"Marry me, Iris Selene"I can hear the finality in his voice, after saying those words agad niyang isinuot sa akin ang singsing na may malaking bato sa gitna, tingin mo pa lang ay alam mong mamahalin na.
Tumango lang ako.
Nakita ko kung paano sumaya lalo ang mga mata niya sa sinabi kong iyon.
3 buwan pa lang simula nang lumabas kami ni Zed at ngayon ay gusto nyang pakasalan ko siya. Nakakabigla, pero ano pa nga bang magagawa ko, mahal ko sya, at masaya akong inaya niya akong magpakasal.
Alam ko ang dahilan kung bakit nya ako gustong pakasalan, hindi ako manhid para hindi mardaman iyon. Alam kong kailangan niya ako, hindi niya ako mahal. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya niya, kaya wala akong karapatang tumaggi sa gusto niya, sunudsunuran ako pagdating sa kaniya, handa akong gawin lahat para sa kanya.Hindi ako magsisisi sa desisyon ko, mahal ko sya, iyon lamang ang mahalaga ngayon.
Inihatid niya ako sa bahay pagkatapos naming kumain sa isang mamahaling restaurant
"Wear this, I'll fetch you later at 6 for our engagement party" May ibinigay siya sa aking paper bag na naglalaman ng damit at sapatos.
Hindi na ako nagulat sa biglaang party na ito, alam kong planado na niya ito umpisa pa lang.Kinuha ko ang mga iyon at bumaba na sa sasakyan niya. Pagkababa na pagkababa ko ay umalis na rin siya,
Habang naglalakad ako papunta sa apprtment ko ay rinig ko na ang mga sipol sa akin ng mga tambay dito sa kanto namin na tanghaling tapat ay nagiinuman na. "Pare may dumadaang sexy witwiw" rinig kong sabi ng matandang mataba na may balbas sa mukha "Miss tagay ka muna" sabi naman ng isang matandang payat na sa tingin pa lamang ay alam mo nang may problema sa baga.
Mabaho maingay at magulo. Dito ako nakatira, sa iskwater, mahirap lang ako at wala akong pera upang mangupahan sa magandang apprtment. Ito lamang ang kaya ko
Hindi ko pinansin ang mga taong nasa paligid at tuloy tuloy ako pumasok sa maliit kong inuupahan.
Pagkapasok na pagkapasok mo pa lang ay makikita mo na ang kabuuan nang inuupahan ko.
Agad akong umupo sa aking lumang kutson na nakalatag sa sahig. Napabuntong hininga ako,
Matagal na akong nagtatrabaho sa kumpanya ng mga Monteron, sila din ang dahilan kung bakit ako nakatapos ng pagaaral, malaki ang naitulong sa akin ng mga Monteron. Kung hindi nila ako tinulungan ay malamang wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.
Bata pa lamang ay kilala ko na ang mga Monteron, doon kami nakatira ng nanay ko dahil doon siya nagtatrabaho, tagasilbi siya ng mga Moteron, nakakatakot silang kalabanin, lalo na ang tatay ni Zed na si Mr. Rodolfo Monteron. Gagawa at gagawa sila ng paraan upang makuha ang gusto nila, pero kahit nakakatakot sila ay may mabait na parte pa rin sa pagkatao nila lalong lalo na ang asawa ni Sir Rdolfo na si Mrs. Cristina Monteron napaka lambing niya, isama pa ang napaka kikay na lola nila na si Madam Merina.
May tatlong kapatid si Zed
si Sir Zach Martin, kakambal sya ni Zed, kung si Zed ay napaka seryoso at napaka misteryoso, kabaligtaran naman iyon ng kakambal nya, siya ang kaibigan at naging kuya sakin nung bata pa lamang ako, ang isa pa nyang kapatid ay si Zion Mcneil, 6 na taon ang agwat nya sa kambal, he's 24 we're on the same age, kaugali naman sya ng kuya Zed nya, ang pinagkaiba lang niya, hindi sya papalit palit ng babae, ni hindi ko nga nakikitang may kasamang babae. At ang bunso naman nila ay si Zeus Moises, he's 20 years old napaka bolero, chickboy, pero napakaalambing niya.Dati noong nakatira pa kami sa mansyon, si Zach, Zeus at Zion lamang ang nakakausap ko, napakabait nila, habang si Zed naman ay napakatahimik, napaka seryoso palagi ng muka niya, bata pa lang ako iba na talaga ang pagtingin ko kay Zed, hindi ko alam kung paano ako nagkagusto sa kanya pero siya lang iyong lalaking nakakapagpabaligtad ng tiyan ko tuwing titingin siya sa akin,
Simula noong namatay si nanay noong grade 3 ako, kinuha nila akong iskolar, habang lumalaki ako nakikita ko kung gaano kadalas magpalit at maguwi ng babae si Zed sa bahay nila, noong nakatapos na ako at nagkatrabaho sa kumpanya nila ay sinabi kong gusto kong mamuhay mag isa at pinayagan naman nila ako,
Assistant ako ni Zed, siya ang vice president ng ZMM company at gustong gusto niyang pumalit sa ama niyang presidente ng kanilang kumpanya, pero bago mapunta sa kanya ang posisyong iyon kailangan muna niyang maikasal, sa oras na maikasal sya makukuha nya ng buong buo ang kumpanya nila, walang pakialam ang kapatid niyang si Zach, ayaw na ayaw niyang manahin ang kumpanya. Ito ang dahilan kung bakit inalok niya ako ng kasal, hindi ko lang alam ay kung bakit ako ang pinili niyang pakasalan.
BINABASA MO ANG
Why me?
General FictionSa una pa lang alam na ni Iris Selene na hindi sya mahal ni Montecon. Pero kahit na alam nyang may dahilan kung bakit siya inayang magpakasal nito ay pumayag pa rin sya, ngunit ang tanging nasa isipan lamang nya ay ang mga tanong na "Bakit ako?"