8th

62 4 0
                                    

Eighth.

'di na ko maka-tulog. Na-excite siguro ako ng bongga. Sleep over ba naman! Kasama pa si Patrick. Yeaaah boi. Hahaha.

Na-confirm nga na tuloy na yung sleep over. So, nag impake na ko dahil di na ko uuwi dito bukas para derecho na kila Pauline. Sayang sa oras.

Gulong-gulo na yung isip ko. Parang nung isang araw, galit ako sakanya! Napaiyak na naman ako. Tsk! Kanina naman, nagkausap pa kami at tawanan. Bigla nawala lahat ng galit ko. Bakit ganon? Samantalang sya, walang pakialam sa akin.

Ugh. I need to sleep. Wednesday na bukas, malapit na mag pageant. Oh no! Mas lalo na kong kinakabahan.

--

WEDNESDAY

Birthday ni Pauline ngayon. Kaya mamayang gabi may handaan din sakanila. We greeted her and di narin masyadong naka-handa ng surprise para sakanya dahil sa busy ang tao sa intrams.

"Thank you sainyo." pag-smile nya at hinug nya kami isa-isa. Sayang lang dahil wala kaming nabigay for her. Mukang masaya naman sya basta ba't sisipot kami mamayang gabi sa birthday nya. Bigyan ko lang yan ng isang pack ng Chuckie, solve na sya. Hahaha.

Super nakakapagod na araw. Laro dito, laro dyan. Asikaso dito, asikaso dyan. Halos di ko na nga ata nakausap si bru e. Busy din sya.

And guess what?

For the second time, she played badminton!

'di ko na sya nagawang tawagin. Nako, distorbo lang ako. Career nya na talaga yang sport na yan.

Ganadong-ganado ang bru! You know why?

Mixed doubles. Charlie Lopez and Adrian Torres.

WAPAK! Nabuhay na naman ang dugo ko. CHOS! Napangiti na lang ako sa nakikita kong view.

Umupo muna ako sandali para mapanuod sya. Nakakatawa si Charlie. Para kasing di nya magawang makalaro ng ayos dahil si Adrian yung kateam nya! Hahaha.

"Woooh!" sigaw ko at napatayo ako. Nag-smash lang naman ang aking bruhang bespren! Angas eh no? 

OMG. NAGYAKAPAN SILAAAAA. NA CARRIED AWAY ANG BESPREN KO. OMG OMG. ANG SAYA KO PARA SA KANYA.

Bakas sa kanilang dalawa ang pag kagulat. Di lang sa badminton nagwagi si Charlie, pati na rin sa puso ni Adrian. CHAROT! Aabangan ko na lang ang lovestory ni bru.

--

After matapos lahat ng games today. Nagusap-usap muna kami kung san magkikita. Napagusapang sa academy gym nalang.

Pumunta na kaming dalawa dun Paulin, yung dalawang lalaki kasi, umuwi muna. Maliligo daw muna sila at kukuha ng damit. Aarte e. Lalaki ba talaga yun? Hahaha. Kidding.

Sa Aca gym, andun din yung SG Office. Nag-promise si Pau kay Kimy na tutulong sya sa pag-edit ng video ng Amazing Race namin. So dun muna kami tumungo..

Seven pm na pala? Ang bilis ng oras? Teka, what time ba kami pupunta? Di ko na namalayang nakahiga na pala ako sa stage ng gym sa sobrang antok. Ok lang naman, nandito diin yung ibang officers. Tinatawanan nila ako. Tsk. Paki nila, antok na ko. Di pa ba tapos si Pau? Panis na ko dito at gutom na.

"Pauline.." pag-tawag ko sa atensyon nya pag pasok ko ng office. Masyado syang tutok sa pag-eedit,

"Oh bakit?" sagot nya. Hindi parin inaalis yung mata nya sa laptop nya. Parang naka-glue na ata!

"Di ka pa ba tapos? Asan na ba sila Blake?" nanghihina kong tanong sakanya. "Di nasagot eh. Kanina ko pa minimisscall. Oh eto, ikaw tumawag sakanya." sabay abot ng Sony Experia nyang phone. Naks, nahiya naman daw ako sa cellphone nya. Samantala yung akin may flashlight. Hahaha.

Ano bang problema ni Blake? Ayaw nyang sagutin yung calls! Kanina pa ko natawag eh! Nako, mauuna na lang siguro kami. "Pau..ayaw sagutin eh!" pag-rereklamo ko.

"Sige, mag-aayos na ko dito. Parating narin si Pat dito." niligpit nya na lahat ng gamit nya at nag-paalam na sya sa SG Officers. Sabi nya, itutuloy nya na lang daw sa bahay nila.

