We're currently here in science lab.
First day palang pero ang dami na agad ganap sa school.
Kasama ko sa table 4 sina luis, francyne, aldrin at nathan.
Habang nag didiscussion, hindi ko maiwasang mapatingin kay Avy na nasa unahan nakaupo kasama sina Audrey at iba pa nilang ka group.
Nakatitig lang sya sa kawalan, habang pinapalo palo ng mahina ang lap nya.
There is something about Avy that I need to find out.
I have a strong feeling that kaylangan kong malaman kung ano ang tinatago nya o kung may tinatago nga man sya.
"Tapos ka na bang titigan si Ms. Dela Cruz, mr. ezekiel?"
Nagulat naman ako sa sinabi ni Ms. Castro at agad namang nag hiyawan ang buong klase, dahilan para mapatingin sa akin si Avy.
***
Paglabas namin kanina after ng science, dumiretso na kami sa canteen dahil recess na.
Kasama ko asussual sina nathan, mike at audrey.
Kung idedescribe ko ang itsura nilang tatlo, si Audrey mga 5'1 ang height, medyo slim, suot palagi ang reading glass nya at palaging nakangiti.
Friendly kasi sya. Minsan nga lang masungit pag nasumpungan.
Si Nathan, matangkad, medyo di kaputian dahil sa pagba basketball nya.
Seryoso palagi ang mukha.Si Mike naman, sya ang pinaka kwela saming apat. Palagi lang nagpapatawa.
Minsan nga lang nagiging pilosopo na.At ako naman ang pinaka matured mag isip sa aming apat. Compare kay Nathan, seryoso din ako madalas pero ang dahilan naman non' ay palagi akong nag iisip ng bagay bagay.
Sobrang curious, kung tawagin.
"So guys, wala sina mom and dad mamaya sa bahay. Sleep over?" Yaya ni Mike.
"Di ako pwede eh. Aalis kasi si mommy, and binilin nya ko kay yaya" paliwanag ni audrey habang kinakalikot ang dala nyang libro.
"So, nathan? Rani? Ano pwede kayo? Boring kasi sa bahay eh"
Nagtinginan naman kami ni Nathan.
"Sige" sabay naming sinabi.
***
Mabilis lang natapos ang mag hapon.
Medyo nakakpagod din ang araw na to, kaya pagkatapos ng klase dumiretso agad kami sa bahay nila mike.
At tulad ng sabi nya kanina, wala ang parents nya.
"Ang aga pa ah. Umalis na agad parents mo? San ba punta nila? Meeting?" tanong ni nathan habang nakahiga sa sofa.
"Di ako nainform ah, may interview pala ako ngayon" pagpipilosopo ni mike, dahilan para mapikon si nathan.
"Tong dalawang to' pag untugin ko kaya kayo"
Tinawanan lang naman ako ng dalawa.
After naming kainin ang pinadeliver ni Mike na pagkain, umakyat na kami sa kwarto nya para maglaro ng x-box.
Silang dalawa nasa may paanan ng kama habang naglalaro ng x-box.
Ako naman nagla-laptop lang sa study table ni mike.
Kaharap ng table ni mike ang bintana.
Kaya kita ko mula sa kwarto niya ang katapat bahay nila.
Napasilip ako sa tapat nila, at nagulat sa nakita ko.
"Oh bakit? Para kang nakakita ng multo?" takang tanong nung dalawa.
"Higit pa sa multo" bulong ko pero rinig pa rin nung dalawa, dahilan para lumapit sila at silipin ang nakita ko.
"Oh? Anong meron sa nakatira sa tapat?" tanong ni nathan habang nagkakamot ng ulo.
Agad naman akong humarap kay mike.
"Pre, hindi mo ba kilala kung sino ang nakatira dyan sa tapat nyo?"
"Huh? Well sa pagkaka tanda ko naman eh may bagong lipat dyan sa tapat namin. Actually kahapon pa may naglilipat ng gamit dyan. Di ko lang pinapansin. Sandali, bakit ba anong meron?"
"Yung nakatira kasi dyan...sina Avy"
Nanlaki naman ang mata ng dalawa.
Sumilip ulit si nathan, "talaga pre? Nakita mo?"
"Oo, kaso ang pinagtataka ko bakit ang tahimik sa bahay nila?"
"Bingi ka ba rani? O sadyang bingi ka lang talaga? Di ba nga sabi kanina ni Avy, lolo at lola nalang nya kasama nya, so it means natural lang na tahimik sa kanila" pagmamarunong ni mike.
"Well may point naman si mike, rani. Wag mo nalang pairalin yang curiousity mo"
Alam ko namang may point si mike. Pero hindi ko kasi sinabi ang totoong nakita ko kanina nung sumilip ako.
Totoo kasing nakita ko si Avy.
Yun nga lang nung makita ko sya, para bang may humahabol sa kanya.
Kasi lingon sya ng lingon habang naglalakad tapos di mapakali.
BINABASA MO ANG
Death Call : The Mystery
Mistério / SuspenseNagsimula ang lahat sa katuwaan. Wala silang ideya na sa simpleng katuwaan na iyon magsisimula ang lahat. Lahat ng kinakatakutan. Bangungot? Kamatayan? LAHAT. Ngunit sa pagpasok ng panibagong estudyante Lahat ng pilit tinatakasan, masisiwalat. L...