Wala kaming pasok today. Apat lang naman kase subjects namin. Dalawa pag Monday, isa pag Tuesday, at isa pag Thursday. Ang sarap sa feeling humiga sa kama. Wohoooo! Prinsesa ng mga tamad here ^_________________^
Mamaya nga pala darating si Tita. Magkakaalaman na kung tatanggapin ko ba o hindi. Wow ang arte lang. Pero gusto ko talaga muna ma-sure na hindi ako matotorture sa schedule at aba dapat malaman ko din kung anong klase ng estudyante yung tuturuan ko no. Baka mamaya may lahing bampira o werewolves pala yung mga yun. O kaya alien o kaya witch. Mahirap na. Dami ko kaseng nababasang libro hehe. Pero baka kase totoo naman talaga sila. Walang imposible diba? Bahala kayo, basta ako open sa lahat ng possibilities na totoo sila.
Anong oras na nga pala?
9 AM. Himala yata hindi ko narinig yung karimarimarim na boses ng beast? Makabangon na nga, baka nag-iipon lang ng isesermon sakin si Mama. Yun pa.
Lalabas na sana ako ng kwarto ng..
Bababa, babananana, babababa nanananana ahhhhhhh.
San ko nga naisuksok yung cellphone ko?
"Hello?" - Ako. Unregistered yung number.
"Hi Asawa ko." - Boses ng hudas!
Asawa ko yorpeys! Nagtatayuan balahibo ko. Sa kaba at inis.
"Sino to?" - Ako. Well aba, ayokong isipin nya na napakapogi nya para maalala ko sya.
"I know you know who I am." - Sya. Hanggang ngayon ang yabang parin ng bwiset na to. *Sending turning 45 through call*
"I'm afraid your wrong. I don't know who you are." Fwahahaha hindi na ako yung maamong Ella tangeks.
"Tsss. It's me , Bryan." - Surrender na si hudas.
"Bryan who?" Somehow, nag expect akong kakanta sya na may BRYAN sa lyrics. Parang yung sa knock knock. Hahaha. Di na ko kinakabahan. Pagtitripan ko tong hinayupak na to.
"Ross Bryan Castillo." - Sya
"Oh. Seriously, do I know you?" - Ako. *Evil smile*
"Is this Cinderella Rodriguez?" - Sya
"Yes." - Ako
"Sige next time na nga lang. See you soon asawa ko." - yun lang at ibinaba na nya.
Wow ha. Wow! Kapal talaga ng apog nun. Kalma Ella.
At ano daw? See you soon? Ha! Muka nya. Hindi na ako papayag na magkrus ulit landas namin. Kung mangyari man yun, sasaktan ko sya. Pisikal. Kala nya nakalimutan ko na yung sakit ng sugat na iniwanan nya? Makalabas na nga lang ng kwarto. Medyo nakakainis eh.
Arggghhhh! Nakakainis. Maglilinis na nga lang ako ng bahay. Walang tao. Wala sila Mama. Pero may dyosa dito. Aba syempre ako yun no. Anong oras kaya darating si Tita Mira. Kelangan maging busy utak ko. Mergeeeeed. Kahit kelan panira ng araw yung Bryan na yun. Ross Bryan Castillo. I hope I won't see you ever again.
BINABASA MO ANG
My Unfairytale Life
RomanceDi ba dapat kung kanino ka ipinangalan, halos kapareho mo din ng ugali at kapalaran yun? Medyo kabaliktaran lang naman kase yung kay Cinderella o 'Ella'. Sobrang irony. Adventurous at napakatapang nyang nilalang. Sa panaginip. Pero sa totoong buhay...