Love Letter

628 27 18
                                    

LOVE LETTER

by: Casanovamanhater

**********

"Dear Ren"

"Hi! hehe hindi ko alam kung pano mag sisimula, kasi ano , matagal na kitang crush,wag ka sana magagalit hindi naman kita guguluhin gusto ko lang sabihin sayo na matagal na akong may gusto sayo, simula pa 1st year tayo lagi na kitang tinitingnan, kasi una ang bait bait mo hindi ka mayabang katulad ng ibang boys dito sa campus, pangalawa ang talitalino mo pa ikaw nga ang 1st honor sa room natin, pangatlo ikaw din ang campus crush sa school, sorry ha kung isang tulad ko din ang mag kakagusto sayo , sana maging friends tayo, Happy Valentines Day :) "

******

Valentines day na bukas, at may paniniwala dito sa school namin na pag binigyan mo nang love letter yung taong mahal mo sa loob ng apat na taong pag sasama nyo sa school eh magiging kayo. Lalo na pag 1st time mong mag bibigay ng love letter sa kanya at yung sulat mo ang una nyang makikita kaya gumawa ako ng love letter para sa taong mahal ko, na sa kasamaang palad eh, hindi kami. Kahit na friends hindi din, classmate ko lang sya ,gusto ko man syang kausapin hindi ko magawa kasi sobrang inuunahan ako ng kaba ko.

Ang laking sayang hindi ko nga din alam kung maibibigay ko sa kanya yung love letter na ginawa ko.

Nahihiya kasi ako, baka pagtawanan nya din ako, ay hindi siguro, hindi sya yung lalaking maangas oh mayabang, ang gwapo nya lang at cute din, mahiyain at palangiti, hindi mo din naman masasabing bakla sya kasi iba ang tindig makalaglag puso sya.

Wala naman sigurong masama kung bibigyan ko sya ng love letter diba , wala naman akong masamang intensyon.

"Sen anong ginagawa mo?"nagulat ako nung biglang lapit ng isa kong classmate agad agad ko tuloy tinago yung ginagawa kong love letter.

"W-wala"sagot ko at agad na tumayo para umalis sa room.

Lalabas na sana ako ng room nang may makabangga ako.Hinimas himas ko yung noo ko at pag tingin ko sa nakabangga ko.

O_O ow ghad!!!! agad akong namula >_< .

"So-sorry Ren" >_< tapos tumakbo ako papalayo.

"Sen sandali" mahinahon na sabi nya, ang cute ng boses nya!!! kyaaaaaaah!!! at TINAWAG NYA AKO!! TINAWAG NYA KO!! ok ako na ang OA! dahan dahan akong napaharap sa kanya.

"B-baket?"

Ngumiti muna sya sakin.

"May nalaglag kang papel eh" tapos umakto syang pupulutin yun.

"KYAAAAHHH!!!" napasigaw ako dahil love letter ko yun!.

Mabilis kong pinulot yun at nagulat sya sa kinilos ko, kaya napataas ang kilay nya pero bumalik din agad sa pagiging mahinahon tapos ngumiti ulit sakin.

"Love letter?? sorry importante pala yan, buti hindi ko nabuksan baka kasi hindi kayo magkatuluyan ng crush mo hehe,, Goodluck".

Tapos nagkamot ng batok tapos ngumiti ulit sakin.

Nagulat ako sa sinabi nya.

Tapos lumakad na sya papalayo.

"OH MGA 4TH YEAR ETO NA YUNG CARD, goodluck sa inyo".

Biglang sabi ng principal namin tapos inabot nya samin yung card na pag lalagyan ng name ng crush namin nagulat ulit ako nung saktong nagsabay kami ni ren ng pagabot ng card kay maam.

"Ay sorry sige una kana" sabi nya nanlumo ako.

Kasi ang mga tatanggap ng card nayun ibig sabihin may pag bibigyan ng love letter. Ang hindi naman tatanggap eh walang crush sa school na ito yung iba naman may mga kasintahan na.

Love Letter [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon