Sa panahon ngayon....

7 0 0
                                    

*Marami na ang walang kasiguraduhan.
Gaya na lamang ng sandali na kung saan,iisipin mo pa kung para saan ang ginagawa mo.
Kung tama ba yun o hindi.
Sabi nga ng isa sa peymus na kasabihan:
" sometimes the right things are the hardest thing to do"
Tama naman yun di ba? Agree ba kayo dun?
Sana maraming makarelate sa mga pinagsasabi ko.
Kung ano ang tama, yun ang mahirap gawin at kung ano yung madali ay yun pa ang mali.
Wag na tayong lumayo, sa pagkain na lamang.
Di ba mahirap mag diet, kung ikaw ay kelangan na talagang magdiet.
Pero, madaling kumaen ng kumaen.
Madaling mangopya,pero mahirap mag-aral.
Madaling magkalat,pero mahirap maglinis.
Madaling magalit, mahirap magpatawad.
Madaling magsalita, pero mahirap gawin.
Ganon talaga eh.
Tsaka hindi lahat ng ginagawa ng karamihan ay tama.
Madaling maging tao, pero mahirap magpakatao.

*Maraming manloloko
Nabasa nyo lang ang manloloko, naisip nyo agad lablayp?
Yan tayo eh.
May iba't ibang uri ng taong manloloko.
Pero ang ugat nyan ay ang pagiging makasarili.
Masyado silang nagpapamanipula sa kayamanan nila, sa pera.
Wala silang pakialam sa mga taong naloloko nila.
Ang mahalaga sa kanila ay ang magkaroon ng pera.
Sabi nga nila. "Pera pera lang yan"
Pero ang tanong ko, pag namatay ba kayo masasama nyo yan sa kabilang mundo?
Isasalba ba kayo nyan pag unti-unti nang tinutubos ang buhay nyo?
Sisirain lang nyan ang buhay nyo.
Sa sugal, kaya nga tinawag na sugal kase walang kasiguraduhan.
Pero tuloy pa rin ang laban nyo.
Hindi nyo namamalayan pati sarili nyo, napapabayaan nyo na.
Kase nga dinepende nyo ang sarili nyo sa pera.
Anong bang makukuha nyo pag nanloko kayo ng kapwa nyo?
Wala ba kayong konsensya?
Buhay pa kayo ay mahaba na ang lista nyo sa impyerno.
Masaya bang manloko ng kapwa?
*Mapang-abuso
Magkamag anak sila ng manloloko.
Mapang abuso sa katayuan sa lipunan.
Mayaman daw, kaya bawal mabahidan ng mantsa ang pangalan.
Pero dahil sa kapangyarihan nila, nagiging tama ang pagkakamali nila.
Iba na talaga pag may kapangyarihan.

RandomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon