Hi readers! Help niyo naman akong mag isip ng name. 2 girls and 2 boys! Comment niyo lang dito ha? Thank you!
~~~~~~~~~~~~
Sabi nila, pag nainlove ka, magiging tanga ka. Tama nga sila. Kasi ako? Handang magpakatanga para sa pagmamahal ni Charles na hindi dapat sakin, kundi para dapat kay Ate Kristine na kakambal ko na matagal ng namatay.
Bago mamatay si Ate Kristine, nililigawan siya ni Charles via Skype, Facebook and Twitter. Kaso sabi ni Ate Kristine tsaka na kapag nag meet na sila Personally. Kaya matyagang naghintay si Charles ng pagkakataon na makauwi ng Bansa. Duon ko siya mas lalong nagustuhan, pero hindi ko pinapaalam kay Ate Kristine kasi alam kong unti unti na din siyang nahuhulog kay Charles.
Buti pa siya, kapag nahulog siya kay Charles, handa siyang saluhin ni Charles. Eh ako? Hindi.
Dahil hindi lahat ng mamahalin mo, mamahalin ka pabalik.
Tinanong pa nga muna ako ni Ate Kristine kung Crush ko pa din daw ba si Charles. Sinabi ko na lang na hindi, may bago na akong Crush at Tatlo pa sila.
Masakit mag sinungaling sa taong mahal mo, pero kailangan para hindi siya masaktan. 'Di na baleng ikaw, wag lang siya.
Pero ngayong wala na si Ate Kristine, ako ang nagpatuloy ng Video Call nila ni Charles. Kahit na ang mga Sweet messages niya ay hindi para sakin, kundi para sa taong mahal niya talaga.
"Miss Chui, Mr.Sy is back. He wants to see you now"
Natauhan lang ako sa pagmomoment ko ng tapikin ako at kausapin ng Secretary ni Charles.
"Okay, sunod na po ako"
Nag nod ang Secretary ni Charles bago bumalik sa pwesto niya. Nanginginig akong tumayo at kinakabahan. Nananalangin na sana hindi niya ako mahalata.
"Woooohh! Inhale Exhale! Kaya mo yan Kristina este Kristine! Wag kang papahalata" nasabi ko sa sarili ko habang nakatayo sa harap ng pintuan ng office ni Charles.
*knock knock* Pagkatok ko ng nakapikit kasi nga kinakabahan ako. Naghihintay ako ng sasabihin niya na "Tuloy ka babe! Naghihintay ang future hubby mo" Shit lang po ano? Kinikilig agad ako. Kaso wala eh, kata nilakasan ko pa ang katok.
"Masakit na" may biglang humawak ng kamay ko kaya..
"AY PAKSYET KA! KYYYAAHHH!"
Bigla ko siyang tinulak ng malakas! As in buong pwersa ko tinulak ko siya.
"Hala! Mr.Sy okay ka lang po ba?" Tarantang pag eksena ng Secretary ni Charles.
WHAT? SI CHARLES?
Napatingin agad ako sa taong natulak ko. Nang marealize ko ang nangyari napatakbo ako palapit kay Charles at tinulak palayo ang mahaderang Secretary niya na pasimpleng tumatouch ng maskels ni Charles! May pahaplos haplos pa ng face ni Charles at pagpag kuno ng Coat ni Charles! Naloloka ako please lang! Baka paslangin ko'to!
"Charles, sorry! Di ko sadya! Ikaw naman kasi ginulat mo ko" pag aalalang tanong ko kay Charles.
"Oka-----" naputol ang sasabihin niya ng umeksena na naman ang Secretary niya.
