Chapter 1: Surprise!!!

880 7 4
                                    

Isang ordinaryong araw para sa iba pero ito ang isa sa pinaka espesyal na araw para sa akin. It marks the day where I first fell in love and be happy with the man I love. It has been a year mula ng sinagot ko si Darius at ngayon nga ang first year anniversary namin. I'm so excited dahil nung mga panahon na nanliligaw siya sa akin he makes everything special. Pero after six months parang unti-unti na syang nawawala. I don't want to presume na baka may problema kami pero tuwing magtatanong ako sa kanya laging wala lang ang sagot niya.

My name is Jasmine Arguelles, 3rd year Architecture student. Isang ordinaryong estudyante, a Plain Jane. Kaya nga nakakapagataka na nagustuhan ako ni Darius. Siya ang pinaka-guwapo sa buong student body. "Campus Hearthrob" ika nga ng iba. Darius is the classic tall, dark and handsome, the captain of our university basketball team and he comes from a well-known family. Madaming mas magaganda sa akin sa school namin pero hindi mo naman masasabi na matalino sila. Kung tutuusin ganda lang ang meron sila at walang sentido kumon. And it was a shock to everyone ng ako ang piliin ni Darius.

Maraming nag-react noon ng malaman nila na ako ang nililigawan niya, lalo na ang fan's club niya. An MVP player courting a nobody. Parang fairytale lang ah.. Feel na feel ko noon ang pagiging si Cinderella. Madalas sabihin ng iba " Ano bang nakita sa kanya ni Darius.?" Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat na ex-girlfriend ni Darius ang lead cheerleader ng squad ng school namin.  Kaya madami ang feel na feel ang pagiging kontrabida sa love story namin.

Hmm... Kahit ako nagtataka din. I-check nga natin...

Face-  Makinis naman ang mukha ko, walang makikita any trace of pimple marks. 20/20 vision normal naman lahat ng parts ng mukha ko.

Hair- Mahaba medyo alun-alon na parang laging naka-salon. walang split ends..

Body- Hindi naman ako mataba pero hindi rin ako sexy. Hindi rin ganun katangkaran.

Ano nga kayang nakita sa akin ni Darius? Well I don’t give a damn basta I know that Darius loves me for who I am.

Ang laging sinasabi ng aking forever loyal bestfriend ,nakita ni Darius kung sino talaga ako at hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo. Masuwerte ako dahil nakatagpo ako isang lalaking katulad niya. My ideal soulmate, My Prince Charming and my Knight in Shining Armor.

And speaking of my bestfriend 30 minutes niya na akong pinaghihintay. Sasamahan niya kasi ako na bumili ng gift para kay Darius. Mamaya pa ang tapos ng klase ni Darius kaya may time pa ako para makabili. Ilang araw ko na ding napapansin na wala sa sarili si Darius at laging malalim ang iniisip. Hmm.. Siguro I’m up for a big surprise for him. It is one of the reason kung bakit ko siya sinagot. He is full of surprises.

"Jas!" sigaw ni Natalie ang aking forever loyal bestfriend .

 Wow dumating din…

“Natalie ano bang nagawa kong kasalanan sa’yo ? Tama ba namang paghintayin mo ako dito ng kalahating oras?”

“ I’m sorry bhezy, nag-extend pa kasi yung prof ko ng klase, wala daw siya next meeting kaya ayun dineretso niya na hanggang next lesson,” paliwanag nito.

“You should have texted me para naman nauna na ako sa mall and dun na lang tayo nagkita.”

“Wait girl friend reklamo lang pag my time. May I remind you ikaw ang humihingi ng favor” maarteng sabi nito at nilagay pa ang dalawang kamay sa bewang.

Niyakap ko si Natalie at medyo nilambing.

“Bhezy, I’m sorry na po. Okay lang naman po talaga sa akin na maghintay kahit isang oras pa. Promise after kong makabili ng gift lilibre kita ng favorite mong blueberry cheesecake.”

OMG: (Oh my Ghost)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon