Kristine's POV
Naalala ko ang mga bilin ng mama at papa ko bago ako umalis papuntang Manila. Hinding hindi ako nakakalimot sa mga paalalang sinabi nila saakin bago ako Urmalis nang manila. Yung mga bilin na gagawin mo talaga.
Sabi ni mama, kapag daw natapos kaming kumain ako daw ang maghugas nang pinagkainan namin. Huwag daw akong maging tamad. Kapag may nagawa akong kasalanan kailangan humingi ako nang tawad. Huwag daw akong gagawa nang ikakasama at ikakagalit nang iba. Maging masipag daw ako at huwag mang away. Ayan ang bilin ni mama at papa saakin kaya Hindi ko sila kakalimutan.
Mahal ko sila at araw-araw kong iniisip ang kalagayan nila duon. Sana nga okay lang sila duon eh. Okay lang naman ako dito. May nagpapahirap at may mga nambubwiset lang naman saakin. At speaking of nambubwiset. Kaka-park lang niya nang sasakyan Niya. Hindi ko na siya pinansin at umayos nalang nang upo.
Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. Naalala ko kasi yung araw na iniwan ako nang taong mahal ko nung bata palang ako. Iniwan ako ni tantan. Hindi manlang siya nagsabi. Pinagmukha Niya akong tanga sa pinagusapan naming lugar. Napansin Kong may tumitingin saakin.
Nilingin ko ang taong nakatingin saakin!? Kaganina pa kaya 'tong tukmol na ito? Kung makatingin kala mo sobrang manlait. Kumunot naman ang noo ko dahil sinamaan ko siya nang tingin. Ngumisi naman siya at lumapit saakin. Napatayo ako baka ma-rape ako nang Hindi oras.
Nang tuluyan na siyang makalapit saakin ay may dinukot siya sa bulsa niyang panyo. Ibinigay niya ito saakin , Aabutin ko na sana pero bigla niyang binitawan kaya nahulog yung panyo sa lupa. Buti may mga damo kaya hindi nadumihan.
"Ansama mong pangit Ka" sigaw ko sakaniya ay hinampas siya sa kamay.
"Aray! Napaka sadista mo naman!" Inis na sabi niya sabay hawak sa kamay niya na hinampas ko. Nang tanggalin niya ay may pasa na duon sa kamay Niya.
"Sadista ka diyan, ikaw naman Napaka bastos at bad mo" sigaw ko sakaniya. At pinulot ang panyo na kaganina pa nasa lapag.
'Pupulitin mo rin naman pala tapos manghahampas Kapa" Pabulong niyang sabi. Kahit narinig ko naman.
"Kung bubulong ka siguraduhin mong Hindi ko maririnig." Sabi ko dito at inirapan. Ipinunas ko yung panyo sa mata ko na may luha-luha pa.
"Tamo. Gagamitin mo rin," Aniya "Mabango ba? Pinampunas ko kasi yan sa---" bigla kong inihampas sa mukha niya yung panyo. Nandiri ako sa sarili ko.
"Hayop ka, bastos ka talaga. Bwiset kaaaaaaaa" Nandidiring sigaw ko at pinaghahampas siya. "Ansama mo!" Huli Kong sabi . Hinawakan niya ang dalawa kong kamay na ipinanghahapas sakaniya.
"Hoy! Anong bastos.! Pinampunas ko yan sa pawis ko!" Sabi niya at binitawan ang kamay ko. Pinulot naman niya ang panyong pinang hampas sa mukha Niya.
"Bastos ka talaga. Malay mo may germs yang mga Pawis mo!" Aniya ko.
"Wow! Walang germs ang Pawis ko 'noh, baka sayo! Ang itim mo eh" panlalait niya saakin.
"Wow! Hiyang hiya naman ako sa kaputian mo, KANO" pambabawing asar ko sakaniya. Hindi naman siya nainis at nagngisi lang. Nainis naman ako sakaniya.
"Bakit ba ang init init nang ulo mo kapag nagkikita tayo?, wala naman akong nagawang Mali." Aniya "Ampogi ko lang kasi para paginitan nang ulo.'No-" Pagmamayabang Niya.
Ewan ko kung bakit ako naiinis sakaniya. Ewan ko lang! Ampangit niya kasi, sorry lord nagsinungaling ako. Pogi na siya. Ayan. Tinitigan ko lang siya at tinitignan ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove To Player
أدب المراهقينSi Kristine ay pinag-aaral nang kniyang Tiyahin sa maynila kapalit nang pang-aalipin sakaniya. Akala niya madali lang ant lahat pero ang hindi niya inakala na mas mahirap ang pamumuhay sa manila. makakatagpo niya ang lalaking magpapaini...