May motor si Pau. dahil dito lang naman sya sa loob ng campus nakatira. Basically, meron din si Pat.

Speaking of, ayan na sya. kakarating nya lang. Basa basa pa yung buhok nya. Shet! Parang dito pa lang naamoy ko na kabangohan nya. Whooo. Naka jersey shorts sya at dri-fit na sleeveless shirt na color black. HOT.

Tumigil sya sa harap namin ni Pau. At ngumiti. CAN I DIE NOW?

Dahil sa sobrang pagka-high ko, di ko namalayang andyan narin pala si Blake. Mukang bagong ligo lang. "Sorry di ko nasagot calls nyo. Nakatulog na ko eh! Tara na?" 

Tumango kaming lahat. Dala dala ko pala yung Props para sa talent ni Blake. Ayos diba? taga bitbit.

Walang pang-alinlangang sumakay si Blake sa motor ni Pau. Ewan, dun kasi sya malapit. 

Ibig sabihin? Kay Patrick ako sasakay? Waaah! After 3 freaking years, makakasakay na ko sa motor nya? OMG OMG OMG! Kalma Kate! Di ako makagalaw. Ayaw ko naman mag-assume na isasakay nya ko dun. Naka-glue na ata mga paa ko sa sahig.

"Kate!" pag-tawag sakin ni Pau. Napatingin naman ako sakanila. Nakasakay na si Blake at mukang papaalis na sila. "Kay Patrick ka na sumakay." at agad nyang pinatakbo ang motor nyaa.

Lumingon na ako kay Pat. At sumenyas sya na sumakay na ko sa motor nya. Tumango lang ako at lumapit na sakanya. Naka side akong seat. Yung pang-baba. Dahil pag yung naka boy seat ka, huhulihin kami ng HQ! Tssk. 

Umalis na rin kami. super lamig dito sa campus lalo na't gabi. Amoy na amoy ko si Pat. Holy crap, napaka bango. "Bakit ang bango mo?"

"Ha?"

Shit! Bat ko sinabi yun? Ugh! Na-carried away na naman ako. "Sabi ko, malayo ba bahay nila Pau dito?" Magaling Kate, magaling!

"Ahh. Hindi naman, malapit lang." sabi nya. Di ko makita expression nya. Malamang sa alamang dahil naka back ride ako. Bobo Kate?

"Grabe ang lamig! Di ka ba nilalamig?" pag-tanong ko sakanya para hindi naman masyado awkward ang sitwasyon. "Di naman, sanayan lang yan. Haha." pag-tawa nya sa sagot nya sakin. Mukang di nga sya giniginaw, naka sleeveless pa ang mokong. PAKITA LANG NG BICEPS! Shet ka!

Sana di na matapos tong ride na to. Ito na ang pinaka na-enjoy kong ride! 

Nakarating na kami sa bahay ni Pauline. Maganda ang bahay nila, simple lang. Pumasok na kami at biniti ang parents nya. Dahil birthday nya ngayon, may handa. Umupo na kami sa dinning table nila.

and guess what? Katabi ko na naman si Patrick! Sinasadya na ata to ni Pauline e. Pero kinikilig ako. Hahaha. Nag-kwentuhan kami sa mga nangyari nung intrams. Yung mga funny moments. 

Halos mawasak na yung ngangabu ko sa kakatawa. Grabe kasi yung pinagkwekwentuhan nila. Minsan, sumusulyap din ako kay Pat. Shet na malagket, bakit ang pogi nya? Hay.

Di rin nawala sa topic yung pananakot nila samin ni Pat. Mga lesheng kaibigan! Talagang tinatakot nila ako. Kinukwentuhan nila ako ng scary stories about sa bahay ni Pau. BAKIT SILA GANYAN?  Badterps. Tapos tatawanan nila ako! Arghh. 

After ng pagkain namin, lumabas kami sa veranda nila Pau. Pang Noli Me Tangere ang peg e! Ipagpapatuloy na namin ang paint sa props ni Blake. At ako mag-practice na ng song ko. Nasa sahig sila habang ako napili kong humiga sa duyan nila. Sarap kasi ng hangin. Taos over-looking pa yung city lights. Nag-earphones muna ako at pinakinggan ang Love Song..

Naalimpungatan ako. Omigosh! Nakatulog ako? Naramdaman kong gumagalaw yung duyan. What the hell? Hindi nya ako dinuduyan! Yinuyugyog nya ako! Fuuudge. 

Napamulat ako at patay ang ilaw! Na saan sila? Nakakalokaaaaa. Natatakot na ako! Bigla akong umupo at tumalo sa duyan. Shit!

"Hi Kate! Nagising ka ba?" Nakita ko silang tatlo sa may pinto at nakangisi!

ARGH! They scared me to death! 

Hindi Mo Pansin (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon