Kabanata 1

25 2 0
                                    

"Dad saan po ba ang business trip niyo?"tanong nito sa ama niyang nakaupo sa mesa kasabay niyang mag-almusal.

"Sa may France 'nak"matipid na sagot ng kanyang ama.

Napag-usapan nila ang tungkol sa darating na Business trip ng kanyang ama.At dahil dito ay siguradong iiwan na naman siya sa mga kapatid niya.Hay ano pa nga ba ang magagawa niya....Wala din naman yung katulong nila,umuwi daw ng probinsya kaya wala siyang makakasama.Di alam kung kailan babalik.At isa pa kailangan daw nito mapalapit sa mga kapatid niya dahil hindi niya kaclose ang mga ito.

Pagkatapos nila mag-almusal ay si Dane na ang nagprisintang maghugas ng kinainan nila.Saka siya nagpatuloy sa sariling kwarto nito para lang maglaro ng Left 4 Dead 2 sa Ps4 nito.Di naman siya mahilig nito dati,kaya lang kinalaunan ay naging habit niya na ang pagiging truegamer. Nang dahil lang sa mga kaibigan niyang hardcore gamer.

Kada-month siya bumibili ng mga latest games sa may Astroplus at kadalasan kasama nito ang mga kaibigan niya.Minsan naman nagpapadala ang ama niya ng mga CD na mga laro katulad ng 2k16 NBA Basketball kapag pumupunta ito sa Business Trip niya.

Pagkatapos niyang maglaro ng dalawang oras ay naisipan na niyang bumaba para kumuha ng maiinom sa ref.Umupo ito sa kanilang sofa chair na nakapatong ang mga paa sa table na harapan nito habang umiinom.Napatingin naman siya sa bintana nila,na ngayon lang niyang narealize na umuulan pala.

"Napakaganda na naman ng araw ngayon"ang sabi nito sa sarili saka naisipang tumayo at dumiretso na naman sa kwarto nito.Bakit niya ba nasabi na napakaganda ng araw niya kapag umuulan ng ganitong oras? Yun ay-

Humiga agad ito sa kama niya pagkarating na pagkarating niya.

"Yes! makakatulog ako ng mahimbing nito"bulong niya saka nagsimulang ipikit ang mga mata niya.

Yan ang dahilan kaya niya nasabing napakaganda ng araw kapag umuulan.Yun ay dahil makakatulog siya ng napakahimbing.She finds it as a peaceful day.

************

"'Nak bangon na"ang sabi ng ama niya habang tinatapik-tapik siya sa balikat.

Agad naman siyang napabangon sa kama habang kinukusot-kusot pa nito ang mga mata.

"Bakit Dad?"tanong niya.

"Ah Nak may pag-uusapan lang tayo"

"Yun ba? sige susunod na lang ako after 5 minutes"agad naman siyang nagtakip ng kumot sa mukha niya.

Inalis naman ng ama niya kaya nainis siya.

"Dad naman....bigyan mo pa ako ng 5 minutes"

"Bumangon ka na diyan.Anong oras na o"sabay pakita ng relo nito sa dalaga.

Napabalikwas agad siya sa kama at agad dumiretso sa banyo.

"Bakit di niyo ko ginising kaagad"pagrereklamo nito habang nagtu-toothbrush.

"Di ko na kasalanan yan kung di ka nagigising"

ANO?!!

"Ano? kanina niyo pa ba ako ginigising Dad?"sabay silip nito sa ama.

Tumango naman ang ama niya.

Haiist! Sabi na nga ba.Ganyan talaga kahimbing ang tulog niya kapag umuulan.....Para siyang tulog-mantika,mahirap gisingin.

Alas-syete na ng gabi ng magising siya.Di namalayan na ganon pala katagal ang oras na naitulog niya.

"Saan ka ba pupunta at parang nagmamadali ka diyan?"tanong ulit ng ama niya.

"Dad may lakad kami ng mga barkada ko"mabilis nitong sabi sabay kuha ng cap at susi nito na nakapatong sa drawer.

"Gabi na.....sabihin mong bukas niyo na lang ilakad yan at isa pa may pag-uusapan pa tayo"

Three Girls and a Girly Heart of a BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon