Chapter 2

13 1 2
                                    

Dedicated to my pips ♥ guys don't hate me once you read this please hahahahaha love you guys!! tummy xx

---

Chapter 2

Zachary's point of view

"Saan mo ba ko dadalhin?" Tanong ko sakanya. Pinagsisihan ko tuloy na sinuot ko itong sapatos na binigay sa akin ni Ate. Ang taas taas naman kasi tapos kanina pa kaming naglalakad.

"Malapit na, babe.." Bulong niya sa tenga ko. Pakiramdam ko ay nagtaasan ang mga balahibo ko sa leeg. Dalawang taon na kami pero ganun pa rin kalakas 'yung epekto niya sa'kin.

Mas lalo akong nagiging attached sakanya. Mas lalo tuloy akong natatakot na mawala siya sa'kin.

"Malapit na ba talaga?" Tanong ko. "Ang sakit na ng paa ko."

"Sabi ko naman kasi sa'yo babe, mag-flats ka na lang. Hindi ka naman sanay magsuot ng ganyan." Sagot niya sa'kin. Natawa ako sa reaksyon niya.

"Ito na babe.." Hinawakan niya ko sa bewang ko. Naramdaman ko na naman iyong kuryente na dumaloy mula sa kamay niya papunta sa katawan ko.

Unti-unti na niyang inalis 'yung scarf na nakatakip sa mata ko kanina.

Nagulat ako sa bumungad sa'kin. Wala akong masabi. Para bang naipit yung dila ko. Ang ganda..

"Nagustuhan mo ba?" Mukhang nagpapanic iyong boses niya. Para bang natatakot siya sa isasagot ko na baka hindi ko nagustuhan.

"Gustong gusto." Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kapag nawalay ako sakanya. Ikamamatay ko yata kapag iniwan niya ko..

Sobrang handle niya. Itinuring niya akong prinsesa ngayong gabi. Lahat siya ang gumagawa. Napapansin ko nga iyong panginginig ng kanyang kamay. Para bang natatakot siyang magkamali.

"Kalma, babe. Hindi naman ako nangangain." Sagot ko sakanya. Pilit siyang ngumiti pero bakas pa rin sa mukha niya iyong kaba.
Ni sa panaginip ay hindi ko naisip na may ganito siyang side.

"Ah, babe?" Pag-agaw niya sa atensyon ko. "Two years. Dalawang taon na tayo. Hindi ko inaasahan na aabot tayo dito. Mapaglaro ako pero binago mo ko, babe. Sobrang minahal kita at alam kong ganun ka din sa'kin."

"Ayoko ng pahabain pa to dahil pakiramdam ko malapit na kong maihi sa pantalon ko. Ganun. Ganun ang epekto mo sa'kin.

Kaya babe, with all my life and soul, will you take me as your husband?"

Inilabas niya iyong kahon mula sa kanyang bulsa. Gustong gusto ko na siyang yakapin at sagutin ng oo pero ayokong sirain 'yung moment.

"Yes. I do." Sagot ko.

Ngumiti siya sa'kin. Tumayo siya at niyakap ako. Binuksan niya 'yung maliit na kahon na hawak niya.

"Bakit hindi singsing?" Tanong ko nung nakita ko ang nasa loob nung box. Diba dapat singsing? Diba nagpopropose siya?

"Seryoso ka ba talaga?" Muling tanong ko. Baka naman kasi hindi siya seryoso na pakasalan ako. Baka mamaya umaasa na naman ako.

Tumawa siya. Bigla tuloy akong naasar sa tawa niya.

"Bakit ka tumatawa?"

"Syempre seryoso ako sa'yo, babe." Ngumiti siya sa'kin. "Time turner."

"Ha?"

"I mark the hours, Jean. Kinontrata ko na si Kupido. Hindi ka niya pwedeng ipana sa iba."

"Ms. Jean! Ala-sais na po! Baka po malate kayo! Hindi daw po kayo maihahatid ni Ms. Sofia!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not your Typical GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon