The new student

0 0 0
                                    

Habang naglalakad sa hallway papuntang guidance office malapit sa board, kung saan nandoon ang list ng new students at sections namin, bigla akong tinawag ni Mike.

" Rani!"  sigaw nya

"Oh pre? Bakit?"

"Wag mo ng tingnan kung anong section ka, magkaklase pa rin tayo nila Nathan at Audrey"


Tumango naman ako sa sinabi nya.


Matagal ko ng nagiging kaklase sina Mike, Nathan, at Audrey.


Kaya hindi na bago sa akin yun.



Tumambay muna kami sa canteen, hinihintay yung dalawa.


"Class A-1 pa rin ba tayo?" tanong ko sakanya


"Oo naman. Hindi naman tayo nawawala sa A-section" pag sisigurado ni Mike


Maya-maya pa, bigla ng tumunog ang bell, signal na dapat ng pumasok ang mga students sa kanya-kanyang room.



Sakto namang dating nila Audrey at Nathan.

"Ang tagal nyo?"

"Pinatawag kasi kami ni Ms. Lu kanina, para iwelcome lahat ng new students"




New students? Bakit sa dinami-rami ng schools dito sa lugar namin, bakit dito pa nila naisipan mag enroll?
Hindi ba nila alam ang baho ng sikreto na tinatago ng school na to?



Kung pwede nga lang akong lumipat, matagal ko ng ginawa eh. Pero hindi ko naman pwedeng iwan ang mga kaibigan ko.



Hindi kasi nila alam ang sikreto ng school na to'



Ako lang ang tanging estudyante na nakakaalam ng bagay na matagal ng itinatago ng paaralang ito.



Dahil lahat ng sangkot sa pangyayaring iyon, graduate na.


Yung iba naman, nag transfer na ng school.



***

Kasalukuyan kaming nasa room ngayon.

Vacant seat ang katabi ko.


Syempre pag first day of class, pinaka ayaw ng mga estudyante dito ang umupo sa unahan at makita ang pagmumuka ng mga guro dito compare sa ibang students sa ibang school.

Sina Mike at Audrey naman ang magkatabi sa 2nd row.


Habang si Nathan, nakapwesto sa 4th row.


Maya-maya pa ay pumasok na si Ms. Castro sa room namin, para i-introduce sa aming lahat ang bago naming kaklase.


"Goodmorning class, as you can see, kasama ko ngayon ang magiging kaklase nyo na from now on. Let's all give her a warm welcome"


Matapos naming bumati sa "new classmate" namin, agad naman syang nagsimulang magsalita para ipakilala ang sarili nya.


"Im Avy Dela cruz. I'm from Sto.Tomas National Highschool, and I'm currently living with my grand parents. Wala na akong magulang. That's all"  sabi nya habang nakayuko.



Hindi ko masyadong makita ang mukha nya kahit nasa unahan na ko nakaupo dahil natatakpan to' ng mahaba nyang buhok, mga hanggang bewang.


Pero mapapansin sakanya ang maputla nyang labi at walang buhay na boses.



Pinaupo sya ni mam sa tabi ko.



And as a former student, nakipagkilala ako sakanya, since magiging seat mate ko sya sa buong quarter.



"Hi! I'm Rani Ezekiel, but you can call me rani for short" bati ko sakanya with matching smiley face pa.



But all she did was just stare at me.



Iba ang pakiramdam ko sa tingin nya sa akin.



Bigla akong nakaramdam ng bigat sa pakiramdam at bigla akong nahilo.



Nawala lang ang lahat ng yon nang pumasok na sa room namin ang science teacher namin.


×××××××××××××

Hi readers! Just wanna say please support my first ever story na "mystery/horror/romance"
Mahilig talaga akong mag experiment ng stories at mag mix up ng iba ibang genre ng story. Thats all! :) x

P.S

Shout out to all my co-directioners out there!!!! Especially sa harry's girl hihihi :) :*

Death Call : The MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon