasan ng plano niya? Paano kung mapaguidance kami? Or worse mapatawag yun--"ARAY"
Ang lakas ng pagkabanga namin sa isa't isa na napaupo kami ng nakabunguan ko. Dun ko na lang napansin na nasa intersection na pala ako ng corridor na kaharap ng library at corridor na papunta sa canteen. Napahawak ako sa noo ko. Shet may bukol ata ako.
"HOY!BULAG KA BA?" Bulway saakin ng nakabunguan ko.
Napatingin ako sakaniya na punom-punong ng pagkairita.
Pero..SHET.
ANG CUTE NIYA.
"HOY! ANO BA?" Natauhan ako sa sigaw niya. Di ko napansin na nakatunganga lang pala ako sakaniya. Nakatayo na siya at nakabusangot siya saakin.
Ngayon ko lang napansin yung mga librong nakakalat sa sahig."S-sorry miss, pasensya ka na lutang lang talaga ako." Sabi ko sakanya.
Lalong naningkit yung mga singkit niyang mata niya at nagsimulang pulutin yung mga libro niyang nagkalat.
"Sa susunod kasi wag kang magpantasya ng gising, nakakatanga yan." Sabi niya saakin ng di man lang ako tiningnan, at sinimulan nang pagpagan yung mga librong bumagsak at agad siyang umalis.
"Andres. Huy." Kalabit saakin in Just.
Natauhan naman ako at agad na napatayo sa kinauupuan ko. Takte. Gaano na ako katagal na nakaupo sa gitna ng corridor?"Kanina ka pa nakaupo diyan tsong." Sagot niya sa akin.
" Kanina ka pa diyan?"
"Oo. Lutang ka kasi eh kaya di mo ako napansin, pati si Mags di mo napansin."
Tiningnan ko lang siya." Yung nakabangaan mo. Si Mags yun. Grade 7. Kabatch ni Barbie."
"Ahh. Eh pano mo nakilala yun?"
"Sinong hindi eh ang cool kaya niya.""Astig? Eye cather siguro. Talagang mapapatingin ka sakanya dahil ang cute cute niya."
"Di siya cute. Gwapo siya." Napatingin ako kay Just.
"Huh?"
Napangiti siya.
"Yun kasi parati niyang sinasabi pag sinasabihan siyang cute o di kaya maganda."
Napa-aahh na lang ako.Sabay na kaming pumunta ni Just sa canteen at pumunta sa tambayan naming magbabarkada.
Halos lahat nanduon na, maliban sa isa."Nasan si Popoy?"
"Ewan. Hindi rin siya pumasok sa klase kanina eh." Sabi ni Hugo.
Nagsalubong kilay ko.
"Luh. Eh di ba may usapan sila ni Andres ma ibabalik nila yung 'panyo' ni Barbie?" Sabi ni Just.
Nagkibit balikat na lang sila.
Nasaan na si Popoy??******
"Class Dismissed."
Nagsitayuan na kami at nag-ayos na ng gamit. Hanggang ngayon di pa rin namin alam kung nasaan si Popoy. Di niya kasi sinasagot yung mga tawag o text namin. Langya yun.Kinabahan lang pala ako sa wala.
Huli na akong lumabas sa classroom dahil ako na nag patay ng ilaw at electricfan dito. Syempre, good boy ako no, I care for mother nature.
Habang naglalakad ako sa corridor napa-isip ako kung dadaan pa ba ako sa court. May training kasi ngayon ang volleyball team. Pumasok muna ako sa banyo para maghugas ng kamay. Pagkapasok ko ay tumambad saakin ang nakakasulasok na amoy sa isa sa cubicle."Takte, ambababoy naman oo, di man lang talaga marunong magflush." Sabi ko at naghugas ng kamay.
"Pssssst."
Napahinto ako. Tumingin ako sa likuran ko.
Ano yun? Nagkibit balikat na lang ako at nagpatulog ako sa aking paghugas."PSSSST...DEREEEE..."
Naahinto ulit ako. Napatingin ako sa salamin sa harap ko at nakita ko ang isa sa mga cubicle na bumukas.
"##@$%/%"$%$%!!!!???;!!!_-$$%%#$"!!!"
"POPOY?" Bulyaw ko.
BINABASA MO ANG
Kilabot Ng Bayan (On Going)
MizahMinsan kailangan mong umasa, mangarap, at maniwala sa himala. Kahit mukhang imposible, basta't pursigido ka, magiging posible. Gagana kaya ang ganitong paniniwala sa isang "kilabot ng bayan" para makamit ang matamis na oo ng kaniyang iniibig?