43rd Chapter

163 14 0
                                    

[Zic]

Matapos ang dinner bumalik na rin kami sa mga kwarto namin. Maaga pa raw kami bukas kaya kailangan matulog ng maaga. Saka magbabangka pa kami papunta sa kabilang isla.

Karoommate ko sina Jace. Nagiging katropa ko na ata sila. Natutulog na sila pero ako hindi pa rin mapakali. Hindi ko sya nakita dito pero masyadong malaki ang resort nila para masiguro kong wala nga talaga.

Nagvibrate ang phone ko. Great timing, si Corrs ang tumatawag. Sinagot ko kaagad yun.

"Bro"

["How's everything?"]

"Its under control. What's happening in there?"-minomonitor din namin sya. Si Corrs ang spy ko.

["Nandun pa naman sya sa hotel. Kinukulit nga ako para itanong kung nasaan ka. Sinabi kong wala akong alam kaya wag ka munang mag-alala. Atupagin mo na lang yung kapatid ko. Sasabihin ko sayo pag may nasense akong di maganda"]

Napahinga ako ng maluwag. Yun lang naman kasi ang gumugulo sa isip ko ngayon.

" Okay bro,thanks for everything. Bye"-binaba ko na ang phone.

Blanko akong nakatingin sa kisame. Sinusubukan kong tratuhin si Yuan gaya ng dati para hindi rin ipahalata ang pag-aalala ko. Iniisip ko ang dapat kong gawin sa mga posibleng mangyari.

Binaling ko ang tingin ko sa phone ko. Nakita ko na naman ang napakagandang ngiti nya sa wallpaper ko.

Mahal ko,bakit sa ganitong sitwasyon pa tayo nagkita ulit? Bakit kinakailangang ganito kahirap?

Sorry Yuan kung masasaktan kita,pero mahal na mahal kita Yuan. Dinampian ko ng halik ang screen ng phone ko.

Good night,mahal ko.

•••••

[Pryztel]

6:00 AM, gising na ang lahat at handa na kami para sa Medical Mission at Immersion sa kabilang isla.

Grinupo kami ng teachers namin para sa anim na sasakay sa sa isang bangka.

Good thing at kagrupo namin Nina Chammy sina Zic kaya nagiging masaya ang trip namin.

Sumakay na kami isa-isa. Inalalayan ako ni Zic pasakay.

"Wow ang gentleman"-komento ni Chammy,alam nyo na di sya nauubusan ng sasabihin eh.

" Naiinggit ka?"-hirit ni Jace sa kanya. Sinimangutan sya ni Chammy. Haha bahay pala sila eh.

"Hindi no,che!"-tumuntong na din si Jace at inabutan ng helping hand si Cham.

" Ew,pwede ba hindi bagay sayo!Kaya ko ng sumakay jan no?"-ang taray talaga ni Cham.

"Ang sungit mo ikaw na nga tong tinutulungan"-magbabangayan pa yata sila eh.

" Guys!Pwede ba?!Tigilan nyo na yan. Aabutan na tyo ng high tide di pa kayo titigil?!"-naiinis na sabi ni Hyui.

"Oo nga naman. Bilisan nyo na jan,naiinip na si Miss Hyui"-may pataas-baba pa ng kilay si Kurt kay Hyui. Ako lang ba o talagang bahay din sila?

Sumakay na si Cham at sumunod na rin sina Kurt at Hyui. Sa wakas makakaalis na rin.

•••••

It took 20 minutes bago namin marating ang isang isla. Sa daungan pa lang marami ng mga bata ang naghihintay sa amin. Ang ganda naman ng salubong. Napapangiti ako sa saya kasi makakatulong kami sa kanila ngayon.

Pagkababa namin sa buhanginan nagulat ako ng bigla nalang sumuka si Zic.

"Hon!A-Are you okay?"-hinagod ko ang likod nya. Mukhang mahina talaga sya pagdating sa transportations. Kaya siguro ayaw nya dito.

Inabutan ko sya ng tubig para imumog at saka panyo. Mukhang nanghina talaga sya. Kaya pala tahimik sya buong byahe.

Nang mahimasmasan na sya saka sya nakapagsalita.

"I'm fine hon. Don't worry"-sabi nya. Ayan ang dami kasing kinain kaninang agahan.

" Oh?What happened to Kyu?"-tanong ni Chammy ng mapansin kami.

"Nagsusuka sya."-sagot ko.

" What?May nakain ba syang kung ano?Baka nasira ang tyan nya!Patay Baka nakakain din ako nun!Baka maduwal din ako!"-this paranoid.

"Pwede ba Cham wag kang magpanic. Allergic lang sya sa transportation okay?"

"Ay okay sabi ko nga pupunta na kami dun hahaha sunod nalang kayo okay?Bye!"-naparoll eyes nalang ako. Hayys.

" Kaya mo na maglakad?Let's go"-inalalayan ko sya at naglakad na nga kami patungo dun sa pagdadausan ng mission at immersion namin.

•••••

Nag-eenjoy ang lahat sa ginawa naming palabas para sa mga bata. Hindi lang for entertainment ang purpose namin kundi para at the same time,may matutunan ang mga bata.

Namigay ng libreng check-up para sa mga matatanda at may sakit ang mga kasama naming doktor. Nagpalibreng bunot ng ngipin na rin sila. Tumulong naman kami dun saka namigay din ng kaunting tulong na mga goods para sa kanila.

Nakakagaan ng loob na makita silang masaya kahit sa kaunting bahay na naihahandog namin sa kanila. Nakakawala ng pagod makita ang mga batang nangingiti ng ganito.

Solve na.

Pinunasan ko ang pawis ko. Katatapos ko lang kasing ipamigay yung goods nang may batang lumapit sa akin.

"Ate ate"-tawag nya sa akin.

" Oh,bakit baby girl? "-umupo ako para maabot sya.

" Pinapabigay po ni kuya pogi"-tinuro nya si Zic na kasalukuyang nakikipaglaro sa kanila. Napangiti ako ng bahagya sa inabot nung bata. Isang bracelet na gawa sa seashells at perlas.

"Wow,ang ganda,ikaw ba ang gumawa into baby girl?"-tanong ko sa kanya. Umiling sya.

" Sya po. Nagpaturo sya sa amin"-lumukso ang puso ko sa effort na ginawa nya.Ang sweet lang. Palihim akong kinilig.

"Ganun ba? Hmm,pakisabi baby girl,salamat"-tumango yung bata at tumakbo pabalik sa kanya. May sinabi ito kaya napatingin sya sa akin.

Nagkangitian lang kami. Isa pa tong nakakapagbigay saya sakin. Medyo nakakaramdam na rin ako ng takot at pangamba.

Totoo na ang nararamdaman ko sa kanya.Di ko na kayang itanggi pa yun.

At natatakot akong matapos ang pagpapanggap namin saka nya ako iiwan.

Pero kahit ganun wala akong pinagsisisihan. Dahil masaya ako dahil sa kanya. At nagmamahal akong muli.Handa na akong magmahal ulit.

•••••

Vote.Share. comment. Salamat po.

xoxo

DerpyYeolie

My Fictional BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon