Inutusan ako ni Ms. Villanueva, teacher namin sa music, na kumuha ng instruments sa music room.
At dahil madaming instrument ang kaylangan, kaming dalawa ni nathan ang inutusan.
"Malas naman oh. Sira yung elevator" pagmumukmok ni nathan.
"Tara hagdan na tayo"
Nagsimula na kaming umakyat ni nathan.
"Umagang umaga nautusan agad"
Di pa rin matigil ang bibig ng lalaking to.
Maya-maya pa nung nasa 3rd floor na kami, malapit na sa music room, biglang tumigil si nathan sa paglalakad.
"Oh problema mo?" Tanong ko sa kanya.
Pero sa halip na sumagot sya, nakatulala pa rin sya.
"Hoy ano bang problema mo? Mukha kang ta-"
"Naririnig mo ba yon?"
Bigla naman akong nanahimik.
"May umiiyak.." bulong ni nathan.
Agad ko rin namang narinig.
Sinundan ko kung saan galing ang tunog, sa may theater room, katapat ng music room.
Nagtinginan kaming dalawa.
"Tara tingnan natin"
Tumango naman sya.
Papasok palang kami pero iba na ang pakiramdam ko.
I have a strong feeling na hindi kami dapat pumasok dito.
Pero dahil sa curious din naman ako, I'll go and take the risk.
Pagpasok namin, wala namang tao.
Kaya naisip namin na baka guni-guni lang namin yon.
Nauna nang lumabas si nathan.
Nahulog kasi yung wallet ko kaya dinampot ko pa.
Palabas na rin ako nang may sumitsit sa akin.
Lumingon ako.
Inexamine ang paligid pero wala namang tao.
"Pagbabayaran nyo ang ginawa nyo sakin" bulong nya.
Nagsimula na akong kabahan.
Nagsimula na din magtaasan ang balahibo ko.
Oo hindi ko sya nakikita, pero alam kong nandyan lang sya.
Pinapanood ako.
Sinusundan ako.
Pilit akong pinagbabayad sa hindi ko naman kasalanan.
Pilit akong pinapaamin sa bagay na hindi ko naman ginusto.
Ayokong malaman nilang lahat ang tungkol sa pangyayaring iyon.
Ayokong masira ang tingin ng lahat sa akin.
Pilit ko mang maging normal ang takbo ng buhay ko, hindi ko magagawa.
Hindi ko magagawa hangga't hindi ko napagbabayaran ang lahat.
-------
Hi readers! Just wanna know if ano sa tingin nyo ang matagal ng tinatakasan ni rani ezekiel and anong kinalaman nito sa pagpasok ni Avy sa school nila?
Just comment your thoughts! All the loveeee x
BINABASA MO ANG
Death Call : The Mystery
Mystery / ThrillerNagsimula ang lahat sa katuwaan. Wala silang ideya na sa simpleng katuwaan na iyon magsisimula ang lahat. Lahat ng kinakatakutan. Bangungot? Kamatayan? LAHAT. Ngunit sa pagpasok ng panibagong estudyante Lahat ng pilit tinatakasan, masisiwalat. L...