45th Chapter

161 16 0
                                    

•••••

[Pryztel]


"Wuhoo tama na yan lovebirds haha. Awat na pangforever na yan. Si Pryz na"-kumalas na kami sa pagkakayakap. Napatawa kami ng bahagya. Ako na nga pala.

Nag-isip ako kung sino sa mga kaklase ko ang pag-oopenan ko ng nararamdaman,until my eyes stopped in her direction.

" Uhm,this is not a rant but this is a reconciliation message to someone na gusto kong maging kaibigan ulit. Hajie,"-napatingin ang lahat sa kanya pero sa akin sya nakatingin. Hindi na ako galit sa kanya. Wala na akong nararamdamang inis o ano.

"...I'm sorry. We were friends back then. Good friends,no best friends.Hindi ko alam kung bakit bigla nalang tayo nagkaganito. Alam kong galit na galit ako dahil sa ginawa mo pero at the same time narealize ko na rin na baka may pagkukulang din ako kay Jade na nakita nya sayo. Hajie pwede bang kalimutan nalang natin ang lahat?Gusto ko bago man lang matapos ang high school year natin,magkaaayos na tayo at ibalik na ang friendship natin. Tatanggapin mo ba ulit ang pagkakaibigang inooffer ko?"-tinitigan ko sya ng seryoso. Hindi man lang sya umimik.

" Oo na yan!Oo na yan!"-cheer ng mga kaklase namin.

Tumayo ako at nilapitan sya. I hugged her. Bahala na kung sabunutan nya ako o ano. Hindi nya ako niyakap at tahimik lang sya. I'd take that as a yes.

Kumalas ako at ngumiti sa kanya. Ganun pa rin ang ekspresyon nya. Bumalik na ako sa kinauupuan ko.

Gumaan na ang loob ko. Yun lang naman ang gusto ko sa ngayon.Ang tapusin ang anumang hidwaan namin ni Hajie.

Nagpatuloy ang katuwaan. At sina Cham at Hyui na ang kasunod.

"Ahem!Itong sasabihin ko at para sa bruha kong kaibigang si Hyui. Humanda ka rant to"-pagsisimula ni Chammy at tumawa lang kami kasi halata naman na di sya seryoso.

" Hyui,alam mo bang nakakainis ka?Alam mo naman na ako ang legal wife ni Corrstin di ba?Hipag ko na si Pryz tapos nakikisawsaw ka pa?Please naman dumistansya ka na para may happy ending na kami ni baby Yuki ko"-napailing nalang ako sa pinagsasabi nya. Dead na dead sa kambal ko parang ewan.

"Oy kapal mo ah?Anong legal wife?Excuse me una syang naging akin at nasa akin ang basbas ni Pryz. Ako ang mahal ni Corrs so shut up ka nalang"-muntik ng magrambulan ang dalawa. Hayy ang nonesense talaga ng dalawang to.

" Oy girls bat nyo ba pinag-aawayan si Yuki,nandito naman kami ni Kurt,sexy,free,and single"-singit ni Jace.

"Che!"-sabay na sabi nina Hyui at Chammy. Tumawa lang kaming lahat. Pasimpleng moves din eh.

Pinagpatuloy lang namin ang kasiyahan. Hanggang sa si Jade na ang sumunod.

Nakinig lang kaming lahat sa kanya.Pinatawad ko na si Hajie, pero si Jade,hindi ko alam.

" May gusto akong sabihin sa taong nagawan ko ng isang malaking pagkakamali."-nagkatinginan kami,mukhang di lang ako ang nag-aassume na para sa akin ang sasabihin nya.

"Pryz, I know its not easy to forgive me. I broke you, napahiya ka sa buong campus,sinira ko ang image mo. Nagpakagago ako at sinaktan kita. But Pryz, I am deeply sorry. I just thought our relationship won't work and natakot akong sabihin sayo ng personal dahil ayokong makita kang umiiyak kaya dinaan ko sa phone. Nagpakahonest ako sa nararamdaman ko. I just want to ask for forgiveness bago pa man tayo magpart-ways. Pryz patawad kung nagkulang ako sayo, I just want to settle the gap between us and get back to being friends"-I stared at him. Wanting to see a glimpse of sincerity.

Siguro panahon na nga talaga ngayon para kalimutan ko na ang nangyari. Sincere naman sya at alam kong mahal nya si Hajie.

I just smiled at tumango.

" Apology accepted"

"Ayun!"-nagpalakpakan silang lahat. Ngumiti sya pabalik sa akin.Lumapit sya at nakipagkamay.

" Friends?"-inabot ko ang kamay ko sa kanya sabay sabing,"Friends"

Ang gaan sa loob nito. Para akong nabunutan ng malaking tinik. Ngayon ayos na lahat.

•••••

Bago kami bumalik sa hotel,naglakad-lakad muna kami ni Zic sa gilid ng beach. Ang iba nag-eenjoy rin sa view. Nagseselfie at kung ano-ano pa.

Damang-dama ko ang malamig na hangin na umiihip sa buhok at damit ko.

"Yuan, congrats,bati na kayo"-sabi nya. Magkasama ang mga footsteps namin sa buhanginan.

" Oo nga eh. Ang saya at ang gaan-gaan sa loob"-ngumiti ako ng malapad sa kanya.

"Ibig sabihin ba non,tapos na rin ang pagpapanggap natin?Tanggal na ako sa trabaho?"-natigilan ako sa tinanong nya. Oo nga pala,okay na kami nina Jade,ano pang point ng pagpapanggap namin.

" Uhm Zic,h-hindi naman ganun yun eh"-humarap ako sa kanya at napatigil kami sa paglalakad.

"Di ba okay na man na lahat?Ano pang purpose natin sa pagpapanggap?"-he was smiling pero nalulungkot ako.

" Titigil ka na ba?So ganun na lang?Titigil na tayo?Di ba ang usapan sa graduation pa?"-di ko na mapigilan ang emosyon ko. Ayoko,ayokong maiwan na naman.

"Hindi naman ganon.Gusto ko lang malaman kung ano ng mangyayari sa atin pagkatapos nito"-ano nga ba?Pati ako naguguluhan na rin.

" Zic,hindi, hindi mo ako pwedeng iwanan nalang ng basta-basta"-tiningnan ko sya ng seryoso. Ang gusto ko manatili sya. Ayokong mawala sya sa tabi ko.

"Syempre,papano na yung image mo kung iniwan ka na naman.Mahalaga sayo yung image mo di ba?"-para akong pinukol ng malaking bato.Ganun na ba ako kafamewhore sa kanya?I admit nung una oo,yun ang importante sa akin. Hipokrita na kung hipokrita pero ngayon,may nahanap na akong mas mahalaga. At sya yun!

" Zic hindi! Hindi na mahalaga sakin ngayon yon! Wala na akong pakialam don"

"Kung ganon ano?Anong gusto mong mangyari sa atin?Anong gusto mo?"-napakagat ako sa labi ko. Natatakot akong sumugal ulit ayoko na syang pakawalan.

"Ikaw!Ikaw Zic!Gusto kita!Gusto kitang makasama pa ng matagal!"-I almost bursted into tears. Alam kong ang pula na ng mukha ko.Bakas sa mukha nya ang gulat nang marinig ang sinabi ko.

•••••

Malapit na po syang matapos!! Haha salamat po sa votes. Please support this til the end thank you po!

xoxo

DerpyYeolie

My Fictional BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon