Chapter Four

80 7 2
                                    

Guys, i hate to inform you that this chapter is short. But still, enjoy!
Btw. Belated saengil chukhahae to my guardian angel slash gwapong leader, Kim Jun Myeon aka Suho. Saranghae Gramps!

_eLLemarie_

------

Elle's POV

Like what the heck?! Bakit nandito ang lalaking 'to?! Schoolmate ko pala siya tapos di ko man lang alam? Pero hindi eh. Naka-disguise siya kahapon. Chamkaman... di ka stalker ko siya?!

"Ya! Bitiwan mo nga ako." Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at hinarap siya. "Ano bang ginagawa mo dito? At saka anong boyfriend boyfriend ang pinagsasasabi mo dyan ha? Di kita boyfriend noh. Napaka feeler mo." Sabi ko sa kay stalker guy na parang nandidiri ako sa existence niya.

Ineexpect ko na maiinis siya sa sinabi ko pero hindi eh. Nginitian niya lang ako at inakbayan ulit at nilapit niya ako sa kanya. Tinignan ko siya ng masama. Hindi masakit eh noh? Hindi kasi nabangga ang katawan ko sa katawan mo. Tsk. Sinubukan kong alisin ang pagkakaakbay niya pero wala, masyado siyang malakas kaya hinayaan ko na lang.

"Girlfriend kita. I am your namja chinggu since yesterday. Remember?" Tinaas baba niya ang mga kilay niya. Napangiwi lang ako. Sasagot pa sana ako nang biglang may umubo

"E-ehem!"

Napatingin ako sa umubo.

"Nakalimutan niyo yata na nandito pa kami?" Nakangiting sabi ni Cess saka tinaas baba niya din ang mga kilay niya. I just rolled my eyes on her. Marami na namang katanungan ang matatanggap ko mamaya.

Nag bow si stalker-slash-weirdo-guy kina Cess at nagpakilala ulit. Nag bow lang din silang tatlo at nagpakilala.

"Anyeong. Llanah imnida."

"Bangawoyo. Joneun Sugar."

"Hi! Princess imnida. But you can call me Cess for short."

"Ikaw ang girlfriend ni Kyungsoo diba?" Napatingin ako kay weirdo nang tanungin niya si Cess. Bakit niya kilala si Kyungsoo?

Tinignan ko si Cess. Tumango siya kay weirdo at sinabing, "Oo. Ikaw ba yung sinasabi ni D.O na si Yeol?" Ngumiti si weirdo at tumango kay Cess.

"So EXO Member ka din?" Tanong ulit ni Cess na siyang ikitinango ng weirdong lalaking katabi ko.

"Andito din ba si Kyung?" Tanong ni Cess kay weirdo. Nakakailang weirdo na ba ako?

"Ne~" Sagot niya kay Cess.

Tumingin si Cess sa bandang likuran namin pati na rin sa likod nila na parang may hinahanap.

"Eodi?" Tanong ni Cess.

"Molla. Papunta na siguro. Nauna lang akong pumunta dito para makita ko na si Aegi." Sabi ni weirdo. At muli, ako ay napangiwi. Yung mga kaibigan ko naman tumatawa lang habang tinutukso ako. Sige lang... humanda kayo sakin mamaya sa uwian.

"Anong Aegi? Di na ako bata para tawaging Aegi noh! Tsaka please, paki-alis ng braso mo sa balikat ko. Pwede? Ambigat eh. Di poket malaki kang tao ay gagawin mo na akong baston. Tsk." Reklamo ko sa kanya. Inalis niya naman agad. Phew. Mabuti naman at marunong sumunod 'tong weirdong 'to.  Minasa-masahe ko ang balikat ko. Totoo, walang halong biro. Mabigat talaga braso niya. Malaki kasing tao eh tsaka matangkad. Kawawa ako, hanggang dibdib niya lang ako.  T_T

Akala ko nang maalis na ang braso niya sa balikat ko ay lulubayan niya na ako. Pero akala ko lang pala.

"Uyyyyyy! Holding hands sila." Panunukso ni Sugar tapos umapir kay Llanah habang humahagikgik. Paalala niyo nga sa akin kung paano ko naging mga kaibigan 'to? Kagabi lang ayaw nila tapos nung makita na nila ang mukha um-okay na? Ibang klase ang mga best friends ko. Whoo! Bilib!

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon