Three Idiots

26 3 0
                                    

Punk Eight

Habang abala kami ni Light sa pagkain at pagsasagot sa mga katanungan nito gaya nang,bakit daw ako naka itim lahat.Sinagot ko lang siya nang isang tanong din,bakit kulay silver ang buhok nito at gaya niya wala din akong nakuhang sagot.Isang malakas na tawa lang ang binigay sa akin,nakakahawa,napangiti ako.

Pero bigla itong tumahimik at sumeryoso ang mukha,nakatingala,may tinitignan sa likod,ginaya ko siya at isang gising na si Dark ang nakakuha pala ng atensyon ni Light.

Nakatayo ito at galit na naman ang mukha.Nakatingin sa malayo,sinundan ko ang tingin nito.

Kahit galit ang mukha ay kalmadong naglalakad si Evan papunta sa kinarorounan namin.Kahit saan talaga nahahanap ako ng mokong.

Tumayo ako para salubungin ng sigaw si Evan,at ilayo kay Dark at Light.Kukunin ko rin ang bra ko.Nanatiling naka upo si Light na ngayon ay nakangiti na sa kaharap naming si Evan.

"..Huwag dito Evan,mag usap tayo sa ibang lugar.."..lumakad ako at nilampasan siya pero nanatili itong nakatayo,mismo sa harap ni Dark.

"..Evan?Bakit naman pati pangalan mo iniba mo pa?"..si Dark na matiim ang pagkakatitig kay Evan.."..Let me tell you his real name Alex.."..tiningnan niya ako sandali at mabilis ding bumalik ang nanglilisik na mata kay Evan.

"..Halika na Alex.."..si Evan na nakahawak na sa kamay ko,at kinaladkad ako palayo sa magkapatid ngunit mabilis din ang galaw ni Dark pati si Light,hinarangan kami.

Nakatingin si Dark sa magkahawak kamay namin ni Evan,pilit kong kumawala pero mahigpit ang pagkahawak nito.

"..Blaze.."..sabi ni Dark.Nakatingin na ito sa akin.

"..Sinong Blaze?"..pagtataka ko.

"..Yang nakahawak sa kamay mo,his name is Blaze and not Evan.."..

"..Ano?Hindi ko alam kong magkakilala ba kayo pero base sa inaasta ninyong tatlo,mukha nga.Pero please huwag niyo akong idamay,Evan bitiwan mo ako.."..pero mahigpit parin ang kapit niya sa kamay ko.

"..Oo nga naman brother,bitiwan mo siya.."..si Dark na mas lumapit pa kay Evan.

"..Brother?Magkapatid kayo?"..gulat kong sabi.

"..Yes kapatid namin si Blaze.."..si Light ang sumagot sa akin.."..But ibang Ina..".

Ano ba tong nangyayari sa akin.Kung magkapatid sila ibig sabihin tatlong grim reaper ang kasama ko ngayon at Blaze ang pangalan ng mokong,hindi Evan.

"..Blaze,bitiwan mo ako.."..napatingin sa akin si Evan,dahil ba sa paggamit ko sa totoong pangalan nito ay hindi ko alam pero binitawan niya ako.."..At pwede ba,pagod na nga ako na isang demonyo dadagdag pa kayo.."..sigaw ko kay Dark at Light.

"..Huwag kang magalit Alex.."..ang mabait na mukha ni Light at nakangiti sa akin.

Mas lalo tuloy akong nainis.."..Tigilan mo ako sa pag ngiti ngiti mo ha.."..

Tinignan ko ulit si Dark at si Blaze.Na kitang kita ang galit sa mga mata nila,nagtitigan.Ni isa ayaw magpatalo.Mga demonyo.Pagkatapos ay naglakad ako palayo sa kanila,sinubukan pa akong harangan ni Light kaya napatid ko siya sa paa.Iniwan ko ang tatlo at tumungo sa klase ko.

.................................................................

BLAZE/EVAN POV

"...Bakit kayo nandito at nangingialam?.."..hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Dark.

"..Sa tingin mo sinong nangingialam sa atin huh?Brother.."..kahit kailan talaga ay napakahambog magsalita ni Dark.

"..Umalis na si Alex.."..inform sa amin ni Light kahit hindi naman kailangan,nakita kaya namin ang pag alis ng dalaga kahit hindi namin inaalis ang mata sa isat isa.."..Dark susundan ko ba?.."..

My Time of Death:Point SEVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon