Wattpad Original
Mayroong 19 pang mga libreng parte

Chapter 7: Light of Necklace

255K 9.5K 1.6K
                                    

DUMATING na naman ang araw ng Lunes na aming kinatatamaran. It only means na mami-meet na naman namin muli si Sir Ernie.

"Makikita na naman natin 'yong gurang na 'yon," naiinis na sabi sa akin ni Bea habang nagbibihis na kami.

Simula no'ng patakbuhin kami ni Sir Ernie sa quadrangle ay nainis na sa kanya ang buong section namin. "By the way, anong balita sa form na ipinasa natin doon sa White Soldiers?"

"Magpapadala raw sila ng sulat kapag pumasa ka naman. Maybe after a week. Maraming nag-try sa White Soldiers kasi iyon daw ang pinakamalakas na family rito sa Altheria." Napatango-tango naman ako sa kanyang sinabi.

Noong matapos na kaming magbihis ay naglakad na kami palabas ng dorm at pumasok sa una naming klase which is kay Sir Ernie.

Masaya kaming nag-uusap na magkakaklase dahil wala pa naman si Sir. Habang nagkukuwentuhan kami ay bigla kaming napatigil nang biglang lumapit sa akin si Charly, ang isa sa kambal.

"M-may problema ba?" pagtatanong ko sa kanya pero mas lalo niya lang inilapit ang mukha niya sa akin. Kinakabahan ako dahil parang inuusisa niya ako.

"Nakita kong kumislap ang kuwintas mo kanina," sabi niya. "Nalaman mo na ba ang specialty mo?"

Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Charly and at the same time natatakot. Hindi ko alam ang sinasabi niya dahil hindi ko naman napansin na kumislap ang suot kong kuwintas lalo na't busy ako sa pakikipagkuwentuhan sa iba kong kaklase.

"Hindi kita maintindihan." Nasasaktan na ako sa pagkakahawak ni Charly. Ewan ko ba kung bakit sobrang big deal sa kanya ng pagkislap ng kuwintas ko. "Ano ba, Charly! Nasasaktan na ako!"

"Hindi mo ba siya narinig?" Biglang malakas na tinapik ni Red ang kamay ni Charly at nabitiwan niya na ang braso ko. "Nasasaktan 'yong tao," malamig ngunit may pananakot na sabi ni Red.

"What's going on here?" Biglang dumating si Sir Ernie at inilapag ang kanyang gamit sa desk. "May problema ba?"

"Sir, kumislap po 'yong kuwintas ni Jasmin," pagsusumbong ni Charmaine na parang siya ang nakakita. Masyadong sipsip 'tong kambal na 'to.

"Maybe nagsisimula nang magising ang magi sa katawan ni Jasmin. Normal lang 'yon." Napatingin sa akin si Sir Ernie at seryoso akong tinitigan. "Pero in just a period of time na magising mo ang magi, you're a special student, Jasmin. Ikaw pa lang ang nakikita kong estudyante na nagawang pakislapin ang kuwintas in just a week."

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Sir. Tiningnan ko naman ang kuwintas na nasa aking leeg pero wala pa rin naman itong kulay. Siguro ay namalik-mata lang si Charly. Imposible naman na maging special student ako. Nahihirapan nga ako sa mga physical and mental activities eh.

"Okay, class, proceed to the quadrangle now," sabi ni Sir Ernie. Maraming mga nagreklamo at napapasigaw na lang sa inis. "Pupunta kayo sa quadrangle o gusto n'yong hindi na tayo magkita-kita pa next semester?"

Dahil nga sa pananakot ni Sir ay nanlulumo kaming lahat na lumabas ng classroom. "Bwisit talaga si Sir. Walang kakonsi-konsiderasyon sa katawan," pagpoprotesta ni Bea.

Nang makarating na kami sa quadrangle ay agad kaming pumila. Ipinaliwanag sa amin ni Sir na kailangan naming ikutin ang quadrangle nang sampung beses samantalang noong first meeting, limang ikot lang. Pero this time, kinakanta raw namin 'yong awiting pambata na "tatlong bibe." Hindi ko alam kung saan napulot ni Sir ang ka-corny-han niya sa katawan. It's disgusting.

"Kapag hindi ko narinig ang kanta n'yo, madadagdagan ng tatlong laps ang gagawin n'yo. Maliwanag ba?" Wala sa aming sumasagot bagkus ay nakarinig ako ng sunod-sunod na buntonghininga galing sa aking mga kaklase. "Maliwanag ba!?"

Altheria: School of AlchemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon