Chapter Six

840 39 4
                                    


Hindi parin maalis sa isip ko ang Email ni Rick. Yung tipong andami mo nang iniisip dumagdag pa siya. Nakakaloka! Di ko tuloy maalis sa isip ko na kung siguro dati niya pa sinabi sakin di ako nainlove kay Zack. Di ako nainlove sa taong umalalay sakin nung times na broken hearted ako dahil sa kanya. Kung hindi siya umalis, di ako maiinlove sa iba, kung di ako nainlove sa iba, di ko sana mararamdaman na parang pinagtataksilan ko si Lina dahil meron akong hidden feelings sa boyfriend niya. Pambihirang Rick talaga. Pambihirang lalake yan.

My vacation is finally over. To be honest, masaya ako na papasok na ulit ako sa trabaho at madidivert ang isip ko sa ibang bagay. Sa wakas hindi lang email ni Rick ang maiisip ko.

Parang ang bagal ng panahon. Parang ang bagal ng mga bawat araw. Siguro dahil wala na akong inaabangan araw araw na bagong pwedeng mangyari. Naging routine na ang lahat. Pero do not get me wrong, I am happy with my life. Masaya ang buhay kahit may mga pagsubok. That's life.

                                                             ************************

10:30am na. Naghihintay pa din ako sa office ni Mr Mark. Halos dalawang oras na ako na naghihintay sa pagdating ng anak niya. Labas pasok ako sa office para makipagmeeting sa upcoming event committee para sa nalalapit na Annual Grand night. As Senior Marketing Assistant of Mr Mark, sa akin manggagaling ang approval for all plans and details. Isa sa pinaka malaking party ito ng company. Dito binibigyan ng appreciation ang mga employee na nagpakita at patuloy na nagpapakita ng excellent work ethics. Invited lahat ng malalaking investors, naging client at mga current clients so definitely everything must be perfect! At ngayon imbis na nakafocus ako sa meeting for the planning, pasulpot sulpot lang ako dahil sa kakahintay sa anak ng boss ko.

"Catherine"  I heard Mr Mark call my name as I enter his office again for the 6th time.

I wore my best smile as I approach Mr Mark's desk. Syempre first impression last kaya dapat unang tingin pa lang sa akin mukha na akong karesperespeto.

I was about to extend my hand for a handshake when the nameless son of my boss turn around to face me.

We were both shocked! Napaatras ako sa pagkagulat ko. Sa dinami dami ba naman ng pwedeng maging anak siya pa? He smirked and turned his back to face his father.

"I met her!" - He said pointing at me.

I wanted to melt that very moment! Please kalimutan mo na kung saan mo ako nakilala. Please kalimutan mo na.

He laughed a quick laugh and faced me again.  "I know you!"

Isang hakbang  palayo. Konti nalang tatakbo na ako palabas ng office. I can see the confusion in Mr Mark's face.

"Yes!"  He slapped his hand on the table.  "I knew it. Ikaw nga yun!"

Isa pa ulit na hakbang palayo. Umiling ako habang nakangiti. Napako na ang ngiti sa mukha ko. Di ko magawang magpalit ng expression sa bilis ng mga pangyayari.

"Ms I'm not interested!" - He finally blabbed it out. Nakakahiya na tinawag niya ako sa pangalan na iyon!

Kumunot ang nuo ni Mr Mark at tumayo... "Cleary, magkakilala kayo."

"No." Dalidali kong sagot.

"Ohh yes..." Sagot naman niya sa tatay niya. "We met once. Sa isang restaurant." Tumingin siya sa akin at di ko mapigilan na mapatingin din sa kanya. Ang gwapo ng lako! John Llyod Cruz ang pormahan! Blue americana,  white fit Tshirt, maong pants and black topsider. Teka lang naman! Sa office ba ito pupunta o sa photoshoot? Anlakas makaartista ng datingan! Pero focus. Hindi pwedeng maside track!

Umupo ulit si Mr Mark habang tinuturo ang upuan na nasa harap ng hambog niyang anak. I guess its time to face the truth, katotohanan na tinarayan at nabastos ko ang anak ng amo ko. Pero kung tutuusin patas lang naman kami dahil nauna siya pakitaan ako ng hindi maganda.

"Yes, Mr Mark, we met once. In his restaurant."

Mr Mark raised his eyebrows in question... "Restaurant?" He asked in confusion. "You owe a restaurant?"

Ngumiti lang ang hambog na lalaki at umiling.  "No dad, I was only joking her."

Ang kapal ng mukha! Sobra! Grabe ang lalaking ito! Close ba kami para biruin niya? Ou gwapo nga siya  pero ang ugali napaka panget. No I am not judging him, what I am saying is based on his actions. The mere fact na magfeeling siya na may-ari  ng isang restaurant na yun? Huh, kala niya siguro di niya na ako ulit makikita.

"Ahh okay okay. Anyway son, you will be working with Cath here for a few weeks or until you have adjusted. As you know, I will be leaving for a few months so I really need you to stay here in my absence."  Mr Mark handed me and his son a folder.  "This was prepared by my personal secretary, andyan lahat ng mga agendas and things that needed to be accomplished while I'm gone. Both of you have your own copies. Written their as well are the things that my son here needs to know and learn here."

His son nodded, took the folder and flipped a few pages. "Great, I am excited to work with you. Cath right?"  He smirked.  "Should I call you Ms Cath? Or Ms I'm not interested?"

I faked a smile. Deep inside kumukulo na ang dugo ko sa inis...  "I'm Catherine Summer Buentura. And yes, you can call me Cath."

Di ko mapigilan ang pagtaas ng kilay ko...  "Well, nice to meet you Mr Ian... It is Mr Ian right? Or is that fake as well?"  I asked sarcastically.

He smiled and stood up while stretching his hand for a handshake.  "Yes, I am Ian. Jacob Ian Savares."

I shook his hand and again faked a smile. This does not mean I like him. This just means. I am being civil. I am not being nice. I am just being proper. Anak siya ng boss ko at after a few days, after a few trainings amo ko na din siya.

This meeting proved me right. First impressions last.

The Awkward Meet Up: When Ms Sungit Meets Mr Hambog   #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon