Kaira's POV
Walang tigil pa rin ang pag-iyak ko sa harap ng puntod niya.
Ilang araw na akong pabalik balik dito pero bakit parang hindi nauubos ang mga luha ko? Patuloy lang silang bumabagsak.
"Ang sakit sakit eh! Bakit ba kasi nangyari toh!? Alam mo ba kung gano kasakit mag-isa?! Syempre hindi!! Ikaw naman lagi ang nang-iiwan eh!" sermon ko sa kanya.
"Ang unfair unfair naman kasi eh!! Alam mo ba kung anong ginagawa nila Dustin ngayon?? Parang wala sila sa sarili nila! Lahat ng Angels ibang iba ngayon! Lahat sila galit, galit na galit!" dagdag ko pa.
Nahihirapan na akong magsalita dahil sumisikip ang dibdib ko pero wala akong magawa. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya kahit pa wala pa ring tigil ang pagluha ko.
"Little princess" liningon ako ang tumawag sakin. Nakita ko si Viel na papalapit sakin. Umupo siya sa tabi ko.
Pinunasan ko ang pisngi ko kahit wala rin namang silbi dahil may mga panibagong luha namang bumabagsak.
"I'm sorry. Kung mas napaaga lang sana ako, hindi ka sana iiyak ngayon ng ganito" malungkot na sabi niya. Umiling ako at sinubukang ngumiti.
"Hindi mo kasalanan Viel. I was there but I wasn't able to do anything. Because I'm weak! If only I was stronger... If only I can take care of myself... He didn't have to protect me" iyak ko. Niyakap nalang niya ako at dahil dun, mas lumakas ang pag-iyak ko.
"Sshhh. He chose to protect you. You shouldn't blame yourself for the decision he made" bulong niya, pero imbis na mapatahan, mas lumakas lang ang pag-iyak ko.
Dustin's POV
Tinulak ko ang isang lalaki ng sobrang lakas. Nang bumagsak siya sa lupa, agad ko siyang pinagsusuntok. Sunod sunod. Walang tigil.
Wala akong ibang nakikita kundi ang imahe ng pinsan kong nakadapa sa semento habang naliligo sa sariling dugo. Pati na rin si Kaira na tulalang umiiyak sa tabi ng pinsan ko. Sh*t!!
Nahuli kami ng dating nung gabing yun! Kung napaaga lang sana kami!! Kung hindi sana namin winalang bahala ang mga taga Pendleton! Hindi sana mangyayari yun!!
Ilang araw na kaming walang tigil sa paghahanap sa lahat ng myembro ng Black Angels! Hindi namin hinuhuli ang mga members nila, hindi rin namin pinakukulong, hindi rin namin pinapatay. Simple lang ang ginagawa naming mga Fallen Angels sa kanila. Binubugbog namin sila.
Hindi namin sila tinitigilan hanggang sa halos wala na silang buhay. Hindi na namin kasalanan kung bibigay ang katawan nila. Wala rin naman silang awa eh.
Gusto nilang makilala ang gang nila? Pinagbibigyan na namin sila. Kasi ang gang nila ang sentro ng usapan ngayon sa lahat ng bar at mga universities.
Kilala na ang gang nila sa ibang mga grupo! Yun nga lang, sila ang nangunguna sa mga black list ng mga gangs. Bakit? Dahil sila lang ang naglakas loob na ipitin ng ganun ang leader namin.
Hindi lang ang gang namin ang gustong bumugbog sa mga Black Angels na yun, lahat ng gang gusto silang bugbugin.
Gaya nga ng pagkakaalam ng karamihan, ang Fallen Angels ang pinakanamumunong gang sa lugar na toh. At dahil kinalaban nila kami, lahat ng natalo naming gang, gusto silang gantihan, pero sinabihan namin ang lahat na walang gagalaw sa mga Black Angels na yun hanggat di kami tapos sa kanila.
Isa lang ang problema namin. Hindi namin mahanap ang leader nila.
Nang matapos ako sa lalaking binubugbog ko, lumapit na ako sa tatlong Badboys na kasama ko. Lumalakad ang mga Fallen Angels by groups, Badboys at Hearthrobs.
BINABASA MO ANG
You Are My Gangster Bestfriend
Teen FictionMahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba? OO, mahirap! Mas mahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba, at kaibigan lang ang tingin sayo? OO, mas mahirap! Pero ang PINAKAMAHIRAP sa lahat, ay yung magmahal ng taong HINDI KA NAAALALA! Paano k...