Chapter 2Micah's POV
"OMG ! As in OMG ! Micah, hindi ko alam kung anong nangyayari sayo, nasisiraan ka na ba talaga hah ? Bakit ka ba buntot ng buntot sa Yandel na yun ? Kung ano ano na ang ginagawa mo para mapansin niya, nagawa mo pang mag-aral humawak ng baril dahil sa kanya, seriously anong pumasok sa utak mo at ginagawa mo to ?" okay, here comes my so overacting best friend Althea.
"Althea, hayaan mo na nga ako okay ? Besides nag eenjoy naman ako sa ginagawa ko kaya please lang, wag ka ng maingay diyan hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko eh." gumagawa ako ng apple tart para kay Yandel, ugh sana naman kunin na niya to no ?
Kinalampag niya ang lamesa. "You're crazy ! gusto mo ba talaga siya ?" pinanlalakihan niya ako ng mata.
Napatigil ako sa ginagawa ko. "Oo ! super ! Hayyy. MY YANDS! MY ONE AND ONLY YANDS." hinalik halikan ko ang picture ni Yandel na nasa bulsa ng apron ko, kuha to noong opening ng cafe. Kinuhanan ko siya habang nagseserve, ugh bakit ba ang gwapo niya.
"Tsk. This is insane, ano bang nakita mo sa kanya hah ?" still, pinandidilatan niya padin ako ng mata pero ilang segundo ay napatigil siya. "..Oh my god Micah, don't tell me nakita mo na yung .. yung ANO nya ... Waaaaah ! kaya siguro patay na patay ka sa kanya no ? sabihin mo sakin , sabihin mo , nakita mo ba hah ? Nakita mo ?" okay sabi sa inyo oa siya.
"Aish ! hindi no, edi sana nga nakita ko nalang." binalik ko ang picture sa bulsa ng apron at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Napatingin siya sakin. "OMG !" napatakip siya ng bibig at nilapit ang mukha niya sakin. "..Tingin mo, malaki kaya yung kanya ?.." napatigil ulit ako sa ginagawa ko at napatingin sa kanya.
Nilapit ko din konti ang mukha ko saka bumulong. "Hindi ko alam, gusto mo tignan ko ?" ngiti ko ng nakakaloko.
Napaatras siya at lalong napatakip ng bibig niya. Tinignan ko lang siya at nginitian, tinanggal niya ang kamay niya sa bibig niya at saka kami nagtawanan ng malakas.
Hahahahahahaha ! As if magagawa ko tignan yun no' OMG lang. Pero na-curious tuloy ako, malaki nga kaya yung ANO ni Yan---Aish ! Ano ba tong pinag iisip ko, you have a greenish mind Micah psh.
Lumipat sa tabi ko si Althea at tinulungan ako sa ginagawa ko."Eh ano ba kase talagang nakita mo sa kanya Micah hah ? Madami pang mas gwapo sa kanya, mas matangkad, mas mabait, mas macho. Lagi ka naman niyang pinagtatabuyan at saka isa pa sa dami ng naghahabol sayo diyan eh ikaw pa ngayon ang nakaisip na maghabol sa kanya."
"That's the point Althea, hindi niya ako hinahabol di katulad ng ibang lalaking nakilala ko, so ako ang maghahabol sa kanya." abot tenga ang ngiti ko habang sinasabi yan.
"Nababaliw ka na nga talaga, ang ganda ganda mo naman ewan ko ba bakit nagtya-tyaga ka sa Yandel na yan." iling iling niyang sabi.
"Yeah at hindi yun nakikita ni Yandel kaya naman pilit kong ipapakita yun sa kanya."
"Hayy ! Bahala ka na nga, basta hindi ako nagkulang ng paalala sayo."
"Opo Nanay !"
"Aish !"
"What do you think Althea ? Lagyan ko kaya ng gayuma to no para magustuhan ako ni Yandel ?"
"Ewan ko sayo, lagyan mo ng muriatic acid to at kainin mo ng matauhan ka."
Napatawa nalang ako sa usapan namin ni Althea, mula't sapul ay kami na ang magkasama, mula kindergarten hanggang ngayong college so meaning siya talaga ang kaisa isang bestfriend ko. Hindi siya nagsasawa na magpaalala ng mga dapat kong gawin, mature siya mag isip kesa sakin, advance masyado ang utak niya sa mga bagay bagay which leads her sa pagiging OA kung madalas pero kahit ganon siya ay okay lang sakin, sanay na sanay na ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chasing Apple
HumorI don't attach weigh to love. I f*cking really don't But ... Once Upon A Time IT TURN THE OTHER WAY AROUND....