Nagising si Kevin, at sa pagmulat niyang 'yon ay puting kisame ang bumungad sa kanyang paningin. Iniikot niya ang kanyang ulo upang pagmasdang maigi ang paligid, base sa mga gamit na nasa kanyang tabi at nakakabit sa kanyang katawan ay kumpirmado niyang nasa ospital siya.
Maya-maya lang ay napatingin siya sa pinto ng bigla iyong bumukas at iniluwa noon ang isang babae na mukang nasa kwarenta'y anyos na habang kasunod nito ang tila ka-edad nito na matandang lalaki.
"Kevin anak! Gising ka na!" buong tuwa't galak na sambit ng may-edad nang babae sa kanya habang hindi maitatago sa mga mata nito ang pamumuo ng mga luha roon. Umupo ito sa tabi niya at buong pananabik na niyakap nito ang kanyang kamay.
"Are you alright now? Anak, gusto mo bang tawagin ko ang doctor?" sa kabila ng pag-aalala ay hindi naman maitatago sa mga mata ng matandang lalaki ang kasiyahan.
Anak? nagtatanong ang kanyang isipan.
Kunot-noong napatingin siya sa dalawa. Bakit ganon ang nararamdaman niya?
Bakit naguguluhan siya? Bakit pakiramdam niya nasaid ang laman ng kanyang utak? Hindi niya malaman ang kanyang pangalan, ni ang dahilan kung bakit nandito siya sa hospital.
Nakita niya kung pano natigilan ang dalawang matanda nang makita siguro ang puno ng pagtataka niyang itsura. Naguguluhang ibinaling-baling niya ang kanyang paningin sa dalawang kasama."Sino ho kayo?"
Pagkatapos n'on ay sunud-sunod na ang kanyang naging katanungan sa dalawa na paulit-ulit siyang tinatawag na anak. Wala siyang maalala ni kahit na ano. Dala marahil ng pagka-panic sa nangyayari sa kanyang sarili kaya hindi na niya napigilang magsisigaw hanggang sa nauwi ang lahat sa kanyang pagwawala. Narinig niya ang paghagulhol ng matandang babae habang yakap-yakap ito ng kasamang lalaki. Dumating ang mga nurse at isang doctor para pakalmahin siya. At bago pa man niya mapagtanto ang itinurok sa kanya ng mga 'yon ay nakaramdam na siya ng pagka-antok at tuluyang nakatulog.
"Meron siyang amnesia." tila nanghihinang wika ni Rosana, ang ina ni Kevin sa mga kaibigan ng anak na noo'y kakarating lang ng ospital matapos mabalitaan ang nangyari sa kaibigan.
Bagsak ang balikat habang mababanaag sa mga mata nina Gian at Ralph ang pinaghalong pagkagulat at pagkalungkot ng marinig ang sinabi ng ina ng matalik nilang kaibigan. Magkaka-ibigan na silang tatlo nila Kevin simula high school pa lang sila at magpa-hanggang ngayon nga sa college.
"He has a transient global amnesia. The doctor said, TGA is a temporary but almost total disruption of short-term memory with a range of problems accesing older memories with the patient. Walang matandaan si Kevin na kahit na ano,kahit ang pangalan niya at ang masaklap kahit kaming mga magulang niya ay hindi niya maalala." nanlulumong tugon naman ng ama ni Kevin.
"Eh gaano daw po ang itatagal n'on?" malamyang tanong ni Ralph sa mag-asawa.
"After a months or the worse is baka tumagal daw ng ilang taon." paliwanag muli ng matandang lalaki.
Napabuntung-hininga na lang si Gian at napayuko, samantalang si Ralph naman ay tila lantang dahon na bagsak na napa-upo sa upuan malapit sa kinatatayuan niya. Kahit pala sila ay hindi rin nito naalala.
Maya-maya lamang ay napalingon silang lahat sa pinto ng bigla iyong bumukas, nakita nila ang humahangos na itsura ng isang mala-anghel na babae. Nanlalaki ang mga mata nito na nakatingin kay Kevin na nasa hospital bed.
"Ynna!"
sabay na tawag nila sa kaibigan.
"Oh my god? W-What happened to him? A-A-Anong nangyari kay Kevin?"
hindi makapaniwalang sambit ng dalaga habang isa-isa nang nagpapatakan ang mga luha mula sa mga mata nito."PAANO na ngayon 'yan? Wala na siyang maalala na kahit sino, kahit ikaw?" malamig na sambit ni Ralph kay Ynna habang abala ang babae sa pagtitig kay Kevin. May pag-kaawa sa mga mata nito. Silang dalawa na lang ang naiwan sa loob ng hospital room para magbantay kay Kevin dahil umalis para umuwi sandali ang mag-asawa habang si Gian naman ay may binibili lang sa labas at babalik din agad pakatapos.
"Hihintayin kong bumalik ang lahat ng ala-ala niya.Hihintayin ko siya Ralph.Maghihintay ako kahit gano katagal." buo ang loob na sagot sa kanya ni Ynna.
Kumunot ang noo ni Ralph.
"Kahit ilang taon?" may tono ng pagkadismaya na tanong ng binata.
"Kahit ilang dekada." mabilis na sagot sa kanya ng babae.
Maingay na napabuga ng hangin si Ralph.
"Naririnig mo ba lahat ng sinasabi mo Ynna? Maghihintay at aasa ka sa isang bagay na alam nating lahat na wala namang katiyakan, ganung pwede mo namang samantalahin ang pagkakataon na gawin lahat ng gusto mong mangyari.Umalis ka na sa kanya. Iwan mo na siya, 'yan naman ang gusto mo diba!"
"Hindi,Ralph. Maghihintay ako hindi dahil para hingin ang desisyon niya o ano pa mang reaksyon na manggagaling mula sa kanya, kundi gusto kong pagbayaran lahat ng kasalanang nagawa ko nung naaalala pa niya 'ko, gusto kong bumawi sa kanya." matapang na tugon ni Ynna.
"W-What do you mean?" naguguluhan na tanong ni Ralph.
"Aalagaan ko siya. Sa pamamagitan man lang n'on mapagbayaran ko lahat ng nagawa kong pagkakamali sa kanya. Aalagaan ko si Kevin,Ralph.
Aalagaan ko ang fiance ko."
------------------------------------------------------------------------------------------
Please do vote and comment. LOVELOTS!
BINABASA MO ANG
A Time To Remember (Revising)
Roman d'amourSHORT STORY Copyright © 2013 by I Got You Babe. All Rights Reserved. Kaya mo bang mahalin ang isang taong alam mong walang maalala ni kahit na ano mula sa kanyang nakaraan at ang tanging pinanghahawakan niya lang ay ang kasalukuyan? Kaya mo bang is...