Right Ways to do the BREAK-UP THING

97 0 0
                                    

Hindi naman madali makipag-break lalo na kung aning-aning ang naging partner mo. May tamang paraan syempre. Hindi 'to yung bigla mo na lang sinabing BREAK NA TAYO tapos BOOM break na nga kayo. Ano ka bale?

Mahiwagang tips mula kay LITTLE ELF. Sana may mapulot kayo. Kung wala, may susunod pa. Dun ka na lang pumulot. LOL! :D

TIPS #1

Dapat 101% SURE kang ibe-break mo nga s'ya. Kung HINDI ka pa sure, at nagtatatlong isip ka pa, (Hindi nagda-dalawa, gusto ko tatlo eh. Bakit ba?) HUWAG MO NG BALAKIN PA, baka ibigti lang kita o kaya ipa-ambush papuntang Zamboanga o Syria. Mamili ka na lang.

TIPS #2

You should have a VALID REASONS. A VALID! Hindi yung naisipan mo lang tapos yun na yun. Hindi din dahil nagsasawa ka na o nasasakal ka na sa relasyon n'yo, pero pwede din to kung talang nasasakal ka na at hindi na talaga makahinga. Aba, maaga kang mamamatay.

WHAT is VALID REASONS? Yung HINDI MO NA S'YA MAHAL? Pwede, ano pa't pinapatagal mo pa kung hindi mo na s'ya mahal. Parehas lang kayong masasaktan sa ginagawa mo. Peo pag sinabi mo naman 'to sana naman IN A GOOD WAY.

Eh yung dahil MAY IBA KA NG MAHAL? Panigurado, sampal ang abot mo dito. HINDI pa nga kayo nagbe-break may MAHAL KA NG IBA, kung ako yun talagang makakatikim ka sa akin ng mag-asawang sampal.

Eh kung sasabihin kong may SAKIT ako o kaya TUTOL ANG MAGULANG ko? Valid na ba yun?

Una nasa real life situation tayo at wala tayo sa Korean Dramas.

Pangalawa, kung sasabihin mong may SAKIT ka at may TANING na ang BUHAY mo, why not spent the rest of your life with him/her. Alam ko masasaktan kayo, pero atleat HANGGANG HULI, may nagawa kayo for eah other. CREATE MEMORIES AND TREASURE IT FOR THE REST OF YOUR LIFE.

Pangatlo, kung TUTOL naman ang mga magulang mo sa relasyon nyong dalawa, Aba, sabihin mo "SILA na lang ang makipag-relasyon at ikaw naman ang magiging magulang nila." Syempre, alam ko namang hindi mo masasabi yan at baka mapatay ka pa nila.

Ang punto ko lang eh, PUMASOK ka dyan sa relasyon na yan, ke-GINUSTO mo o HINDI, PANINDIGAN MO. Porke't ba tutol sila SUSUKO ka agad? Hindi syempre. IPAGLABAN mo.

At anong magandang reasons? BE TRUE TO YOURSELF. Wala naman makakapagsabi kung ano talaga ang nararamdaman mo at sa huli nasa iyo pa rin ang DESISYON.

SET HIM/HER FREE kung alam mo namang HINDI KA NA DESRVING for HIS/HER LOVE. Magpakatotoo ka lang sa SARILI mo at sa kanya at makakamtam mo ang kaginhawaan. Lol! :D

TIPS #3

Wag na wag na wag na wag na wag na wag na wag (WAGWAG! Yung klase ng bigas! Korny >.<) Wag na wag kang makikipagbreak gamit ang iyong mahiwagang CELLPHONE. Wag ka sa text o message makipag-break! Bakit cellphone ba ang syota mo? Hindi naman.

MANINDIGAN ka! Ang lakas ng loob mo diba? BE MAN ENOUGH!

Maniwala ka pag ginawa mo 'to, lalo ka lang nyang kakamuhian ng taong yun. Mula sa pagtulog mo sa gabi at paggising n'ya sa umaga, minumura at pinapatay ka na nya sa isip nya. Sabi nga I CURSED YOU TO DEATH!

Kung gusto mo ng WORLD PEACE este PEACE OF MIND, harapin mo s'ya. PERSONALAN, FACE TO FACE at sabihin mo sa kanya. Lahat naman nadadaan sa maboteng usapan. Isang TANDUAY ICE lang katapat nyan. Chos!

Oo mahirap pero NO CHOICE LADIES CHOICE ka. Sabihin mo kung ano yung reasons mo kung ANO, PAANO at BAKIT. Huwag kang DUWAG men!

LOVE: Syntax ErrorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora